Chapter 2 - HEARTLESS

49 1 4
                                    



"ASI! Hindi ka ba natatakot mahulog diyan?" Sigaw nung Levi mula sa ilalim ng punong inakyat ko. Kaninang umaga pa niya ako binubwisit hanggang ngayon hindi pa rin tumitigil.


Hindi ko nalang siya pinansin. Sa halip ay kinuha ko ang tirador na nasa bag ko. Binili ko pa ito mula sa isang batang naglalaro rito sa park. Kumuha rin ako ng papel at marker. Sinulatan ko ito ng 'MAGHIHIWALAY DIN KAYO' at nilukot.


Naghanap ako ng magkasintahang mapagdidiskitahan. Buti nalang may nakita ako sa di kalayuan. Tinirador ko sila gamit ang papel na sinulatan ko kanina bilang bala.


Tinamaan naman sila. Buti nalang napansin nila kaagad ang papel at binasa ito. Tawa ako ng tawa nang makita ko ang reaksyon nila. Sobrang naasar ang babae pero parang wala lang 'yung lalaki. Mga babae talaga ang OA.


Dahil sa pagkaaliw ko inulit ko pa 'yun ng ilang beses. Sadista man kung tingnan kaya pa 'yan ng konsensya ko.




Nagsawa na ako sa ginagawa ko kaya bumaba na ako mula sa puno. Nadatnan ko naman 'yung Levi na nakabusangot ang mukha.


"Wala ka bang puso?" Diretso niyang tanong sa akin.



Natigilan ako sa tanong niya. Malaki ang epekto sa akin ng tanong niya pero hindi ko iyon ipinahalata. How dare he say that?



"You don't know what hell I go through everyday. Kaya huwag mo akong basta-bastang husgahan ng ganyan," malamig kong sagot.



Bumalik akin ang mga alaalang pilit kong kinakalimutan. Kaya bago pa ako maluha sa harap niya, naglakad na ako palayo.


"Ano bang ginawa nila sa'yo at ganyan ka sa kanila? Why do you always have to rain on their parade?" Huminto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.


"I don't mean to rain on their parade, okay! Siguro slight lang, oo. Pero I'm doing them a favor." Napansin kong pumipiyok na ako. At alam kong napansin niya rin iyon. Kaya tumakbo na ako papalayo.


At this rate alam kong maabutan niya ako kaya nagtago ako sa isang iskinita. Nakahinga ako ng maluwag nang nakita ko siyang lumampas sa pinagtataguan ko.


Tama. I'm doing them a favor. Binabalaan ko sila. Pinapaalala ko na balang araw matatapos ang masasayang araw nila. Na hindi permanente ang kasiyahan.



***



Pasado alas syete na nang makauwi ako. May dinaanan pa kasi ako.


Inabangan ko ang litanya nila pagpasok ko ng bahay. Pero wala akong narinig. Hindi naman sa nabibingi na ako pero wala talagang tao sa buong bahay.


Tinawag ko sila pero walang sumagot. Nagsimula na namang magluha ang mga mata ko nang makita ko ang sticky note sa ref.



 'Asura, sa labas kami kakain. Birthday kasi ni Ashton ngayon. Isasama ka sana namin kaso hindi ka makontak tapos parang napatagal ang uwi mo ngayon. Sabi ng kapatid mo okay lang daw kung nakalimutan mo ang birthday niya. May pagkain diyan sa mesa. Sana naman kainin mo. Paborito mo iyan.'



Para akong nabunutan ng tinik nang basahin ko ito. Pero hindi ko maitanggi na nasaktan pa rin ako dahil dito.



Hindi dahil iniwan nila akong mag-isa rito sa bahay habang sila ay masayang ipinagdiriwang ang kaarawan ng kapatid ko. Kundi dahil akala nilang nakalimutan ko ang kaarawan ni Ashton.



Ganyan ba ang tingin nila sa akin? Isang taong sarili niya lang ang iniisip?


Naalala ko ang sinabi nung Levi kanina.


 "Wala ka bang puso?"




Wala nga ba akong puso?



Dahil sa sama ng loob ko. Tinapon ko sa basura ang paper bag na nasa kamay ko. Pina-gift wrap ko pa 'to. At ilang araw kong pinag-ipunan. Kaso balewala pa rin pala.



Kasi nga nakalimutan ko raw ang birthday ng kapatid ko.




END OF CHAPTER 2

THANKS FOR READING!



A/N: Levi on the multimedia :)

First and Last FiftyWhere stories live. Discover now