Third Person Pov
Isang lalake ang naka tingin sa labas nh bahay habang hinihintay ang lalake nag hahanap sa kanyang anak.
"Ano na ang balita nahanap nyo na ba siya?" tanong niya pagka pasok palang ng isang lalake sa kwarto na iyon, yumuko naman ang lalake dahil katulad ng dati hindi parin nila ito nahahanap.
Napa buga naman ng malalim na hininga ang lalake at hinarap ang Ito, "Huwag kayo titigil hangga't hindi nyo nakikita ang aking anak" utos niya ka mabilis na yumuko ang lalake at mabilis na umalis sa silid na iyon.
20 years na rin ng simula mawala ang kanyang anak at hindi niya alam kung nasaan ito, kahit ang kanyang asawa ay nawawala din dahil sa trahedyang nangyare.
"Tumakas na kayo dalawa, mag kita na lamang tayo sa pampanga" nag mamadaling usal ng lalake sa kanyang asawa, hawak niya sa kabilang kamay ang baril.
"Pero paano ka? Sumama ka na saamin" pag susumamo nh kanyang asawa habang umiiyak kasabay nh pag iyak nh kanyang anak na nasa limang buwan pa lamang.
Hinawakan naman niya ang mukha ng babae at tinitigan Ito, "Huwag ka mag alala saakin, kailangan nyo maka ligtas pati na rin ang ating anak" sagot niya, kahit itanggi niya alam niya maaari siyang mamatay pero hindi na niya alintana basta maka ligtas ang kanyang mag ina.
"Bilisan mo, tumakas na kayo Iligtas mo ang anak natin" pina-pasok na niya sa kotse ang kanyang mag ina, kahit ayaw umalis ng kanyang asawa wala na ito nagawa.
Pinagmasdan niya ang kotse nito na papalayo, pero hindi niya alam na yun na pala ang huli niyang makikita ah kanyang asawa at anak.
Muli niyang naalala ang mga tagpo na iyon, kaya mas lalo siyang nasaktan, kundi dahil sa nangyare na iyon kasama parin niya sana ang mag ina.
Louisa Pov
Pilit kong sinusundan ang mga lakad ng batang kumag na 'to "Bilisan mo naman , ang bagal" konting tiis pa self, anak ng amo mo yan mawawalan na ng trabaho kapag pinatulan mo siya oo.
Gusto ko na siyang tirisin ng pinong pino, sa lahat ng bata eto ang nakaka irita. "Teka lang naman, luke pwede mag pahinga? Ang dami ko kayang dala" ang bigat ng bag, dinala ata nito lahat ng gamit sa bahay. Tapos may lalagyan pa ng pagkain niya, tapos mamadaliin niya ako argh!!!!
"Okay fine, maupo ka na muna" nabuhayan naman ako ng dugo dahil sa sinabi niyang iyon, kaya nag mamadali akong lumapit sa may upuan at nilapag lahat ng gamit niya. "Sobrang bigat naman nitong bag mo, ano ba naka lagay" usal ko at binuksan ang bag Niya, muntik ng lumabas ang mata ko dahil sa nakita ko, "Bakit may bato, itong bag mo? Adik ka ba?" Nangunot naman ang kilay niya dahil sa sinabi ko at inagaw yung bata saby hagis kung saan, pinag masdan ko naman siyang umupo sa may dulo at bumusangot.
"Okay ka Lang? Sino nag lagay nun?" pero hindi niya ako pinansin, tinignan lang niya ako sabay irap hindi na ako nag tanong ulit dahil para lang ako nag sasalita sa kawalan. "My classmate" napalingon ako sa kanya, woah totoo ba ito? Kinausap niya ako? "Bakit naman? Binubully ka ba nila?" tanong ko ulit, tumango tango naman siya bilang sagot.
"Bakit naman hinahayaan mong mabully ka?" Sabi ko habang naka tingin sa kanya, naka yuko lang siya habang pinag lalaruan ang mga kuko niya. "Because I can't defend myself to them, I'm to weak para labanan sila" dahan-dahan kong hinaplos ang buhok niya kaya gulat siyang napa tingin saakin, nag peace sign ako dahil sa ginawa ko na yun oo nga pala masyado siyang conservative.
"Kung hahayaan mo sila na lagi ganyan ang gagawin sayo, aabusuhin ka nila ikaw ang masasaktan at nag dudusa sa ginagawa nila" naranansan ko na din mabully dahil sa estado ng buhay ko kesyo tindera lang daw ang nanay ko. "Kung hindi mo sila lalabanan masasanay sila na saktan ka, hindi lahat ng oras kailangan maging tahimik ka lang sa gagawin nila" tumingin naman siya saakin, nice self nakakapag advice ka ng matino sa iba partida bata pa "What do you mean?" Ay sayang ata payo ko hindi niya na gets aguy.
"Ang ibig kong sabihin, huwag mong hahayaan na lagi ka nilang binubully kung kaya mong lumaban, labanan mo" ngumiti siya saakin, woah! Ngayon lang siya ngumiti saakin at infairness may dimple siya sa kanan niyang pisnge ang cute para nitong kumag na ito.
"Thank you for your advice" ginulo ko kaunti ang buhok niya, "Wala Yun, iniirapan mo nga ako eh gumanti pa kaya sa iba" napa busangot siya dahil sa sinabi ko kaya mas lalo ako natawa. Alam ko naman mabait itong bata na toh eh may pinag daraanan lang.
Konting tiis lang, magiging kaibigan ko din ito.
——Thank you for reading——
YOU ARE READING
The Losing Mafia Boss Daughter (hiatus)
DiversosLouisa Villano, isang probinsyana na mapupunta sa maynila para sa mag trabaho, sa hindi inaasahang pangyayare makikilala niya si Darkuis Zamora isang masungit, suplado, na magiging kaaway niya sa loob ng mansion na pinag tatrabahuan niya. Ano mangya...