CHAPTER 7:

11 0 0
                                    

KIM'S POV:

Ala's Syete ng umaga nga magising ako sa tunog ng alarm ko.

Napa upo nalang ako sa kama sa sakit ng ulo ko. Hindi sa hangover, kundi sa kulang sa tulog. Ikaw ba naman matulog ng tatlong oras. Iwan ko nalang kong hindi ka mag mukhang zombie.

Napakusot nalang ako sa buhok ko. Tumayo nalang ako at nag hilamos para mawala ang antok ko. May trabaho pa ko, at kailangan ko pang pumasok.

Baka magalit pa ang Boss namin pag nag kataon na malate pa ako. Nag hilamos lang ako tapos inayos ko ang sarili ko.

Tyaka nag check out na ako. Ni hindi na ako nag palit ng damit. Dahil wala naman akong pamalit. Bahala na.

Saka ako nag hanap ng masasakyan papunta sa trabaho ko.

7:30 ng makarating ako sa opisina ko.

Agad akong sinalubong ni Andrew.

"Hi Kim. Good Morning. Woah. Ganda ng outfit mo ngayon" Na mamanghang turan nya.

Ngumiti nalang ako. Kong alam mo lang Andrew. Ka gabe ko pa soot to. Napatawa nalang ako sa isip ko.

"Kumosta ka naman" Tanong ko sa kanya

Umupo muna ako sa chair ko. Ala syete palang Ala's otso pa ang office time namin. May oras pa para mag chismisan. Hahaha

"Ito maganda parin." Saad nya

Saka inayos nya ang buhok nya. Saka Omawra.

"Good Morning Kim" Bati ng ka office mate namin.

"G-good Morning" Alangang bati ko rin

Teka, ano bang meron. Simula kasi ng pumasok ako dito lahat ata ng tao dito binati ako ng Good Morning. Kaya nakakapag taka lang. Dati naman, parang isang normal lang na impliyado ako dito. Hindi naman ako gaano na papansin.

Pero umiba ata templa ng araw ngayon.

Binalingan ko si Andrew. Saka ko sya tinanong kong anong meron, kong bakit ganun nalang makitungo sakin ang mga tao dito.

"Hay naku. Naging usap usapan kasi dito yung nangyari sa inyo ni Aian kahapon doon sa canteen. Alam mo yon. Karamihan ata ng tao dito na tuwa ng labanan mo si Aian. Like Duh. Ikaw palang nakakagawa non. Lahat kasi kami takot dito sa kanya" Saad nito.

Kaya pala lahat ng nadadaanan ko. Binabati ako. Meron din namang hindi siguro na tuwa sa ginawa ko. Meron din kasing ang sama ng tingin sakin.

Mga alipores lang ata yon ni Aian. Kaya ganoon maka tingin saakin.

"Nakakahiya naman kay Boss, pag nalaman nya ang nangyari samin ng anak nya" Kinakabahang turan ko.

Napa kibit balikat nalang si Andrew.

"Actually girl. Nang minsang may nakaaway yang si Aian dito. Hindi naman nagalit si Sir Federick. Mas naging pabor pa daw nga yon sa kanya, para daw maturoan ng leksiyon si Aian. Masyado kasing spoiled ang bruhang yon. Si Sir Frederick pa ngayong humingi ng tawad sa nakaaway ni Aian eh" pag k-kwento ni Andrew.

Ganun ba. Pero nakakahiya yon para kay Boss. Kong totoosin dapat kaming mag behave dahil nasa teretoryo nila kami. Pero teka.

"Ang sabi mo, ako ang unang nakagawa non kay Aian. Tapos ngayon ang sabi mo may iba pa pala." Saad ko.

Natawa naman si Andrew.

"Sorry, hahaha. What I meant was. Ikaw palang ang unang nakaaway ni Aian na pumasok pa kinabuksan. Kasi si Edzel, bakla din kasi yon. Natakot siguro kay Aian. Baka kong saan pa raw umabot ang away nila. So, he decided na mag resign nalang." Kuda ni Andrew.

She's A ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon