Chapter 22

15 0 0
                                    

Third person Pov

"Saan ka nang galing?" Nag aalalang tanong ng isang hindi gaano katandang babae sa dumating na babae, tumingin ito sa kanya at ngumiti "Hulaan ko, pinuntahan mo na naman siya ng palihim" naka pamewang sa dagdga nito, tumawa ito ng mahina at tumango tango "Kay ganda niya" naka ngiting sabi niya habang inaalala ang mukha ng kanyang anak.

Lumapit sa kanya ang babaeng matanda "Bakit hindi ka pa mag pakilala sa kanya?" umiling-iling ito habang naka tingin sa malayo. "Hindi pa ito ang tamang oras" sagot niya, ilang taon na niyang sinusundan at pinupuntahan ng palihim ang kanyang anak.

Simula palang sa una, nang maka ligtas siya sa tiyak na kamatayan. Pinag patuloy niya ang pag sunod-sunod sa mag asawa nag babantay ng kanyang anak.

Ngayon nasa maynila na ang kanyang anak, mas dinoble niya ang pag babantay.

"Kung hindi ngayon, kelan?" tanong ng matanda, tumingin ito ng deretso sa mata"Kapag nalaman na niya na buhay ang aming anak" ang tinutukoy niya ay ang kanyang asawa, na nag hahanap parin sa kanilang dalawa.

"Kung ganun, nawa'y mangyare na kaagad" sagot ng matanda at inaya niya ito pumasok na sa bahay. Simula ng mailigtas at tulungan niya ito ay tinuring niyang tunay na anak ang babae.

May ilang tao din ang nag babantay ng palihim sa anak ng babae kanyang tinulungan, Simula palang nung una hanggang ngayon.

Ziandrie Pov

"Yes Lola?" Sabi ko pagka sagot palang ng tawag ni lola.

[Nasa school ba siya?]   tanong niya saakin.

"Hindi Lola, wala siya" sagot mo naman, hindi ko akalain siya pala ang sinasabi ni lola na babantayan ko.

[Ganun ba, sige mag iingat ka. at kung kaya mo puntahan mo siya sa bahay ng pamilyang iyon]  ilang beses na ako pumunta sa bahay ng studyante ko. Para lang macheck siya sa araw-araw.

Pasalamat na nga lang ako at madalas na sinasamahan niya ang anak ng amo niya dito sa school. Mas napapadali trabaho ko.

May kailangan din akong hanapin na babae, nagkamali ako. Hindi ko dapat sinaktan ang damdamin niya may kasalanan din ako.

"Ziandrie, b-buntis ako" nawala ang ngiti ko ng sabihin niya iyon.

Hindi ako kaagad nakapag salita "Teka paano? Nag iingat naman tayo diba?" Tanong ko habang naka tingin sa kanya ng seryoso.

Bigla na lang siyang humagulgol sa harapan ko "Oo, pero hindi ko alam na mangyayare pala Ito" umiiyak na sagot niya at tumingin saakin "Mahal mo ako diba?  Tanggap mo naman kami" tanong niya at kita ko sa mga mata niyang umaasa siyang sasabihin ko ay oo.

Pero hindi, masaya ako mag kaka anak kami pero ka akibat nun ay takot...takot na baka madamay silang dalawa.

"H-hindi, hindi kita Mahal" pag sisinungaling ko "A-Ano? Teka so ano mga ginawa natin? Wala lang" umiiyak na usal niya habang niyuyugyog ang balikat ko.

"S-Sorry, Hindi pa ako handa maging ama niyang pinag bubuntis mo"  isipin man niyang wala akong kwentang tao, pero mas gugustuhin ko na ito kesa madamay silang dalawa.

"Napaka gago mo Ziandrie" usal niya habang pinupunasan ang mga luha sa Mata "Napaka walang kwenta mo" huli niyang sinabi bago tuluyang umalis sa condo ko.

Nang maramdaman kong wala na siya, doon ako umiyak ng umiyak at humingi ng tawad kahit alam kong hindi niya iyon maririnig.

Ilang buwan na ang nakaka lipas, kumusta na kaya siya? Siguro malapit na siyang manganak saaming anak. Kung hindi niya pinalaglag ang aming angel.

Naramdaman kong may luhang dumaraan sa aking pisnge kaya mabilis kong pinunasan iyon. At sinuot ang salamin na gamit ko, kailangan kong maging matatag dahil marami akong obligation sa lahat.

Louisa Pov

Napa tulala ako habang nandito sa garden, ilang beses ko na nakikita katawan niya pero bakit ganito parin nangyayare saakin.

"Why are you looking at me" masungit na tanong niya habang naka tingin saakin, "Ha? Kapal mo hindi kita tinitignan noh!" Pag dedepensa ko, seryoso parin siyang naka tingin saakin pero tumalikod na ako at akmang aalis ng bigla niya hawakan ang kamay ko.

"Ano ba- Wahhhh" dahil sa pagiging lampa ko. Nadulas ako at napakapit sa braso ni Darkuis kaso natumba din kaming pareho.

At sa pangalawang pag yayare, naulit na naman ang naka raan. Naka titig lang siya saakin at ganun din ako habang ang mga labi namin ay parehong magka magka dikit.

Pero mas lalo lang ako nagulat dahil iba ang nararamdaman ko, imbes na magalit ako dahil sa pang yayare na ito. Bakit parang mas gusto ko halikan niya ako.

——thank you for reading——

The Losing Mafia Boss Daughter (hiatus)Where stories live. Discover now