Louisa Pov
"Louisa, gumising ka na dyan" bigla akong nagising dahil sa pag katok ni mama, "Opo, gising na po ako" sagot ko habang naka upo pa sa aking kama at naka tulala.
Panibagong araw, na naman ang mayroon, tumayo na ako sa aking kama at lumapit sa bintana.
"GOOD MORNING EVERYONE" masigla kong hiyaw pagka bukas ko ng bintana, napa lingon naman saakin ang mga kapitbahay ko at nginitian ako, "Good morning Louisa" sagot ni aleng teresa, ngumiti naman ako sa kanya at kumaway.
"Mama ako na po dyan" usal ko sabay kuha ng walis sa kanyang kamay, "Haaay nako naman anak kaya ko naman ito" Sabi ni mama pero wala na siyang magagawa hawak ko na kaya ako na ang nag patuloy sa pag wawalis niya.
Simple lang naman ang buhay na mayroon kami, tindera ng gulay si mama sa palengke samantala si papa naman ay isang jeepney driver. Nag iisa lang ako anak kaya eto ako lang maganda sa bahay.
Minsan nga nakaka lungkot baka kasi nauumay na sila sa kagandahan ko pero hindi mangyayare yun sa ganda ko ito mauumay sina mama eh mana nga ako sa kanya.
"Hoy Louisa may chika ako sayo" napa angat naman ang ulo ko ng makita si Carol kaibigan ko na naka sandal sa bakod namin, napa irap naman ako dahil alam kong chimis iyon.
Na gusto ko din naman malaman.
"Gaga ang aga aga chismis na naman dala mo" usal ko pero lumapit siya saakin sabay hila sa buhok ko, kaya tinignan ko siya ng masama kahit kelan brutal ang gaga na ito.
"Tigilan mo ako Gaga, Alam ko naman gusto mo din malaman" usal niya kaya natawa naman ako dahil totoo naman pakipot pa ako syempre kasi magang-maga staka nag babago na ako Noh!
"Ano ba yang chimis mo na yan ha" tanong ko sa kanya at pinag patuloy ang pag wawalis, "Dumating na si natasha yung number one kaaway mo" napa lingon naman ako sa gawi niya dahil dun, tsk ang gaga umuwi pa talaga dito. Simula palang naman nung bata kami eh palagi na kaming nag aaway nun ewan ko sa kanya inggitera literal kasi hindi nag papatalo saakin para naman tanga.
"Ang panget ng chismis mong dala" usal ko sa kanya at nag walis ulit, "Gaga patapusin mo muna chika mo" sagot naman niya saakin kaya tinanguan ko siya para ipag patuloy kung ano man kamaritesan ang sasabihin niya pa. "Buntis ang Gaga" dagdag niya kaya napalingon ako at lumapit sa kanya, "Seryoso? Eh diba nag aaral sa maynila yun pano nangyare?" Tanong ko sa kanya at nag patuloy naman siya sa kinukwento niya.
"Grabe kasi ayan tuloy" usal ko pagka tapos niyang ikwento ang lahat..gusto nyo ba malaman? Wag na chismosa nyo naman.
"Kulang yung kwento mo, gusto mo ako na mag kukwento para naman sulit yang nalalaman nyo saakin mga bruha" nagulat kami dalawa ng may biglang mag salita sa likuran namin at shuta si natasha pala, at totoo nga ang chimis ng gaga medyo malaki na ang tiyan nito.
"N-Natasha, ikaw pala hehehe" utal na saad namin pareho, habang si gaga naka taas ang kilay saakin, walang pinag bago maldita at ubod parin ng suplada ang Gaga. "Ang galing nyo mag chimisan ha, lalo ka na carol hindi ka parin nag babago manang mana ka parin sa nanay mo" usal ni Natasha sabay duro saaming dalawa, "Hoy natasha atleast ako hindi nag babago eh ikaw? Yang pagiging maldita mo hindi parin nawawala" sagot naman ni carol, nakaka ramdam na ako maya-maya nito may sabong na mangyayare. "Ay may nag bago pala sayo, yang tiyan mo HA HA HA" dagdag pa ni carol sabay tawa, tinignan ko naman si natasha... namumula na ito sa galit at konti na lang sasabog na, "Tumigil ka na carol buntis yung tao" suway ko sa kanya, hindi naman sa mabait ako sa gaga na toh. Ayoko lang maging sanhi kami ng maagang pag iri nito dahil namumula na talaga at konti na lang baka mag hame hame wave na mala sangoku.
