Pinagmasdan ko ang mga tao sa paligid ko. May magkahawak ang kamay, magkayakap at may iba pang naghahalikan.
Kadiri.
Pero ang nakakuha talaga sa atensyon ko ay ang magkasintahang nasa harap ko. Nakaakbay ang lalaki sa girlfriend niya at pinaplano nila ang kinabukasan nila kuno.
Kalokohan.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nasigawan ko sila.
"WALANG FOREVER UY! MAGHIHIWALAY DIN KAYO!"
Napalingon sila sa gawi ko kaya agad kong sinuot ang hoodie ko. Naglakad ako papalayo sa kanila na para bang walang nangyari. Buti na lang at hindi na nila pinansin ang ginawa ko.
Araw-araw kong ginagawa 'yun. Sa iba-ibang tao nga lang. May ibang dinededma lang at may iba ring binibig deal ang mga pinaggagawa ko.
Ewan ko ba sa kanila. Mga tanga.
Wala naman talagang forever eh. Lahat tayo mamamatay, una-unahan lang 'yan. Balang araw magugunaw ang mundo. Maaaring hindi ngayon, hindi bukas pero sa tamang panahon mangyayari 'yun. Darating ang panahan na sasabog ang Sun natin at buburahin tayong lahat mula sa Milky way Galaxy.
So in conclusion, WALANG FOREVER. It's scientifically proven kaya kung naniniwala kang may forever, edi wow! Try mong magtanong sa isang scientist kung totoo ba 'yang forever mo.
Tawagin niyo akong bitter o kung anu-ano pa. Pero WALA TALAGANG FOREVER.
"Meron kaya." Muntik na akong mapatalon nang may biglng nagsalita.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.
Tanga. Isipbata. Tanga. Lalaki. Feeling close.
Tinaasan ko nalang siya ng kilay at naglakad palayo.
Wala akong panahon para sa mga taong naniniwala sa forever. Sayang lang ang oras ko.
I stand for what I don't and what I do believe in. And I don't believe in forever.
But who knows, I could stand corrected.
Maybe because of bucket lists, by petty debates, everyday at a certain ice cream parlor? Who knows.
*****
"Asura!" Sa'n ka na naman galing? Alam mo bang halos mahimatay ang mommy mo kahahanap sa'yo!"
Pagtapak ko pa lang sa bahay namin iyan na ang bungad nila. What a nice way of greeting.
Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit napaka-overprotective nila sa akin. Okay, I got into an accident seven months ago. I was in coma for about five months and when I woke up, the doctor told me I might've developed selective amnesia. Nagkakamigraine rin ako every now and then. But those problems are mine to deal with and not theirs. Tumitira nga ako sa bahay ng mga magulang ko dahil gusto nilang dito muna ako tumira.
Hindi ko na lang sila pinansin. Dirediretso lang ako sa paglakad hanggang makarating ako sa kwarto ko. Para saan pa kung makikinig ako sa litanya nila? Halos memorya ko na nga ang sasabihin nila.
Baka raw bumalik bigla ang alaala ko at magkakaroon ako ng breakdown. That only makes me wonder more what is it that I forgot. And whether remembering it could be a benefit to me or a burden.
YOU ARE READING
First and Last Fifty
Teen Fiction| Bucket lists | Petty Debates | Everyday at an Ice Cream Parlor | "So bakit ka nga ulit hindi naniniwala sa forever?" The thing about repetition is it gives you tolerance. And Levi, constantly asking this question gave me a high tolerance of it...