KABANATA 13

187 5 0
                                    


Payapang lumapag ang sinasakyang eroplano ni Eliza sa John F Kennedy International Airport. Nagtagumpay siya sa paghihiganti sa ama. Nagulo niya ang buhay ng mga ito at nabahiran ang malinis nitong pangalan. Sa ngayon ay matatahimik na siya. Makakapagsimula na siya ng bagong buhay dito sa Amerika. Hindi alam ng kaniyang ina na narito siya. Wala itong alam sa mga plano niya. Tanging siya at si Jelay lamang ang nakakaalam ng mga ito. Si Jelay rin ang tumulong sa kaniyang mag-set up ng kaniyang pagtakas. O takas nga bang matatawag iyon? Wala namang may gustong habulin siya. Alam niya, at some point ay mawawala ang mga isyu tungkol sa kaniya at makaka-recover ang mga Monteverde sa gusot at bahid na ginawa niya. Mayaman ang mga ito at kaya lamang nilang baliktarin ang kuwento tulad ng dati. Sasabihin lamang nila na nababaliw siya at hindi siya kilala at kaano-ano ng mga ito.


Tumulo ang luha niya. Hindi nga ba' t ito ang gusto niya? Hindi ba't nagtagumpay na siya? Bakit parang napakabigat ng dibdib niya sa isiping isa lamang siyang tuldok kumpara sa mga ito? Hindi talaga siya nababagay sa mala langit na level ng mga ito.


Huminga siya ng malalim bago tuluyang tumayo at para sumabay sa mga kapuwa pasaherong nagsimula nang lumabas sa eroplano.



Nag-taxi lamang siya papunta sa address ng kaniyang apartment, ang magiging tahanan niya. Ayaw niyang pumunta sa ina dahil siguradong walang katapusang sermon lamang ang aabutin niya rito. Matagal na niyang inayos ito, hindi pa man sila ikinasal ni Troy ay kumuha na siya ng apartment dito nang minsang magbakasyon siya.


Nang makarating ay agad na naligo at nagtuyo ng buhok, humiga sa kama pagkatapos. Ngayon niya naramdaman ang pagod. Ipinikit niya ang mga mata, gusto niyang matulog pero pilit na pumapasok ang mukha ni Troy sa isip nya. Wala siyang pinagsisihan sa ginawa dahil mula pa noon ay ginusto na niya iyon pero bakit tila hindi siya masaya?


Mabilis na lumipas ang mga araw, nakapasok siya sa isang accounting firm bilang senior accountant. Naging normal ang buhay niya, tulad ng dati, trabaho-bahay lamang ang ang naging routine niya. Paminsan minsan ay kinukumusta ang ina na nasa kabilang siyudad lamang. Nagtaka man ito sa biglaang desisyon niyang lumipat ay natuwa rin naman dahil matagal na niyang hiniling dito na lumipat na sa Amerika para magkalapit o magkasama na silang mag-ina.


Mag-iisang taon na rin mula nang maging tahimik ang buhay niya. Kung tahimik ngang masasabi ang paminsan minsang pagtulo na lamang ng kaniyang luha. Bakit hindi niya makalimutan si Troy? She badly missed him. His touch. His arms. Hindi man niya aminin, she always dreamed to be in Troy' s arms again. Alam niyang hinding hindi na iyon mangyayari pa dahil tulad nga naunang inisip niya, they will eventually forget about her. Oo napakalaking eskandalo sa mga Monteverde ang ginawa niyang paglantad pero ilang buwan lamang iyon, tulad ng inasahan niya, muli siyang inilibak ng sariling ama. Sa ngayon ay unti-unti na niyang natatanggap iyon. Para ano pa? Nagsasayang lamang siya ng oras sa mga taong wala namang ambag sa buhay niya.


Pero totoo yata na kapag iniisip mo ang isang tao ay bigla na lamang magpapakita sa' yo.


"Uhh!" Napadaing si Eliza nang may humawak ng mahigpit sa kaniyang braso. Pakiramdam nga niya ay tila naipit ito sa sobrang higpit ng pagkakahawak.


"What the-?" Hindi niya natuloy ang sasabihin nang mapagsino ang taong gumawa niyon.


"Hey honey, kilala mo pa pala ako baby," anitong may nakakalokong ngisi. Unang beses niya itong makita sa ganoong reaksyon.

ELIZA'S WRATH (Art Of Temptation Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon