Asi's POV
"Konnichiwa! Levi kawaii-desu !" Bungad sa akin ni Levi habang nakataas ang dalawang kamay na naka-peace sign. He's already sitting in my usual spot. Great, now I need to share my spot with somebody now. Perfect.
"Baka."
"The Philippine national animal is not a valid insult, Asi." Saad niya na para bang pinangangaralan ako. I don't know whether he's kidding or just plain stupid.
"First of all, the national animal of the Philippines is the Carabao. Baka." Sabi ko habang umuupo sa kabila ng mesang kinauupuan niya.
"Hah! Pinangangaralan mo pa ako, Asi, ikaw din naman nagkakamali. Kalabaw ang tagalog ng Carabao hindi baka. "
If this is Levi's sarcasm then, I'm proud of him. But if not? Never mind. Wala sigurong tao sa mundong ito ang makakasalba sa utak ni Levi na nalulunod na sa katangahan.
"Baka ang Japanese ng tanga. Tanga!"
"Ayiieee~ Ginagawa na niya ang nasa bucketlist niya." Mukhang mas masaya pa siya kesa sa akin dahil lang sa 'bucketlist' na iyon. And it hurts that what he said is true.
Inirapan ko na lamang siya. Mas lalala ang sitwasyon kapag sumagot pa ako.
"Just so you know," tumigil siya, na para bang may narealize siya na sobrang ganda. "Wow, improving ang Ingles ko dahil sa presensiya mo, Asi, ah! Anyway, highway, hindi lang ikaw ang nag-aaral ng bagong lenggwahe. Guess who's learning Korean? This guy!" Proud na saad niya habang tinuro turo ang sarili.
"And I should care because?"
"Neo joha-hae ttaemune." He's speaking a language I can't understand, while smiling like the idiot he is, and now I'm worried.
"Kiraidesu."
"Ikaw si Kirai?! Akala ko ba, Asi ang pangalan mo? Sino ka ba talaga!" Napa-facepalm na lamang ako sa ginawa niya. Seriously, can this guy get any dumber?
Susutukin ko na naman sana siya sa mukha pero, may waiter na biglang lumapit sa table namin at inilapag ang dalawang serving ng ice cream sa mesa. One each for the both of us. I guess nag-order si Levi bago pa man ako dumating. Saved by ice cream, he should be grateful.
"So tell me, why do you choose this kind of routine?" Tanong niya matapos kainin ang kalahati ng ice cream niya.
"What routine?" Pagmamaang-maangan ko.
"You know, 'yung, wake-up-eat-ice-cream-piss-people-off routine mo? So why? Bakit? Wae? Doshite?"
Medyo nasasanay na rin ako sa ganito, 'yung araw-araw ay may itatanong si Levi sa akin na tungkol sa buhay ko. At natutunan ko na ring ang hindi pagsagot sa mga tanong niya ay nakadadagdag lang ng sakit na ulo.
"I don't know. Inulit-ulit ko lang yung mga ginawa ko until one day I woke up, and poof! It became my routine already."
"So bakit ka nga ulit hindi naniniwala sa forever?" The thing about repetition is it gives you tolerance. And Levi, constantly asking this question gave me a high tolerance of it, somehow.
"Because I prefer the pang of reality. Alam mo kasi Levi," sumubo muna ako ng isang kutsarang ice cream bago magpatuloy. "Forever is an illusion we humans create to protect us from the cold and excruciating pangs of reality. Forever is simply the fruit of escapism. Tulad ng afterlife. Sigurado ba talaga tayo na may buhay pagkatapos ng kamatayan? No. It's escapism. Hindi natin kayang isipin na kapag namatay na ang minamahal natin, ay wala na talaga sila, hindi na talaga si nag-eexist. We could not imagine ourselves not existing. People believed in an afterlife because they couldn't bear not to." Naisip kong hindi talaga siya titigil katatanong sa akin kung bakit hindi ako naniniwala sa forever hangga't hindi ko siya bibigyan ng matinong sagot.
"It's nice of you to quote Looking for Alaska, but how does that actually answer my question?"
"Ghad stop being stupid!" Sigaw ko muna sa kanya bago nagpatuloy, "Ano bang ibig sabihin ng forever? Continually, an endless period of time, permanent. Hindi temporary at hindi kailanman magbabago. Ginagamit ng mga tao ang term na forever dahil hindi nila makaya ang katotohanan na sa bawat pagkakataon may nagbabago o nawawala sa buhay nila. Hindi nila kayang isipin na gigising na lamang sila and poof! May malaking parte na ng buhay nila ang nawala. Be it a loved one or something else. And thinking that there is a 'forever' makes us feel a little at ease. It makes us feel reassured that everything will stay as it is, forever. But the truth is, nothing stays as it is. Something is always changing. Something always disappears."
END OF CHAPTER 15
THANK YOU FOR READING!
YOU ARE READING
First and Last Fifty
Teen Fiction| Bucket lists | Petty Debates | Everyday at an Ice Cream Parlor | "So bakit ka nga ulit hindi naniniwala sa forever?" The thing about repetition is it gives you tolerance. And Levi, constantly asking this question gave me a high tolerance of it...