Louisa Pov
Nandito lang ako sa garden katulad ng dati pinag mamasdan ko ulit yung mga bituin na nag niningning sa kalangitan.
Mas lalo pa nadagdagan iniisip ko dahil kay ziandrie hehe mag kikita pa kaya ulit kami?sa totoo lang may crush na ako sa kanya, sa pogi ba naman niya at kabaitan kahit sino mahuhulog sa kanya.
Nasa kalagitnaan ako ng pag papantasya kay ziandrie ng may maramdaman akong kamay na pumatong sa balikat ko, akmang sisigaw na sana ako ng mag salita ito. "Relax , it's me luke" tumingin ako sa kanya at inalalayan siyang umupo sa tabi ko, "Bakit gising ka pa?" itong bata na 'to puyaters din pala ngayon ko lang knows.
"Cause I'm not tulog pa?" Ayan akala ko pa naman okay na kami tapos biglang mamimilosopo, tinaasan ko naman siya ng kilay dahil sa attitude niya. Narinig ko naman siyang tumawa kaya nawala din pag taas ko ng kilay sa kanya.
Tumingin ito sa kalangitan, tumingin din ako doon ilang minuto kaming tahimik ng bigla siyang mag salita, "I miss my mom" bigla ako tumingin sa kanya, nakikita ko sa mukha niya ang kalungkutan sa kabila ng masungitan niyang pinapakita may lungkot na naka tago doon. "Every night she always reading books for me" pag kukwento niya habang naka tingin parin sa langit, hindi ako nag salita hinayaan ko siya mag kwento.
"I miss her pancakes" nakinig lang ako sa lahat ng kinukwento niya, hindi muna ako sasabat hindi ko expect na magiging open siya saakin kahit madalas niya akong sungitan at irapan. "You, did you miss your mother?" napa ngiti ako sa kanya at tumingin sa kalangitan, "Sa totoo lang miss na miss ko na si mama, kasi siya yung best friend ko na palagi kong sinasaniban ng mga nangyayare saakin, sa totoo lang siya yung ka marites ko HAHAHA" at kaya pumunta ako dito sa maynila para kay mama, gusto ko maging malakas siya at para hindi na niya intindihin yung mga bayarin saamin.
"Ikaw, sobrang miss mo na mommy mo noh?" balik kong tanong sa kanya, ngumiti naman ito at tumango "Kakasabi ko lang kanina diba?" napakamot naman ako sa ulo dahil sa sagot Niya, hindi ba pwede naka limutan lang? Attitude talaga itong bata na toh.
Ilang minuto pa kami nag usap, mabait naman pala siya sadyang ayaw nila lang ipakita sa iba ang kalungkutan niya para hindi siya kaawaan. Pero ako naaawa sa kanya kahit sinusungitan niya ako, katulad din pala siya ni thilly madaldal magkapatid talaga.
"Sorry for being masungit sayo" naka yuko lang siya habang sinasabi saakin Yun, ngumiti naman ako at ginulo gulo ang buhok niya. "Wala yun, ayus lang kahit minsan ang sarap mong tirisin" napa tingin naman siya saakin na parang sinasabi Anong kabaliwan ang sinasabi mong babae ka? Look "Tara pumasok na tayo sa loob malamig na dito" pag iiba ko dahil baka mamaya mag iba na naman ang ihip ng hangin at sungitan ako ulit.
Hinatid ko siya sa kwarto niya, nagulat ako dahil sa pag yakap niya saakin pero niyakap ko rin siya pabalik.
Pababa na ako ng makita ko si thilly dahan-dahan umaalis at may hawak na high heels, dahil curious ako sinundan ko siya hanggang sa likod bahay. "Thilly, anong ginagawa mo dyan?" gulat siyang napa tingin saakin at mabalis na lumapit, "Please louisa, wag mo ako isusumbong kay daddy or kuya please?" Pag susumamo niya saakin, ano ba nangyayare? "Teka saan ka ba pupunta?" tanong ko pero mahina lang dahil baka may maka rinig saamin.
"It's just a party sa classmate ko" sagot Niya, hinila ko naman siya sa madilim na bahagi dahil may nakita akong guard na nag lalakad papunta sa tinatawag nilang dirty kitchen pero ang linis.
"Baka mapahamak ka dyan thilly, Hindi pwede pumasok ka na sa loob" suway ko pero hinawakan lang nito at kamay ko at tinignan na parang sinasabi Please naman louisa minsan lang naman look, "Please louisa" umiling ako at sinabi hindi talaga pwede, ilang minuto kaming nag pipilitan kahit maging masungit na siya saakin hindi ako papayag dahil ikakapahamak niya iyon.
Kahit anong gawin niyang pilit hindi ako papayag, N.E.V.E.R
"Sandali lang tayo dito thilly ha" pag papaalala ko dahil wala na ako nagawa ng makiusap siya saakin to the max matatanggihan ko pa ba?
Kasabwat namin si criselta, sakto 12 kailangan nasa bahay na kami, grabe mala Cinderella lang ang peg nitong si thilly ah.
"Yes, Louisa thank you talaga" sagot niya sabay yakap saakin, niyakap ko din siya at tinapik tapik ang likuran. "Sigurado ka bang dyan ka lang? Pwede ka naman sumama saakin dun" dagdga niya habang naka tingin saakin, "Okay na ako dito, staka para alisto ako sa oras ng pag uwi natin. Enjoy ka na para sulit naman pag takas mo" sagot ko habang naka ngiti, gusto ko naman maki join pero malakas pakiramdam kong hindi ako bagay sa ganitong sistema.
Tamang tingin tingin lang dito sa gedli, habang si thilly masayang nakikipag bonding sa mga kaibigan niya. Bigla ko tuloy namiss si carol, madalas kaming nakiki sayaw din noon kapag fiesta at may pa sayaw sa barangay.
Kumusta na kaya ang gaga, hindi kami nakapag paalam sa isa't isa nung umalis ako dahil nasa palengke siya at nag titinda doon.
"Hoy babae may tawag ka baka gusto mong sagutin dalian mo baka grasya"
"Hoy babae may tawag ka baka gusto mong sagutin dalian mo baka grasya"
"Hoy babae may tawag ka baka gusto mong sagutin dalian mo baka grasya"
Mabilis kong kinuha sa bag ko ang aking cellphone dahil sa ringtone na naririnig ko, sure na akin yun dahil mismong boses ko yun.
"Hello criselta bakit ka tumawag? Wala pa namang alas dose ah" bungad ko pagka sagot ko palang ng tawag.
[Lou, umuwi na kayo hinahanap ni ser darkuis si thilly pati ikaw] napa tayo ako dahil sa sinabi niya at mabilis na pumunta sa lugar nina thilly.
"Thilly kailangan na natin umuuwi, yung kuya mong unggoy hinahanap ka na" nag mamadali kong sabi, mag sasalita sana siya pero mabilis ko ng hinila siya pauwi.
Ka close ko na rin si kuya herman, driver nila siya nag nag hatid saamin dito. Sigurado malilintikan kami kapag nalaman na nag party party si thilly kailangan kong gawan agad ng paraan ito.
Dahil sigurado madadamay trabaho ko!!!!
——thank you for reading——
YOU ARE READING
The Losing Mafia Boss Daughter (hiatus)
AcakLouisa Villano, isang probinsyana na mapupunta sa maynila para sa mag trabaho, sa hindi inaasahang pangyayare makikilala niya si Darkuis Zamora isang masungit, suplado, na magiging kaaway niya sa loob ng mansion na pinag tatrabahuan niya. Ano mangya...