KIM'S POV:
Sa tagal ng panahon, hindi ko inakalang muli akong makakabalik sa lugar kong saan ako lumaki. Ang lugar kong saan kinamuhian kong puntahan. Pero ngayon nandito muli ako.
Dito ako dinala ng mga taohan ni Jade kasama si Je-Je. Si Jade ay nagpaiwan mismo sa manila.
May mga dapat pa daw siyang gawin doon.
"Pasok.." sigaw ni Je-Je.
Saka ako tinulak papasok sa bahay nila. Habang ang mga tauhan naman nila naiwan sa labas ng bahay. Mag babantay siguro saakin.
Pinagmasdan ko ang buong bahay. Hindi na ito gaya ng dati na isang ordinaryong bahay lang.
Maganda na ito. Na kahit bawat kanto ng bahay nato, malinis. Naka tiles. Nasa tatlong palapag na ang bahay nila Jade. Dati nong bata pa ako. Parang isang bahay lang ito ng mga ordinaryong tao.
Nag iba na talaga ang buhay nila. Kaya pala mas rumami ang mga taohan nila. Kasi yumaman na sila.
Naupo si Je-Je sa sofa nila. Saka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Alam mo. Sa tagal ng panahong hindi tayo nagkita Kenneth. Hindi ko inakalang magiging ganyan ang itsura mo. Maganda ka naman pero bakla nga lang.." Tumatawang sabi niya.
Inikutan ko siya ng mata.
"Edi inamin mo ring maganda ako kahit bakla. Unlike you, babae nga mukhang namang lalaki.." mataray kong sabi.
Nawala ang ngiti niya sa labi niya. Tumayo siya saka ako tiningnan ng masama. Aba'y wala akong balak magpatalo sa kanya. Hindi porket nasa poder nila ako at hawak nila ako sa leeg Ay basta basta nalang nila ako masisindak sa mga titig niyang nakakamatay.
"Hindi ko gusto ang tabas ng dila mong bakla ka." Sita nuya saakin
Inikutan ko siya ng mata.
"Oh bakit, hindi ko naman sinabing magustohan mo siya..." Mataray ko ring sabi.
Mukhang nainis ata ito sa sinabi ko. Napangiti nalang ako. Lumapit ito saakin at dinuro ako.
"Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan, nasa pamamahay ka namin at ano mang oras kaya kitang patumbahin.." sabi niya.
Ngumiti ako ng mapang-asar. Saka lumapit din ako sa kanya.
"Edi gawin mo. Hindi porket nasa pamamahay mo ako ay kaya mo na akong masindak. Nakalimutan mo ata Je-Je, taga dito rin ako at gaya niyo rin ako dati. Kaya hindi mo ako basta basta masisindak sa mga simpling salita lang.." nakangiti kong sabi.
Naningkit ang mata niya sa inis. Saka ito nag walk out.
Natawa nalang ako. Muli kong pinasadahan ng tingin ang buong bahay. Malaki na talaga ang pinagbago ng bahay nila.
Ilang taon na ba akong hindi nakakapunta dito. Matagal tagal narin eh. Ni hindi ko na nga maalala anh daan paakyat sa bundok nato.
Nakita ko ang t-shirt na nakasabit sa may upoan. Since wala akong damit pang-itaas, kinuha ko iyon tyaka sinoot.
Ano naman kaya ang gagawin ko dito. Tyaka bakit kaya ako hinuli nila Jade.
Lumabas ako ng bahay. Paglabas ko, bigla akong hinarang ng mga tauhan ni Jade. Actually maraming taohan si Jade. Nagkalat lang ang mga yan dito sa lugar namin. Pero mga handa ang mga yan.
Anim silang lahat at lahat sila mga armado at talagang wag kang magkakamaling lumaban dahil baka hindi ka nila urongan. Sa mga itsura palang nila talagang walang sinasanto ang mga yan.
"Wala ako balak tumakas. Maglilibot lang ako dito sa Barangay niyo at sa tingin niyo ba makakatakas talaga ako sa dami niyong yan..." Sabi ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
She's A Man
Randomѕα mundσng αtíng kínαgαgαlαwαn αt mαgíng αng αtíng вuhαч, ítσ αч nαвαвαlσt ng kαѕíчαhαn αt mgα mαpαg pαnggαp nα mgα tασ. híndí pαrα mαg tαgσ dαhíl ѕα nαg kαѕαlα. kundí sa tαkσt. ѕα вαwαt αrαw nα nαg dαrααn mαч mgα вαgαч nα вαѕtα-вαѕtα nαlαng nαngчα...