Asi's POV
Kalalabas ko lang sa bahay nina Levi nang mapasin kong pamilyar ang lugar na ito. Not Levi's house though. I meant the subdivision. Parang ilang beses na ako nakapunta rito sa subdivision na'to. Hindi na ito bago sa'kin.
Aish. What kind of nonsense am I thinking about now? Gabing-gabi na dapat umuwi na ako.
Lumabas na lamang ako mula sa gate nina Levi at nagsimula nang maglakad patungo sa exit gate. Pero kakaiba talaga eh. Parang alam ko na ang daan palabas ng subdivision na ito kahit ngayon pa lang ako nakatapak dito. It feels so weird but I don't care, since it's so convenient. Hindi ko na kailangan pang magtanong kung saan ang daan palabas.
My suspicion was put to rest when I saw an awfully familiar house. Nilingon ko ulit ang bahay nina Levi. And the he was, nakatayo sa harap ng gate nila. Kumaway pa siya at nagsabing, "Asi! Magkapitbahay nga pala tayo! Hi neighbor!"
Nagmukha tuloy siyang rabbit. Inirapan ko siya't pumasok na sa gate namin. Ang tanga talaga niya, magkapitbahay naman pala kami bakit dinala pa niya ako sa bahay nila? E kung tutuusin mas malapit ang bahay namin mula sa gate kumpara sa bahay nila. Stupid as ever, Levi.
Pumasok na lamang ako sa bahay namin at dumiretso sa kwarto ko. Magkapitbahay kami ni Levi. I still can't believe it. Mas nagmukha tuloy siyang stalker sa paningin ko. Damn. I need to get rid of him ASAP.
In the mean time, manonood nalang ako ng anime. Attack on titan to be exact. Pangalawang beses ko nang napanood 'to pero hindi pa rin ako nagsasawa. It shouts I must live my life to the fullest, because you can die anytime, anywhere. At sa kalagayan ko, sobrang natamaan ako. Oo nga't hindi ako makakain o matatapakan ng hubo't hubad na titan, but you get the picture.
Nasa part na ako kung saan kakainin na nung titan ang nanay ni Eren, nang may kumatok sa pintuan. Poor kid, magiging ulila dahil kinain ng napakalaking titan na parang hubo't hubad na tao pero walang genitals whatsoever, ang nanay niya.
"Ate?" Napalingon ako sa pintuan. Nakasilip si Ashton sa pinto. Tinaasan ko siya ng kilay. Pumasok naman siya sa kwarto ko.
"May kilala ka bang Levi?" Hindi ko sinagot ang tanong niya, sa halip ay tinanong ko siya kung bakit natanong niya iyon.
"Kanina kasi may naghahanap sa'yo rito. Levi raw ang pangalan. Parang kilala naman nina nanay at tatay pero ngayon ko lang kasi siya nakita, kaya ayun, tatanungin sana kita kung kaano-ano mo siya?"
"What the--! Pumunta siya rito?!"
"Bakit ate? Boyfriend mo ba yun? Aba, umaasenso, ah!" Inirapan ko nalang si Ashton at pinaalis sa kwarto ko.
What the fuck was Levi thinking?! He can't just barge into our house uninvited! Ugh. I need to vent out my anger at something else, kung hindi ay mapapatay ko talaga si Levi bukas. Dumako ang tingin ko sa dingding kong may poster ng Attack on Titan. Nasa poster sina Mikasa, Eren at Levi, kaya kahit na medyo labag sa kalooban ko, I tore the poster to pieces.
I slightly flinched while doing so, but I really need to vent out my anger. I'm weird I know, but that's just how I deal with things. Siguro ay nakatulong na rin ang pagkakapareho ng pangalan nina Levi heichou at ni annoying Levi.
I can now, only punch Levi on the face tomorrow. Damn, I can't wait to punch him!
END OF CHAPTER 10
THANKS FOR READING!
YOU ARE READING
First and Last Fifty
Teen Fiction| Bucket lists | Petty Debates | Everyday at an Ice Cream Parlor | "So bakit ka nga ulit hindi naniniwala sa forever?" The thing about repetition is it gives you tolerance. And Levi, constantly asking this question gave me a high tolerance of it...