Halos tumulo ang laway ko nang inilapag ng waiter ang order ko.
Banana split na parang hindi. Pinadagdagan ko kasi ng limang scoops ng ice cream imbes na dalawa lang. Tapos pinalagyan ko pa ng whipped cream at strawberries. And of course sandamakmak na chocolate syrup.
Regular customer na ako rito kaya with open arms nilang tinanggap ang order ko.
Kakainin ko na sana ang ice cream ko nang may biglang magsalita.
"Kaya mong ubusin 'yan?" Siya na naman. Mahigit isang linggo na niya ako dinidistorbo. Nakakainis.
"Oo, may problema ka?" Sagot ko na lang. Bahala siya kung maglaway siya diyan.
"Hindi mo ako bibigyan? Kahit konti lang?"
"Hindi. Bakit? May pera ka naman ah." Sabi ko at sumubo pa ng ice cream.
"Ang damot mo. Alam mo bang napakaraming tao diyan na halos basura na lang ang kinakain para lang mabuhay. Tapos ikaw sobra kung makakain."
Aba aba. Ba't ang layo ng pinunta ng isang 'to? Ice cream lang 'yun tapos ngayon tungkol na sa poverty?
"Oh? Tapos?" Sumubo muna ako ng konting ice cream bago nagpatuloy. "Kasalanan ko na ngayon kung bakit wala silang makain? Kung gusto pa nilang mabuhay magsumikap sila. Labanan nila ang kahirapan."
"Wala ka nga talagang puso."
Sarkastikong tinawanan ko siya.
"Tanga ka nga siguro. Kung wala akong puso, sana patay na ako."
"Bakit ba ang literal mo minsan!"
Hindi ko nalang siya pinansin. Mas pinagtuonan ko ng pansin ang kinakain kong 'to.
Buti nalang at tumahimik na siya.
"Hindi ka ba nag-aaral?" Ngayon ay ako naman ang nagtanong.
Bahagya siyang umiling at tumingin sa labas.
"Home-schooled ako nung high school. At wala pa akong planong mag-college. Hindi rin naman ako pinipilit ng mga magulang ko. Ikaw ba?"
"I don't need to. Walang saysay ang pag-aaral sa mga tulad ko," sagot ko at napabuntong hininga na lamang.
"So hindi ka marunong magbasa? O mag-divide at multiply man lang!"
Tanga. Gawin ba naman akong mangmang.
"No doubt na tanga ka nga. Nakapagtapos ako ng high school uy! Pero hindi ko na kailangang mag-aral ng kolehiyo. Gustuhin ko man o hindi."
YOU ARE READING
First and Last Fifty
Teen Fiction| Bucket lists | Petty Debates | Everyday at an Ice Cream Parlor | "So bakit ka nga ulit hindi naniniwala sa forever?" The thing about repetition is it gives you tolerance. And Levi, constantly asking this question gave me a high tolerance of it...