Chapter 17

19 1 0
                                    

Louisa Pov

Araw ng sabado, kaya nandito lang ako sa mansion walang pasok si luke. Buti at nasa company daw si unggoy kaya wala siya dito at laking pasalamat ko para dun.

Tapos na ako mag linis kaya nasa garden lang ako at naka tambay, si criselta naman inutusan ni nanay sol mamalengke. Dapat pala sumama na lang ako kesa nandito lang.

"Louisa" tawag saakin ni thilly, lumapit siya saakin at umupo sa tabi ko "Can you help me?" Sabi niya habang naka tingin saakin, medyo kinakabahan ako dito dahil nakaka pahamak mga hinihingi niyang tulong. "Ano ba yun?" tanong ko naman sa kanya, ngumiti siya saakin. Eto na ba sinasabi ko yung ngiti niya hindi nakaka tuwa.

"Tekaaa! Bakit kailangan mo ako make-up an?" kaya ayoko tumutulong sa kanya eh! "I need to practice my make-up skill please"  sabi niya sabay tulak saakin paupo dun sa sa lamesa, hinarap niya ako dun sa salamin na may maraming bumbilya. "Teka ayoko thilly, Hindi bagay saakin yang make-up" protesta ko pa sa kanya, "No, ang ganda mo kaya for sure babagay sayo. Just trust me okay" Huminga ako ng malalim sabay tango, as if may magagawa pa ako!

Ilang minuto na ako naka pikit, baka ginagago na ako nitong babae na 'to ah! Ay di pwede isasabit ko siya ng patiwarik!

"I'm done, oh my gosh ang pretty mo sobra" manghang usal ni thilly, dinilat ko ang mga mata sabay tingin sa salamin.

Nanlalaki ang mata ko habang naka tingin sa salamin "Ako ba yan?" hindi ako makapaniwala ang ganda mo self shet, "Yes, see ang ganda ganda mo sobra" puri pa niya saakin. Inayos niya pa ng kaunti yung buhok at shet apaka gandang nilalang!!

"Let's go outside, pakita natin sa kanila" excited na sabi habang hinihila ako pababa ng hagdan, "Teka thilly, hinay hinay lang baka pareho tayong mahulog dito" awat ko sa kanya, mukha siyang bata naka kuha ng achievement.

Pagka baba namin sa hagdan, bigla kaming napahinto dahil sa dalawang lalake naka business attire. Binitawan ni thilly ang kamay ko sabay yakap sa daddy niya, samantala yung isang lalake naka titig saakin kaya nailang ako.

"Xyliyana" kahit mahina pagka sabi niya narinig ko parin, napa lingon naman sa kanya si sir franco sabay tingin saakin.

Pero inalis niya din pagka titig saakin, ngumiti ito kay thilly sabay gulo ng kanyang buhok. "Hi tito Samuel" bati ni thilly dun sa lalaki na Samuel pala ang pangalan.

Nagpaalam ako sa kanila aalis na muna dahil nakaka ilang talaga pagka tingin saakin nun.

"Louisa, ikaw ba yan?" nawala ako sa pag iisip ng biglang may mag salita sa likod ko, pag lingon ko si criselta pala "Oo beh! Ako nga hmm pak ganda ko noh!" Sabi ko sabay flip hair sa kanya, "Oo beh ikaw na maganda" sagot niya kaya pareho kaming natawa sa mga biro namin.

Nag kukwentuhan kami ni criselta ng biglang pumunta sa kusina si ate lucy at inutusan akong dalhin kina sir Franco ang meryenda.

Sinunod ko yun dahil trabaho ko yun syempre, pag dating ko sa sala nandun din si unggoy. naka upo dun si Sir franco at Sir Samuel, Ngumiti ako sa kanila sabay lapag nung meryenda kay unggoy naman irap... pero itong si sir Samuel naka titig ulit saakin.

"What is your name?" biglang tanong saakin ni Sir Samuel, medyi kinabahan pa ako dahil mukhang na siya pero ngumiti parin ako sa kanya "Louisa po, Louisa Villano" sagot ko sa kanya, tumango ito kaya nag paalam na ako sa kanila.

Bakit ganun mga titig niya saakin?

Third Person Pov

Nag mamadaling naglalakad ang isang lalaki papunta sa opisina ng kanyang boss.

The Losing Mafia Boss Daughter (hiatus)Where stories live. Discover now