Third person Pov
"Louisa Villano, anak nina Raimel At Maria fe Villano" usal ng isang lalake habang pinapakita ang litrato ng mag asawa.
"Jeepney driver si Raimel at isang tindera sa palengke si Maria Fe" nakikinig lang ng mabuti ang lalake boss niya habang pinag mamasdan ang mga litrato nila.
"May 16 19** ang birthday, 20 years old, taga Pampanga, High school ang natapos" usal niya pa habang nilahad sa lamesa ang mga papeles na nakuha niya. "At ayon sa nalaman ko, Ampon lang siya ng mag asawang iyon" doon na napa tingin ng mabuti ang kanyang boss sa kanya "Ampon?" pag uulit nito at tumango tango siya.
"Yes boss" sagot niya, marami pa siyang sinabi sa mga nalaman niya at taimtim lang nakikinig ang boss niya, "Ayon pa sa nalaman ko, na ampon nila si Louisa kung kelan pumunta sa pampanga ang asawa nyo. Pagka bukas lang nalaman na nilang may ampon na anak ito" dagdag pa niya.
"Gusto kong bantayan mo ng mabuti ang mag asawa g iyon at ipaalam mo saakin lahat na malalaman nyo" utos niya, tumango naman siya "Yess boss"sagot niya, tumango ito at nag paalam na aalis na.
"Paano kung siya na pala ang nawawala kong anak" wala sa sariling usal nito sa sarili habang naka tingin sa labas ng opisina niya.
Bumalik siya sa kanyang lamesa at kinuha ang isang picture frame na may picture nila ng kanyang asawa at sanggol na anak "Kung ikaw man ang nawawala kong anak, nag papasalamat ako at buhay ka" usal niya at dahan-dahan hinawakan ang salamin ng frame.
Louisa Pov
"Louisa" naka ngiti akong lumapit kay thilly, "Bakit?" tanong ko pagka lapit niya saakin, hinawakan naman niya ang kamay ko at hinila papunta sa kwarto niya.
"Teka bakit mo ako dinala dito?" takang tanong ko, ngumiti naman siya at nilabas ang mga dress nasa cabinet niya "Can you help me to choice"sagot niya sabay kuha soon as blue dress na may straps na white "What do you think?" Tinignan ko naman iyon "Bagay naman sayo pero wala bang iba?" Tanong ko pa binaba naman niya yun at kinuha yung green dress na may design na flowers "Eto?" Tinignan ko ulit at "Bagay sayo pero yung iba pa" sabi ko pa ulit.
Nakaka ilang dress na kami pero untill now wala parin "Ayan! Ang ganda beh bagay na bagay sayo" naka ngiti usal ko habang naka turo sa white dress na hawak niya "Really? Bagay talaga saakin ito?" Tumango tango naman ako bilang sagot, lumapit pa ako sa kanya "Oo beh! Kaya dapat yan ang isuot mo" Sabi ko pa habang naka hawak sa mga balikat niya "Ay! Teka bakit nga pala saan punta mo?" takang tanong ko, ngumiti naman ito ng sobrang lapad at binaba yung dress na hawak niya at tumingin saakin.
"May date ako" nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya, teka siya may date? "Talaga???" Hindi ako makapaniwala..I mean oo maganda si thilly as in!! Pero hindi kasi siya yung tipo ng babae pala gala at wala naman ako nakikitang lalake na kasama niya pumupunta dito.
Nagulat ako dahil sa pag tapik ni thilly sa pisnge ko, shet napa tulala na pala ako "Hindi ka ata makapaniwala haha" tumatawang tanong niya, ngumiti naman ako kahit naiilang dahi sa ginawa ko "Oo hehe" tumawa naman siya sabay higa sa kama niya "Kahit ako man, pero grabe hindi ko akalain na aayain ako ng date ni Shaun" usal niya habang naka tulala sa kisame, umupo naman ako sa tabi niya at masaya siyang tinapik sa braso "Yieee! Dalaga ka na ha" sabay sundot sa tagiliran niya, nakiliti naman siya kaya nauwi sa kilitian ang kaninang kwentuhan namin.
Nandito ako ngayon sa kusina at nag hahanda ng mga lulutuin para kay luke, siya lang ang kakain dahil si Unggoy nasa kumpanya pa, si thilly naman ayun sinundo na nung Shaun.
"Louisa, sabihin mo kay luke kakain na siya" utos saakin ni nanay sol, kaya tumango na ako at pumunta sa kwarto ni luke.
Pag dating ko dun pumasok na kaagad ako, pero walang luke akong nakita. Medyo makalat sa kwarto niya lalo sa lapag, may gupit gupit na puso at kung ano ano pa.
Napa tingin naman ako doon sa papel na may letter, teka hindi lang basta bastang letter ito... Love letter pa! kinuha ko iyon at binasa.
Hi Kylerine;)
I just want to say ahm I love you.
You know how much I love you, ever since nakita kita I know to my self na I like you na even we are still kids but my feelings for you is real. besides grade six na tayo so pwede na tayong in a relationship right? If you don't want parin it's okay lang naman, but I'm willing to wait. Promiseee! I'm always here for you I can pakopya you if you don't know the answer in our test , or buy you some chocolates because I know you favorite chocolate:)That's all I hope you gonna love me soon or maybe later, hehe I love you so muchhh kylerine.
Your lover boy
Luke Easel.Napanganga ako dahil sa mga nabasa kong words dito, love letter ba ito? O ano? Grabe naman itong batang kumag na 'to may sweet side pala.
"Heyyy" napatingin ako kay luke na mag mamadali kinuha sa kamay ko yung love letter na ginawa niya at nilagay sa likod.
Binigyan ko naman siya ng Luma-love life ka na batang kumag ka look.
Dahan-dahan ako lumapit sa kanya na may nakaka emeng tingin "W-What?" Utal na tanong niya saakin, "Ever since nakita kita I know to my self na I like you na" natatawa ako dahil sa reaksyon ng mukha niya nung sinabi ko iyon. "H-Hey I don't know your talking about" Asus si kumag naman tinatanggi pa! "I can pakopya you if you don't know the answer in our test" pang aasar ko pa, dahan-dahan naman siyang lumayo saakin kaya dahan-dahan din akong lumalapit "Yieeee luke ah! Hindi ko alam may lovelife ka na" Sabi ko pa habang dahan-dahan lumapit sa gawi niya, tumingin naman siya sa ibang side at lumapit sa may bookshelf.
Kumuha siya ng libro doon at nag kunwaring nag babasa, napa tawa naman ako ng malakas dahil sa pinag gagawa niya "Hoy naiintindihan mo ba yang libro na yan?" Tanong ko habang naka tingin sa libro niyang baliktad ang pagka hawak "Ah yeah hehe, tinignan ko lang itong picture naka abstract kasi" nag palusot pa si gaga, lumapit ako sa kanya at inakbayan siya "Luke, okay lang naman yan kung may crush ka na eh" pag che-cheer ko sa kanya.
Tumingin siya saakin "Really?" Tumango tango naman ako bilang sagot sa kanya, "Alam mo kasama sa life ang magka lovelife" kahit wala pa ako nagiging lovelife "I like her- no I love her so much" Sabi niya habang naka tingin sa libro, kinuha ko naman iyon at inayos dahil baliktad parin ang pagka hawak.
"Kung mahal mo siya edi go, wag ka mag alala support ako" ngumiti naman siya at niyakap ao sa bewang "Thank you, Lou" ngumiti ako sa kanya at ginulo gulo ang buhok niya "Binata na siya" pang aasar ko pa at mabilis na namula ang mukha niya.
"Can you keep this between us" tumango naman ako sa kanya "Oo naman, secret natin ito" sagot ko "Thank you again,Lou" napa ngiti ako at sinabi kakain na siya,
Grabe naman kahit wala akong lovelife support ako sa lovelife ng magkapatid na ito, paano kaya kami ng kuya nila? charot!
——thankyou for reading——
YOU ARE READING
The Losing Mafia Boss Daughter (hiatus)
RandomLouisa Villano, isang probinsyana na mapupunta sa maynila para sa mag trabaho, sa hindi inaasahang pangyayare makikilala niya si Darkuis Zamora isang masungit, suplado, na magiging kaaway niya sa loob ng mansion na pinag tatrabahuan niya. Ano mangya...