Hinila ko na si carol papasok ng bahay dahil nakaka amoy talaga ako ng away. Pag pasok namin sa loob bigla na lang tumawa ng malakas na parang masisiraan na ng ulo.
"Nakita mo itsura Niya?HA HA HA" walang pinag bago siya parin si natasha na ubod ng suplada at madaling mapikon" tumatawa pa siya habang sinasabi yun, napa irap naman ako dahil sa kanya, "Gaga buntis yun kapag yun nganganak ng wala sa oras yari ka sa nanay nun" babala ko sa kanya pero nag kibit balikat lang siya saakin at nag patuloy sa pag tawa.
Kanina pa siya tawa ng tawa kahit ilang minuto na ang nakaka lipas, minsan nakaka inis 'to pero dahil kaibigan ko siya pinag titiisan ko na lang, "Hoy babae diba pupunta ka din sa maynila?" Bigla tanong niya saakin, tumango naman ako sa kanya at pinag patuloy ang pag pupunas ko ng nga frame namin nila mama at papa.
"Mag iingat ka, baka pag uwi mo eh buntis ka din" tumatawang saad niya saakin, binato ko naman siya ng basahan na pinang gagamit kong pamunas. Dahil tanga siya hindi niya nailagan kaya ayan sapul sa mukha niya, "Grabe ka naman sis, nag sasabi lang ako ng totoo mahirap na ngayon" dagdag niya habang umuubo dahil sa alikabok na nalanghap niya doon sa basahan.
"Trabaho ang hahanapin ko doon, hindi bayag" sagot ko naman sa kanya habang naka pamewang, "Si natasha din pag aaral daw ang aatupagin, ayan busog ng siyam na buwan" banat naman niya kaya nilapitan ko siya at binatukan, kahit kelan nag babae na ito minsan nag sisisi ako naging kaibigan ko 'to.
"Siraulo, trabaho nga ang hahanapin ko hindi bayag" pag uulit ko sa kanya sinabi ko kanina pero ang gaga ayaw pa ata maniwala, "At isa pa may pera ako hindi ko kailangan ng hotdog na mabantot" dagdag ko pa sa sinabi ko kaya tumatawa itong lumapit saakin, "Oo na naniniwala naman ako sayo, dito na ako makiki kain ah" usal naman siya sabay punta sa kusina kung saan nag luluto si mama ng makakain namin, napa irap na lang ako dahil sa kakapalan ng pamumukha niya.
Lumabas muna ako para isara ang sira sira naming gate, pwede pa naman 'to kesa sa wala. Habang hinihila ko ito dahil ewan de hila eh ano magagawa ko kanya kanyang gate toh! Walang pakialamanan.
May napansin akong kotse na naka hinto hindi ganun kalayo mula sa bahay namin, hindi ko masyado maaninag yung nasa loob pero alam ko sa bahay namin siya naka tingin. Lalabas sana ako para lapitan yun pero bigla umandar yun at mabilis na umalis at dahil sa maalikabok hindi ko nakita kung sino yung tao.
Nag kibit balikat na lang ako at pumasok sa loob pagkatapos kong isara ang gate.
-------thank you for reading.
YOU ARE READING
The Losing Mafia Boss Daughter (hiatus)
RandomLouisa Villano, isang probinsyana na mapupunta sa maynila para sa mag trabaho, sa hindi inaasahang pangyayare makikilala niya si Darkuis Zamora isang masungit, suplado, na magiging kaaway niya sa loob ng mansion na pinag tatrabahuan niya. Ano mangya...