CHAPTER 2

160 29 3
                                    

HER

"Yes ma, paalis na po ako." I said as I closed the door at my apartment. Holding unto my phone...

"Sige Shan, ingat ka. I love you anak."

"I love you too ma..." I ended the call, and placed my phone in my bag. I took a deep breath and started to walk out.

My mind just kept on remembering the stupidness I did the weekend. Fuck... why did I even do that? I really need to shake that memory off...

I felt my phone buzz again, when I saw who texted, my eyes automatically rolled back... annoyed. It was one of my friends na kasama ko sa party last Friday... I cleared the notification without replying.

Pagdating ko ng campus, kaagad naman ako sinalubong ng kaklase ko.

"Shannen!"

It was Cassy, oh no... I know where this is heading.

"Ang ingay mo, rinig buong campus. Ano?"

"Bitch! Kailangan namin ng replacement kasi sa cheer. Ugh, nagback-out kasi bigla si Mads." I knew it!

"Eh, ano naman kinalaman ko doon?"

"Duh, ikaw ipapalit namin."

"Ha? Bat naman ako?!" Ayaw na ayaw ko talaga. Nakakatamad nun eh...

"Ikaw lang maisip ko eh, tsaka you got the looks plus galing mo kaya sumayaw." Ano daw? Ako, magaling sumayaw?

"Wag mo ko binobola, Cassy ah. Tsaka di naman ako marunong sumayaw napaka-sinungaling mo."

"Hindi kita kaya binobola, tapos it's cheerdance you'll learn. Besides, you'll be with the cheer mascot."

"Bakit?"

"Maging cheerleader ka kasi natin."

"Cheerleader?! Mas worst Cassy, yo'ko. Hanap ka na lang ng iba." Paalis na ako sana, pero bigla naman ako hinila pabalik ng babae na to.

"Sige na pleaseeee, Shan! Ikaw nalang ang hope dito ehh, kita ko kaya mga moves mo palagi– and your great at leading!"

Napakunot noo ako, what? Kailan niya ako nakita? "At saan mo naman nakita?"

"Well, sa club. I go to Xylo every weekend din kaya..." I paused for a moment and looked at her blankly, seeing if she was serious.

"Tanga, club lang pala. Hindi yan ka qualify para sa'kin."

"Huhu, sige na Shan! At tsaka it's enough proof kaya! Napaka-sexy mong–"

"Shut up, shut up. Hindi ko kailangan ng evaluation mo kasi di naman ako sumali sa audition. Kaya humanap ka na ng iba. That's my final answer." Aalis na sana ako ulit nung bigla naman siyang sumigaw.

"I'll do anything you want! Sige na please, please!" And with that note... it sounds like a tempting offer.

"Kahit anong hingin ko?"

"Oo! Ask and you shall receive." Hm...

"Kahit ano ah, sabi mo yan." I said grinning.

"Yes, yes, promise, cross my heart, hope to die."

"Araw-araw hanggang matapos 'to?"

"Um..."

I feign a tired sigh, and shook my head. "Nag-hesitate ka, wag na nga lang..."

Nung aalis na sana ako, yun naman pag-salita niya at napangisi ako doon. "Ouy– fine fine, entire time ng pag-papractice hanggang sa final competition you can ask me anything you want me to do."

Mischief Moon (Seventh Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon