KABANATA 7

229 6 0
                                    


"Ano ka ba! Alam mo naman kung ano talaga ang gusto ko," malanding tugon ni Brandon kay Eliza. Hawak ng dalaga ang kamay nito.


"Bitiwan mo nga ang kamay ko, baka sabihin nila girlfriend kita! Kadiri kaya," anito, talagang hindi magpapapigil sa kabaklaan.


"Hoy Brandon, tumigil tigil ka sa kalandian mo! Naku, puputulan ka talaga ni Congressman sinasabi ko sa'yo!" paalala ni Jelay dito.


"Brenda! Brenda is my name mga bakla!" protesta naman nito.


"Ay ang kupal, pang wrestling ang boses ko pero hindi ako bakla!" si Jelay uli.


"Awats na mga bebe," ani Eliza na natatawa na lang sa diskusyon ng dalawa.


"Eto kasi eh," sisi ni Brandon dito. Lalaking lalaki ang itsura pero ma malambot pa s marshmallow ang mga galaw. Takot kasi ito sa kaniyang pamilya. Nag-iisang anak na lalaki ng isang kilalang angkan ng politiko kaya takot na magladlad ito. Kaibigan nila ito simula noong nasa hayskul sila kaya kilala nila ito maging ang mga itinatagong sikreto.


"Oo na.. Mag-ingat ka talaga d'yan sa mga kilos mo sinasabi ko sa'yo," muling babala niya.


"Ah, ah, ah.. Tama na ateng," protesta naman nito sa nagsisimula na namang magsermon na si Jelay.


"Girl, kumusta naman ang love life mo?" anito at bumaling kay Eliza.


"Hay naku! Huwag mong kumustahin 'yan at daig pa n'yan ang tumama sa lotto dahil hindi lang bilyonaryo ang jowa niyan, ubod din ng guwapo!" muling sabat ni Jelay kahit na kausap ang isa sa kaniyang mga waitress.


"Ay girl ang suwerte mo naman," ani Brandon na bahagyang nalungkot.


"Ako kaya? Kailan maipapakita ang tunay na ako? Baka patayin talaga ako ng Daddy ko," anito.


"Hindi ko boyfriend si Troy noh?" Irap ni Eliza sa kaibigan. Nakuwento niya kasi rito ang paghingi ng pabor sa kaniya ni Troy para mangpanggap na girlfriend nito.


"Magpakalalaki ka na lang kasi," ani Jelay na nasa mood talaga mang-alaska.


"Yuuck!" maarteng tugon ni Brandon dito.


Maingay sila habang kumakain, kung ano-ano lang ang napag-usapan nila. Nang matapos kumain ay nagyaya si Jelay na mag-bar sa di kalayuan sa kaniyang resto. Medyo naiilang kasi siyang magkuwento kapag nanatili sila roon dahil maririnig ng kaniyang mga empleyado. Um-order si Jelay ng maiinom nang makahanap sila ng magandang puwesto. Hindi naman nagtagal ay lumapit ang waiter dala ang kanilang order. Ladies drink lang ang mga iyon dahil hindi naman kasi talaga sila umiinom. Ngayon lang ulit dahil may kaniya kaniya silang isyu sa buhay. Naka ilang lagok pa lamang ay naging mas madaldal na si Jelay kaysa dati. Nagsimula nang magkuwento tungkol sa bago niyang crush kuno.


"Alam n'yo ba, sa dinami dami ng mga guwapo sa mundo, eto talaga... Dito pa sa isang ito talaga tumibok ang puso ko," anito habang iniikot-ikot ang alak sa loob ng hawak na baso.

ELIZA'S WRATH (Art Of Temptation Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon