KABANATA 4

263 6 0
                                    

"Girl! Bising busy ka yata sa honeymoon 'nyo ng guwapong boss mo?" malakas na boses ni Jelay sa kabilang linya.
"Tumigil ka d'yan hoy! Pagod akong naka-upo maghapon kaya huwag mo akong ma-honey honeymoon d'yan!" kunwa'y singhal ko.
"Sungit naman neto," aniyang medyo bumaba yata ang energy sa naging sgot ko.
"Eh paano kung nagkatotoo nga? Dalaga ka at maganda, single naman si pogi kaya hindi malayong magkatotoo Eliza!" hirit niya. Sabi ko na nga ba at walang pinalalampas ang kaibigan kong ito. Napapailing na lamang ako.
"Kumusta naman ang negosyo Miss businesswoman of the year? Wala pang jowa pero kung umasta akala mo pamilyado na at may sampung anak na painapalamon," tanong ko sa kaniyang may kasamang panunukso.
"Uy, loka to. Pinaghahandaan ko lang ang kinabukasan. Malay mo tambay pala si Mr. right ko," aniyang humahalakhak.
"Gaga! Mr. WRONG 'yun kung tambay," sabi ko naman tumatawa na rin. Wala talagang matinong usapan sa kaibigan kong ito.
"Oh, bakit nga pala napatawag ka? Pabalik na kami bukas, kita tayo sa Sunday. Huwag mo na namang sasabihing busy ka," dagdag ko.
"Heto nga beshy, may sasabihin talaga ako sa'yo. Hindi na ako makapaghintay pa ng linggo kaya tumawag na ako. May naging customer kami dito sa resto, feeling ko mahal ko na s'ya beshy!" malandi ngunit pabulong na kuwento niya.
"Ang landi mo talaga, totoo ba 'yan? Baka naman guwapo lang tapos kinindatan ka at kinilig ka lang mahal mo na?" sabi kong medyo napasimangot. Mabilis talagang ma-attract si Jelay lalo na sa mga guwapo. Kaya minsan madalas ma-disappoint dahil umaasa siyang si Mr. right lagi ang kaniyang nagugustuhan tapos at the end ay kabaliktaran pala.
"Hindi besh, suplado nga eh hindi man lang pinansin ang beauty ko. At heto, mukhang tambay lang ang lolo mo pero feeling ko talaga kami ang itinadhana para sa isa't isa," kuwento niyang tila nangangarap pa.
"What? Are you kidding me?" gulat na tanong ko. Sa pagkakaalam ko eh malayo sa pamantayan ni Jelay ang mga katangiang iyon lalo na ang pagiging tambay.
"Yep, nagbago na ako ng preference. Kahapon lang," may halong tawa niyang sagot.
"Oh my God! I really need to see you the soonest na maka balik ako. Bibili na rin pala ako ng insenso rito para pausukan ka at umalis ang masamang espirito riyan sa katawan mo!" mahabang litanya ko.
"Alright, see you beshy kong maganda. I love you!" pang-aasar pa niya saka ibinaba ang telepono. Hindi na ako hinintay na makasagot ng bruha. Talaga yatang may sanib na ang kaibigan kong iyon.
Maaga pa kinabukasan ay nakagayak na ang maliit kong maleta. Inilagay ko na iyon sa may bandang gilid ng pinto para hihilahin ko na lang mamaya kapag tumawag si Troy. Sabi kasi kahapon ay hintayin ko lamang raw ang tawag niya kapag ready na ang sasakyan niya. May emergency kasi ang driver niya at hindi pa ito nakakabalik kaya hihintayin muna namin dahil walang magmamaneho para sa amin pabalik ng Maynila.
Maya maya pa ay tumunog ang cellphone ko. Si Troy iyon.
"Miss Arguella magkita na lang tayo sa lobby," iyon lang at ibinaba na nito ang telepono.
Mabilis ko namang kinuha ang shoulder bag ko at nilibot ang paningin ko sa buong silid para siguruhing wala na akong nakalimutan. Hini pa ako nakuntento pumunta pa ako sa toilet para muling tingnan. Nang masigurong wala na akong naiwan ay hinila ko na ang aking maleta at nagtungo sa elevator.
Nadatnan ko nang nas reception si Troy para mag check out. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya. Napaka guwapo niya sa suot na casual t-shirt na tinernuhan lamang ng beige na cargo shorts. Naka rubber shoes lamang siya.
"Good morning sir!" bati ko sa kaniya habang nasa kabilang counter naman ako.
"Morning," tugon naman niya.
"Hintayin mo ako sa driveway, kukunin ko lang ang kotse. Hindi makakarating ang driver," aniya saka tumalikod at iniwan sa akin ang maliit niyang maleta. Wala na akong nagawa kung hindi tingnan na lamang siya habang palayo.
Hila ang dalawang maleta ay lumabas na ako sa harap ng hotel at tulad ng sabi niya ay naghintay ako sa may driveway. Hindi naman nagtagal ay pumarada ang itim na kotse sa harapan ko. Iba iyon sa sinakyan namin noong papunta kami kaya hinintay ko munang bumaba ang kung sino mang driver niyon para makasiguro.
"Let's go," aniya habang bumaba ng kotse at lumapit sa gawi ko. Binuksan niya ang trunk para ilagay ang aming mga bagahe. Tinulungan naman kami ng security guard na naroon na magbuhat ng mga maleta para ilagay sa sasakyan.
"Sa harap ka na sumakay, ayaw kong magmukhang driver," aniya.
Walang imik naman akong tumalima. Inihanda ko na ang sarili ko sa mahabang biyahe na walang imikan. Hindi pa rin kasi ako kumportableng kausap siya kapag hindi tungkol sa trabaho ang pinag-uusapan namin. Ganito yata kapag may lihim na agenda laging natatakot mabuko.
Nagpatugtog siya habang nasa biyahe. Noong una ay patapik tapik lamang siya sa manibela habang nakikinig ng mga kanta ng boyband na sumikat noong late 90's. Nang maglaon ay sinasabayan na niya ito.
"Over and over I fall.... When I hear you call.." kanta pa niya.
Lihim naman akong napapangiti. Infairness may boses naman pala siya.
Bigla siyang tumigil sa pagkanta at napatingin sa akin.
"Why? Don't you like the song?" kunot ang noo niyang tanong sa akin.
"N-no, I mean I like it," utal kong sagot. Hindi ko inaasahang nakita pala niya ang pag ngiti ko.
"Magaling pala kayong kumanta sir," sabi kong ngumiti.
"Hindi naman, libangan lang namin ng Daddy ang mag-sing along kapag walang ginagawa." kuwento niya.
Sa sinabi niya ay bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung galit ba iyon o excitement sa pagkakarinig ng kuwento niya.
Hindi na lamang ako umimik.
Huminto kami sa isang restaurant sa kahabaan ng SCTEX para mananghalian. Tanghali na rin kasi at medyo mahaba pa ang biyahe namin.
Bigla na namang nag-ring ang cellphone ko habang kumakain kami mabuti na lamang at naka silent iyon. Pero nakalapag lamang iyon sa mesa kaya nakita ni Troy. Napatingin siya sa akin nang mapansing hindi ko iyon sinasagot.
"Ahm, hindi mo ba sasagutin?" Kaswal niyang tanong sa pagitan ng pag-nguya.
"H-hindi naman importante, mamaya ko na lamang siya tatawagan," tugon ko.
Pero parang hindi yata nakaka-gets ang makulit kong caller at hayun hindi tumitigil sa pagtawag.
"Go on, you can answer it. I won't mind," muling pansin ni Troy. Sa totoo lang ay nahihiya akong sagutin dahil si Jelay ang tumatawag. Kahit hindi kasi naka-loudspeaker ay talagang maririnig mo ang boses niya sa lakas na magsalita. Baka makapagsalita pa siya ng ikakapahamak ko. Wala pa namang preno ang bibig niya.
Sa sinabi niya ay wala na akong nagawa kung hindi ang sagutin iyon.
"Hello," kaswal na bati ko na may halong dalangin na sana ay maghunos dili naman ang bibig n'ya kahit sa pagkakataong ito lang.
"Aaaay! Beshi.. Guess what?" bahagya kong nailayo ang telepono sa taenga ko sa lakas ng sigaw ni Jelay sa kabilang linya. Sinasabi ko na nga ba!
"Okay, calm down. I'll call you later Maria Jelaya Buenavista. Pauwi na ako at pupuntahan kita agad, okay?" sabi kong medyo pigil ang boses. Alam ko kasing kahit hindi nakatingin sa akin ang 'boss' ko ay halatang nakikinig. Medyo natatawa pa nga siya nang marinig ang malaks na tili ni Jelay sa kabilang linya.
"Alright! Kasama mo si pogi noh," tugon naman niyang tila nakaramdam din sa wakas. Nanukso pa! Mabuti na lamang at normal na ang boses niya kaya hindi narinig ni boss.
"Yep, kaya huwag ka nang magsalita d'yan. See you! Bye!" sabi ko saka ini-off agad ang cellphone ko. Nakahinga ako ng maluwag.
"Seems someone is waiting for you Miss Arguella," si boss. Boss o kaya ay Sir kasi ang tawag ko sa kaniya. Pero siyempre kapag kausap ko ang sarili ko ay Troy lang. Hindi n'ya deserve ang Sir. Hmp!
"Y-yeah. My friend," simpleng sagot ko.
Tumango tango lamang siya at tinapos na ang pagkain. Pagkuwan ay tumayo na. Tapos na rin ako pero pina-una ko na lamang siya. Naaasiwa kasi ako sa mapanuri niyang mga tingin. Mula pa kaninang bago kami umalis ng Baguio ay panay na ang tingin niya sa akin.
Guwapo naman itong si Troy, in fact marami nga ang nagkakagusto rito. Mga modelo at ilang kilalang paersonalidad. Pero ayon sa mga balita sa opisina ay napaka babaero raw nito noon. Walang nagtatagal na relasyon at nauuwi lahat sa break-ups. Isa na nga siguro ang nasaksihan namin sa mismong resto ni Jelay. At mula noon ay wala na akong nabalitaang na-link sa kaniya. Medyo matagal na rin dahil mag-iisang taon na akong nagtatrabaho sa kumpanya nito.
Oo nga pala, mag-iisang taon na pero wala pa rin akong mahanap na butas o ano mang baho ng mga ito.
Nagpatuloy kami sa pagbiyahe, dalawang oras na lamang siguro ay makakarating na kami sa Maynila.
Nanatili akong tahimik. Maging siya ay tahimik rin, tila may malalim na iniisip. Napatingin ako sa kaniya. Napatitig. Matagal. Tapos ay nabuo ang desisyon sa isip ko. Napangiti ako tulad ng ngiting matagal kong eninsayo bago ko makaharap ang lalaking ito.
"Miss Arguella, something wrong?" maang na tanong niya. Hindi ko namalayang nakatingin na pala siya sa akin. Bahagyang bumagal ang pagmamaneho niya dahil doon.
"H-ha? Eh wala. Nothing sir! May naalala lang ako," palusot ko. Nauutal pa ako dahil sa hiya. Bakit ba kasi tinitigan ko pa siya!
Nangingiting ibinalik niya ang atensyon sa pagamamaneho. Nag-iinit naman ang mukha ko sa hiya. Baka kung ano ang isipin ng kumag na 'to.
"Diretso muna tayo sa office, may meeting ako with client. Importante ito, I need your cooperation Miss Arguella. Please," tila nakikiusap na sabi niya. Naguguluhan naman ako, dati naman kaming dumediretso sa office kapag galing kami sa out-of-town meetings kaya hindi na niya kailangan pang maki-usap.
"S-sure, sir!" saka nginitian ko s'ya.
"Drop the formality please call me Troy, Eliza?" Nag-aalangang sabi niya saka lumingon sa akin.
"Troy," tugon ko naman kahit nagtataka pa rin.
"Thanks!" aniya. Namamalikmata lamang ba ako o talagang matamis ang ngiti niya sa akin? Resulta ba ito ng pagmamaneho niya ng halos limang oras?
Tumango tango lamang ako at hindi na umimik.
"Eliza may boyfriend ka na ba?" bigla niyang tanong kapag kuwan.
"H-ha?" gulat ko namang tugon saka napatingin sa kaniya. Seryoso siya kaya natigilan ako. Ano ang binabalak niya?
"W-wala, wala akong oras para sa mga ganiyan," sabi ko na lamang at kunwa'y umayos ng upo.
"Good," tanging sagot niya.

Hindi ko namalayang nasa harap na pala kami ng Monteverde Building. Ipinarada niya ang kotse sa harap mismo ng entrance. Bumaba siya at sumunod naman ako. Mabilis namang sumalubong ang guwardya at inabot ang susi sa mula kay Troy.
"Ipapahatid na lamang kita mamaya sa driver. Baka late na tayong matapos," aniya nang lapitan ako. Nagulat ako nang bigla niya akong hawakan sa beywang sa bandang likuran para alalayan. Asiwa man ay hindi naman ako tumutol. Baka ginagawa lamang niya ito dahil sa hinihingi niyang pabor. Pero kahit na hindi niya ito gawin ay bayad naman ang bawat oras na pagtatrabaho ko sa kumpanya niya. Napakabilis pa ngang mag-increase ng suweldo ko rito. Dahil daw sa good performance ko sa trabaho.
Pinindot niya ang button sa elevator at dumiretso kami sa meeting room ng kumpanya.
Hindi ko maiwasang mailang nang hindi pa rin niya inaalis ang kamay niya sa beywang ko kahit na pinagtitinginan na kami ng mga empleyado na nadadaanan namin.
"Please cooperate," bulong niya sa akin sa nakikiusap na tono. So ito pala ang sinasabi niyang pabor. Dahil medyo pabor din naman sa akin ang hinihingi niyang 'pabor' ay naki-ayon na lamang ako kahit naiilang ako sa tingin ng mga tao at hindi ko mahulaan ang pupuntahan ng sitwasyon.
Kusa akong humawak sa braso niya na ikinagulat niya. Napalingon siya sa akin.
"Cooperate," sabi kong bahagyang ngumisi sa kaniya. Natawa naman siya.
Kung titingnan ay iisipin mong may ibang namamagitan sa amin sa palitan namin ng ngiti. Kaya lalong umingay ang mga bulungan sa paligid. Talagang sinusundan kami ng mga mapanuring mata ng mga marites sa opisina.
Nang pumasok kami sa meeting room ay naroon na ang kliyenteng sinasabi niya. Tingin ko ay mag-asawa ang mga ito at medyo may edad na rin.
Lumiwanag ang mga mukha nila nang pumasok kami sa silid na iyon. Bibitaw na sana ako sa braso ni Troy nang mahigpit niyang hinawakan ang palad ko at hawak habang palapit kami sa mga kliyente.
"Iho! Kumusta ka na?" masayang bati ng matandang babae sa kaniya. Hinalikan siya nito sa pisngi. Hindi pa rin niya binitawan ang kamay ko.
"Ow! You always look good iho, no wonder na magustuhan ka ng napakagandang binibining ito," sabi naman ng matandang lalaki habang tinatapik siya sa balikat. Wait! What? Totoo ba ang naririnig ko? Ako nagkagusto kay Troy?
"Good afternoon Ma'am, Sir!" bati ko sa kanila at tumingin kay Troy habang nilakihan ko ang mga mata ko. Siguro naman ay deserve ko ng paliwanag.
"Eliza this is my Uncle Magno kapatid siya ni Daddy and Aunt Mary wife n'ya," pakilala niya sa mga ito. Ngumiti naman ang mga ito sa akin.
"And of course this is my girlfriend, Eliza." Baling niya sa akin at bahagyang kinitalan ng halik sa buhok. Hindi ko iyon nakita dahil higit na mas matangkad siya sa akin.
Hilaw na ngiti ang isinukli ko sa kaniya. Hindi ako maka-react ng natural dahil nabigla ako sa mga pangyayari.
"Sila ang number one client natin sa Europe. Pag-aari nila ang pinaka malaking distribution company roon," dagdag niya. Ah! so totoo pala talagang client ang mga ito.

ELIZA'S WRATH (Art Of Temptation Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon