Talagang dinala ako ni Levi sa isang doktor. The fact that I'm here in a clinic's waiting room proves so.
I could still remember the stupid look on he made when I stepped out of our gate. Nakasuot ako noon ng black shorts na ipinares ko sa isang oversized shirt at leather boots na sakto lang. I was feeling like I want to walk a runway. No one is going to stop me. Pero matapos niya akong suyurin ng tingin ay tinulak niya ako pabalik sa loob ng bahay para magpalit.
Gusto ko sana siyang sumbatan pero sawa na ako. Fighting with him is useless and stupid. Kaya nagsuot nalang ako ng white jeans, raglan at sneakers. Pagkatapos kong magpalit ay dinala niya ako sa clinic na ito.
But something is bothering me. Para kasing dental clinic itong clinic na ito. With all the teeth-related decor and even teeth-shaped throw pillows, who wouldn't think this is a dental clinic? Idagdag mo pa ang poster ng isang brand ng toothpaste
Nakatitig ako sa braso ko na ni-wrapan ko ulit ng bandage kanina nang bigla akong tinawag ng receptionist.
Naunang pumasok si Levi at ipinaliwanag ang sadya namin. Nabigla na lamang ako nang sumigaw ang babaeng naka-lab coat kay Levi.
"Dentista ako Levi! Hindi ko expertise ang pananahi ng mga sugat!" Napangiwi si Levi sa pagsigaw ng babae. Kahit ako ay napanganga sa inasta ng babae.
Pero what the heck! Gaano ba katanga si Levi at dinala niya ako sa isang dentista para ipatingin ang sugat ko?
"Doktor pa rin naman ang dentista ah. Porque't dentista ka hindi ka na marunong tumahi ng sugat?"
"May alam naman ako pero hindi iyon sapat para--" Naputol ang sinasabi ng dentista nang magsalita na namn si Levi. The nerve of this guy.
And I can't believe I'm just sitting here in one corner watching them argue.
"Ayon naman pala eh. You know how and you certainly can, but you just won't. Will you just treat her, please?" Magsasalita pa sana ang babae nang unahan na naman siya ni Levi.
"Please? For me?" Bumuntong hininga ang dentista in defeat.
"Fine, but you owe me big time."
Pinalipat ako ng dentista sa isa pang upuan, or whatever you call this contraption. May mga bagay din siyang kinalikot bago sinimulan ang paggamot sa sugat ko.
The anesthetics hurt, once. But the rest of the operation surprisingly didn't. Damn, I wish there were anesthetics to feel numb from reality and life itself. Natapos kami nang mas maaga kaysa inaasahan ko. Although, may ilang appointments ng doktora ang na delay dahil sa akin.
Pagkatapos ng ilang pagpapaalala ng babae sa akin at sandamakmak na pasasalamat ni Levi, tumayo na ako mula sa pagkakaupo.
Mabilis ang mga nangyari. Sa isang iglap ay nasa beywang ko na ang jacket na suot ni Levi kanina. Si Levi naman ay nasa likuran ko at tinali ang jacket sa beywang ko. Biglang napamura ng pagkalutong at pagkalakas si Levi.
Sinipa ko na pala siya. Hmm... I have good reflexes, that's good to know.
"PERVERT!" Sigaw ko sa kanya.
Namimilipit pa rin siya sa sakit ng pagkakasipa ko sa kanya. Oh great! Now I pity him.
"Aish! Ano ba kasing pumasok sa utak mo at ginawa mo iyon?!" I am not calm. I am nowhere near calm. I am trying so damn hard to be calm and not beat Levi's ass. I felt so attacked. Ayokong kung sinu-sino nalang ang hahawak sa akin. I barely know Levi. Who cares if I've been hanging out with him for almost a month now? He doesn't have my trust, not just yet.
Levi's face automatically became flushed at the question. Pati rin ang destista ay medyo namula. Mukhang hindi sasagutin ni Levi ang tanong ko kaya binaling ko ang tingin ko sa dentista, hoping for some kind of enlightenment. Sinenyasan naman niya akong lumapit sa kanya.
"Err... Asi right?" Tanong niya nang magkaharap na kami. Come to think of it, medyo may hawig silang dalawa ni Levi. They have the same eyes and bunny teeth. Medyo malaman nga lang ang pisngi ng dentista. Are they related, or something?
"Levi wasn't trying to sexually harass you, don't worry. Ano kasi..." Hindi niya ako matingnan sa mata, ano ba talaga ang problema? "K-Kasi, Asi may ano ka..."
Nung una ay hindi ko pa maintindihan ang pinagsasasabi ng dentista, but then I started to put the pieces together. Napamura ako ng pagkalutong-lutong sa isip ko. Ghad! I must look like a tomato right now! How could I forgot!
Nakakahiya ka Asi!
"Uh..." Tanging nasabi ko ka kanila. Nakakapagtaka nga at may nasabi pa ako sa kanila, kabila ng kahihiyan na ginawa ng systema ko. Bakit ba kasi naging babae pa ako! "Una na lang ako. Baka hinahanap na ako nila sa bahay. Thanks Doc." It's good that I was able to say those words straight. Pagkatapos kong magpaalam ay nagmadali na akong makalabas sa clinic na iyon.
END OF CHAPTER 13
THANKS FOR READING!
A/N: filler chap
YOU ARE READING
First and Last Fifty
Teen Fiction| Bucket lists | Petty Debates | Everyday at an Ice Cream Parlor | "So bakit ka nga ulit hindi naniniwala sa forever?" The thing about repetition is it gives you tolerance. And Levi, constantly asking this question gave me a high tolerance of it...