CHAPTER 15

18 1 0
                                    

KENNETH'S POV:

"LUKE.." saad ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumapit na ako kay Luke at yinakap ko siya ng mahigpit.

Hindi naman ako nabigo. Gumanti din siya ng yakap saakin. Pumatak ang mga luha ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"I'm sorry..." Mahinang sabi niya.

Nang mahimasmasan ako. Pasimpli kong pinunasan ang luha ko. Saka hinarap ko siya. Mabuti nalang at gabi na. Kaya hindi na gaano maaaninag ang mga mata ko.

"Sorry, saan?" Takang sabi ko.

Tumikhim muna siya.  Saka sumagot.

"Sorry. Dahil hinayaan kitang makuha nila Jade. Ni hindi kita naipagtanggol.." Sabi niya.

Bakit siya ang humihingi ng sorry. Kong totoosin ako nga ang dapat humingi ng sorry. Dahil sa kasinungalingan ko.

"Wala yon Luke. Ako nga ang dapat ang humingi ng sorry.." pag sisimula ko.

Napayuko ako. Saka dahan dahang umupo. Hindi ko din kasi alam kong kaya ko bang tignan si Luke kapag sinabi ko sa kanya ang totoo.

"Tungkol saan." Tanong niya.

Napalunok ako ng laway. Hindi ko alam kong paano ko sisimulan ang sabihin kay Luke.

"K-kasi....nalaman mo na hindi talaga ako totoong babae..." Sabi ko.

Napayuko ako. Ayukong tignan ang reaction ni Luke. Napakagat labi nalang din ako.

Parang gusto ko nalang tumakbo na hindi ko maintindihan. Maitago lang ang kahihiyan ko kay Luke.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Luke.

Saka ito lumapit at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon.

"Matagal ko ng alam ang totoo tungkol sayo..." Sabi niya.

Napatingin ako sa kanya ng may gulat. What, matagal na niyang alak na hindi ako babae. Na bakla ako. Huh. Kailan pa.

"Huh. Matagal mo ng alam. Kailan pa?" Gulat kong tanong.

Hindi ko din maiwasang hindi malito. Sa tagal ng pagtira ko kina Luke. Ni hindi ko naman nahalata na may alam na siya saakin. Eh ni hindi naman niya ako kinompronta tungkol dito.

Natawa si Luke. Saka nag simulang mag kwento.

"Natatandaan mo pa ba ang una nating pagkikita sa coffee shop. Doon ko unang nalaman ang totoo sayo.." sabi nya.

Napakunot ang noo ko. Paano niya nalaman. Eh halos hindi niya nga ako tignan ng araw nayon. Kong hindi pa siguro kami pinagbabaril hindi pa niya ako mapapansin.

"Paano?" Nalilito pa ring tanong ko.

Natawa nalang si Luke.

"Hindi na magalaga yon. Basta ang importante nakita na kita..." Sabi niya.

Sabagay, hindi na nga mahalaga iton. Ang gusto ko lang naman talagang malaman ang reaction ni Luke. Kong galit ba siya saakin. So, bakit nga siya nadito.

Umayos ako ng upo.

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

Huminga muna siya ng malalim.

"Bumalik ka na samin.." sabi niya.

Na may pangungusap ang mga mata niya.

Nalungkot ako.

"Gustohin ko man, hindi parin pwede. Okay na ako dito Luke..." Sabi ko.

Tumayo ako. Sumunod naman sita saakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's A ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon