Chapter 2

32 6 4
                                    

Louisa Pov

"Uyy ate ang ganda mo naman ngayon" naka ngiting pambobola ko sa kanya, lumingon naman ito saakin at lumapit "Talaga? Maganda ako?" Naka ngiti tanong niya saakin, tumango naman at at pinuri puri pa siya. "Grabe napansin mo pala Yun hahaha oo dati akong sumasali sa mga pageant" naka ngiti Lang ako habang pinakikinggan mga kwento niya, kailangan kong mag tiis para bumili siya saamin.

"Thank you ate, suki na tayo ha! dito ka bumili ng mga gulay sariwang sariwa, tapos makaka tulong pa para mas mag glow ang iyong ganda" naka ngiti kong pambobola sa kanya, sumagot naman ito at sinabing saakin na lagi bibili ng mga gulay. Syempre tuwang tuwa ang lola nyo dahil may benta na may bagong suki pa.

Kasalukuyan akong nagbe-benta dito sa palengke dahil si mama ay inatake na naman ng rayuma niya, syempre mabait ang ferson ako na muna ang nag tinda dito sayang naman ang kita kung ipapaliban ko itong araw na 'to.

"Suki ikaw pala yan, anong bibilhin mo?" nakaka tulong din pagiging makapal ng mukha ko dahil sa dami ng nakikilala kong bumibili dito sa palengke, naniniwala ako sa kasabihan na Ang may makapal na mukha, malayo ang mararating dahil makapal nga ang mukha.

"Ate Louisa" napangiti ko dahil nandito na naman si buboy, labing isang taon palang siya pero nag tatrabaho na para kumita, "Ikaw pala buboy, eto pangako ko sayong tanghalian" tuwang tuwa naman niyang inabot yun saakin at masayang nag pasalamat, ginulo ko naman ng kaunti ang buhok niya mabait naman siyang bata at dahil close na kami ako nag dadala ng kakainin niya dahil wala gagawa nun para sa kanya. Si Mang Juan may sakit at ang nanay niya ay namayapa na Lima silang mag kakapatid at pangatlo siya.

"Mag papakabusog ka ha, para mas lakas ka mag buhat" Sabi mo pa sa kanya, tumango naman ito at nag paalam na saakin. Kumaway ako sa kanya at ganun na din siya saakin.

Naging maayus naman ang pag titinda ko, hindi nawawala ang mga kuripot na kung maka tawad eh akala mo gusto na lang hingin, pero dahil ganun talaga ang life hinahayaan ko na lang.

"Mama, nandito na po ako" usal ko pagka pasok sa bahay pero walang sumasagot saakin, pumunta ako sa kusina pero wala doon si mama, "Mamaaaa" pumunta ako sa kwarto at doon ko nakita si mama nasa sahig at walang malay.

"TULUNGAN NYO PO AKO" sigaw ko habang naka upo sa sahig at pilit ginigising si mama, "Anong nangyayare lou- susmayorsep anong nangyare" tanong ni ale teresa at dali dali lumabas para mang hingi pa ng tulong sa iba naming kapitbahay. Mabilis namin sinugod si mama sa hospital at sinabi na nag kulang daw siya sa vitamin at kain kaya nawalan ng malay isama mo pa yung rayuma niya.

Ilang araw pa namalagi si mama sa hospital bago na discharge, medyo malaki din ang binayaran namin kaya nangutang pa kami sa iba namin kakilala.

"Itutuloy mo ba talaga pag punta ng maynila anak?" tanong saakin ni papa, nasa loob si mama nag papahinga at nandito naman kami ni papa sa sala, dumating din kanina si aling mercy at sinabi tuloy pag punta ko ng maynila.

"Opo papa, sayang naman kung hindi ko po yun pupuntahan, malaking tulong na din po yun para sa saatin lalo na kay mama" sagot ko sa kanya, ngumiti naman saakin si papa at tumangin sa kwarto kung nasaan si mama nag papahinga, "Anak, pasensya ka na ha!" tumingin naman ako sa kanya at nilapitan siya, "Papa naman bakit po kayi nang hihingi ng pasensya? Okay lang naman po, staka kailangan natin mabayaran ang mga utang natin" sagot ko naman sa kanya, ngumiti ako sa kanya "Papa, ang dami nyo na po nagawa saakin panahon na po para ako naman ang gumawa ng paraan at tumulong sa inyo" dagdag ko pa sa kanya, ginulo-gulo naman ni papa ang buhok ko at niyakap ako.

"Napaka swerte namin sayo" ngumiti naman ako sa kanya, "Mas maswerte po ako papa dahil nagkaroon ako ng magulang na sobrang bait at mapagmahal" Hindi nila alam kung gaano ako kaswerte na magkaroon ng magulang na sobrang bait, ang swerte ko dahil nagkaroon ako ng magulang ng katulad nila.

"Sigurado ka na ba anak?" tanong saakin ni mama habang nag tutupi ng mga damit na dadalhin ko papuntang maynila, bukas na ang alis ko papuntang maynila mag tatrabaho ako bilang kasambahay sa isang malaking bahay doon.

"Opo mama" sagot ko naman habang inaayos mga gamit ko, naka rinig ako ng nag sisinghot at pag tingin ko kay mama umiiyak na siya, "Mama bakit po kayo umiiyak" usal ko sabay punas ng luha niya, ngumiti naman saakin si mama at nag punas din luha, "Wala Lang anak, naiiyak lang ako dahil mapapalayo ka na saamin" sagot naman niya, tumawa naman ako para ipakita sa kanya hindi ako naiiyak pero deep inside ayoko ng umalis, gusto ko dito lang pero wala akong magagawa kailangan namin ng pera.

"Si mama naman akala mo sa abroad ako pupunta haha, sa maynila lang ako" biro ko para tumawa siya at nag tagumpay naman ako, sa totoo lang kung kaya lang mabayaran lahat ng utang namin sa pag titinda sa palengke hindi ako aalis, pero hindi eh. At kung pakakawalan ko naman itong chance na maka punta sa maynila at magka trabaho doon malaking tulong narin.

Mayamang pamilya ang pag tatrabahuan ko doon, malaki din ang sahod kaya take the grab na. Sa panahon ngayon na college graduate na ang kinukuha sa mga trabaho, Malaking opportunity na 'to sa tulad kong high school lang natapos.

"Hayaan mo mama kapag nabayaran na lahat ng utang natin at nakapag ipon ako, uuwi din po ako" naka ngiti kong usal sa kanya, nag yakapan naman kami..hindi ko alam kung makakayakap ulit ako ng ganito kay mama dahil tatlong taon din ako doon sa maynila.




Dumating na ang araw ng pag alis ko, hindi ko na hinayaan si mama sumama dahil kailangan niya pang mag pahinga at mag pagaling.

"Papa, ingat po kayo ni mama.ha, hayaan nyo po tatawag ako kapag gabi" nandito na kami sa sakayan ng bus, ngumiti naman saakin si papa at tumango, "Mag iingat ka doon anak, wag kang tutulad kay Natasha, may tiwala kamo sayo ng mama mo" sa huling sandali niyakap ko ng mahigpit si papa at sumakay na ng bus.

Umupo ako sa gawing bintana sa dulo para makita si papa, naka ngiti siyang naka tingin saakin at ganun din ang ginawa ko. Ilang sandali pa umandar na ang sasakyan, hindi ko mapigilan maiyak dahil mawawalay ako kina mama at papa..hindi ako sanay pero kailangan para saamin hindi para kina mama at papa ito.

Huminga ako ng malalim at ngumiti, "Kaya mo 'to, Laban lang Louisa" bulong ko sa sarili ko, hindi naman mag tatagal makaka uwi din ako saamin dito sa pampanga.

--------thank you for reading.

The Losing Mafia Boss Daughter (hiatus)Where stories live. Discover now