"You almost killed her!" galit na tinig ng isang babae ang naulinigan niya nang magising. Hindi man niya imulat ang mga mata ay alam niyang narito sa kaniyang silid ang mga magulang ni Troy base sa kaniyang mga naririnig. Nagkunwari siyang tulog habang nakikinig sa pag-uusap ng mga ito.
"Hindi ko sinasadya," anitong puno ng pagsisisi ang tinig.
"God! More than a month na pala s'ya sa bahay mo! And you never allow her to go out?" Tinig ni Donya Elena.
"Look, I don't know how to bring her back! Hindi ko alam kung paano ko s'ya ilalapit sa akin knowing that she hated me since she was a child," desperadong tugon ni Troy sa ina.
"Ito na ang karma ng daddy mo, kung hindi ba naman loko loko na patulan ang sekretarya n'ya? Ayun! Muntik nang ipa-ako ang anak ng may anak!" Ang Donya muli.
Napakislot si Eliza sa narinig. Totoo ba ang narinig niya? Hindi siya anak ni Mauricio Monteverde? Paanong nagawa ito ng kaniyang ina sa kaniya? Hinayaan siyang lumaki sa maling paniniwala?
Nabaling sa kaniya ang atensyon ng mga ito.
"Eliza? Honey, are you okay?" Si Troy na nagmadaling lumapit sa kaniya. Dumilat siya. Hindi nga siya nagkamali, narito ang mga magulang ni Troy.
Tumingin siya sa mga ito na blangko ang expresyon sa mukha, kuwari ay wala siyang alam.
"Baby nagugutom ka ba? Ipinagluto ka ni Manang," si Troy habang hindi alam ang gagawin kung ihahanda ba ang pagkaing dala ng kaniyang mga magulang o ibabangon si Eliza.
"Maaari bang iwan n' yo muna kami," hindi pakiusap kung hindi utos ni Don Mauricio sa asawa't anak. Halata ang awtoridad sa tono ng pananalita nito.
Mabilis namang tumalima ang dalawa, ngunit bago lumabas si Troy ay mabilis siyang kinintaan nito ng halik sa noo.
"Eliza," simula ng Don nang mapag-isa na sila.
"Hindi ko alam kung bakit hinayaan ng Mommy mong lumaki ka sa paniniwalang ako ang iyong ama," sabi nito ng napapa-iling.
"A-anong ibig n'yong sabihin?" Kunwari ay takang tanong ni Eliza. Ang totoo n'yan ay kanina pa niya iniisip kung paano siya magre-react sa sasabihin nito. Sobrang napahiya siya, ikaw ba naman ang gumanti sa mga taong wala naman palang kasalanan sa'yo?
"Hindi ako ang tunay mong ama. You were six nang matuklasan ko iyon," kuwento nito.
"Ipina-DNA test kita at nalaman kong hindi ako ang ama mo, galit na galit ako noon dahil niloko ako ng Mommy mo. Alam niyang sabik ako sa anak kaya nang hindi ko siya mabuntis ay nagpabuntis siya sa iba at sinabing sa akin ang bata," patuloy nito.
"Naiintindihan ko ang galit mo, hindi mo kasalanan kung all these years ay kinamumuhian mo ako at ang pamilya ko, may kasalanan din ako, naduwag akong harapin ka noong maghiwalay kami ng Mommy mo." Sabi pa nito.
Hindi maiwasan ni Eliza ang maluha. Hindi niya alam kung dahil sa hiya o dahil gumaan nang husto ang kaniyang dibdib. Tila naglaho sa isang iglap ang poot, galit, at mga hinanakit sa puso niya.
"It's my fault," si Don Mauricio muli.
Sapat na ang mga luhang iyon para magka-unawaan sila ng matandang Don. Lumapit ito sa kaniya at hinaplos ang kaniyang likod. Hindi niya mapigilang yumakap dito.
"Shhh, everything will be alright," anitong tila nang-aalo ng isang bata.
"I think mas maraming aayusin si Troy kaysa sa akin," pabirong sabi ng Don nang kumalas siya sa pagkakayakap dito.
"That bastard!" Aniya nang maalala ito.
"Alright, mukhang mas kailangan ninyong mag-usap?" Amito.
BINABASA MO ANG
ELIZA'S WRATH (Art Of Temptation Series)
RomanceI am Eliza. I was abandoned and denied, by my father. I grew up full of anger and bitterness in my heart. I seek revenge. Vengeance. And Troy is the only answer for everything. Temptation. Lust. I'm willing to give everything to bring Montev...