Chapter 14

20 1 0
                                    

Louisa Pov

Bigla ako napabalikwas sa hinihigaan ko, shet panaginip lang ba ang lahat? Pinag masdan ko kung nasaan ba ako at potek nandito parin pala ako sa bodega nila.

Ibig sabihin lahat nangyare kanina hindi totoo? Panaginip lang? So may trabaho pa ako? WAHHHH THANK YOU LORD!!!!

"WAHHH I love you Lord, Sobraaaa"
masayang usal ko habang lumulundag-lundag sa tuwa, grabe akala ko mawawalan na ako ng trabaho dahil sa pag sapak ko kay unggoy.

"What are you doing?" Nahinto ako sa pag lundag, at napa lingon kay unggoy na naka sandal sa may gedli. Umayos naman ako ng pag tayo at kunwari ay wala akong ginawa kagagahan.

"Ha?" Saad ko habang naka tingin sa ibang direksyon.

"I said, what are-"

"Hakdog"

"Ginagago mo ba ako" hiyaw niya kaya napa atras ako sa gulat.

"Joke lang, Eto naman" usal ko sabay peace sign sa kanya.

Inirapan naman niya ako at pumasok sa loob, pinag masdan naman niyang mabuti yung bodega kaya sinundan ko din ng tingin mga yun. Baka may hindi ako nalinis eh!

"Good, now follow me. May lilinisin ka pa" ano daw??? "Teka! Ano may lilinisin pa ako?"  tanong ko habang sumusunod sa kanya. "Yes" tipid niyang sagot, tangina lalake ito balak ata ako patayin sa pagod ah!

Hindi ko alam kung sinasadya niya bang asarin at patayin ako sa pagod o ano, Sinong may matinong utak ipapa linis saakin ang lahat ng Cr dito sa bahay nila.

Kasalukuyan kong inaalisan ng alikabok at sapot yung taas ng cr dito na sa tingin ko hindi na ginagamit pero ang gago pinalilinis pa saakin!!!!

Pilit kong inaabot yung mga sapot sa gilid, pero dapat ata hindi ko na ginawa dahil nagka mali ako at gumewang gewang ang bangkong tinatapakan ko.

Bigla akong napa pikit dahil malalaglag na ako pero hindi nangyare dahil may brasong sumapo saakin, naamoy ko pa ang mabango nitong katawan sheyt!

"Are you okay?" Napa dilat ako ng makilala ko yung boses na iyon. Pag dilat ko isang gwapong nilalang ang naka tingin saakin at bakas dito ang pag aalala.

"Ziandrie" tawag ko sa pangalan niya, ngumiti naman ito saakin at tumango tango, "Yes, it's me" sagot naman niya saakin.

Binaba naman niya ako sa pagka buhat, at dun ko lang narealize na binuhat pala niya ako mala bride style.

"Hehehe sorry" usal ko habang naka yuko, nakaka hiya!!! Pero ang bango naman niya.

"It's okay, hindi ka naman nasaktan?" tanong niya saakin, ngumiti naman ako at umiling-iling. "Hindi naman hehe, thank you sa pag salo" next  time naman puso ko saluhin mo ehe,  "Haha it's okay, I'm glad okay ka at hindi nasaktan" omg san pedro kunin mo na ko!!! Now na!!!

Grabe ang puti ng ngipin niya, pantay pantay pa. Anong toothpaste kaya gamit nito? Sobrang bango pa ng hininga..amoy mint hehehehe.

"By the way, ikaw si Louisa right?" biglang tanong niya saakin.

"Ah eh oo hehe" sagot ko habang naka titig sa kanya, bakit naman napaka gwapo niya?

"Baka naman malusaw ako sa kakatitig mo Hahaha" nagulat ako dahil doon at napa tingin sa ibang direksyon. "Ako? Naka titig sayo? Uy hindi ahhh!" depensa ko naman sa sarili ko.

"Medyo lang"  bulong ko sa sarili ko.

"May sinasabi ka?" tanong niya habang naka titig saakin, "Huh? Wala hehe" sabay kamot sa ulo. May kuto na ata ako bakit nangagati ulo ko!  "Hmm! Okay haha by the way, dito ka ba nag ta-trabaho?" tumango tango ako bilang sagot dahil speechless ang ferson mga beh!!

"Ang pogi mo noh!" Wala sa sariling usal ko, bigla ako napatakip sa mukha dahil sa pagka bigla, Gaga ka bakit mo sinabi yun? Nakaka hiyaaaa!!!!.

"Talaga? Pogi ako?haha" tanong niya saakin.

"Oo eh hehe ang pogi mo" sagot ko naman, "Staka ang ganda ng ngipin mo, pantay pantay ano sekreto mo?" tanong ko pa sa kanya, tumawa naman siya saakin at ginulo ng kaunti ang buhok ko.

"Ang cute mo" bigla na lang ako napa tulala sa sinabi niya, bumilis din tibok ng puso ko. Jusko San Pedro help!! "Hehe grabe ka naman" sabay hampas sa kanya ng mahina, syempre baka masaktan labidabs muaps muaps ko noh!!!  "Pero thank you" enebe geys kelme leng eke ehe.

Nag kukwentuhan pa kaming dalawa, kaso may sumulpot na kabute sa gedli at masama ang tingin saamin. Loh? Ano trip na naman nitong unggoy na ito at nireregla na naman ata?

"Hey dark" tinignan ko si zian habang lumalapit kay unggoy sabay tapik sa balikat nito, "What are you doing here" walang ganang tanong naman ni unggoy kay labidabs muaps muaps ko. "Why?bawal na ba ako dito?" balik na tanong ni zian, hindi naman nag salita kaagad si unggoy dahil dun. "Oo" sagot niya sabay walk out, tinignan naman ako ni zian at tumawa kaya naki tawa ka lang din ako.

Nag paalam na saakin si zian at sinabing pupunta na si luke dahil tuturuan niya pala ito, kasi naka sali pala si bulinggit sa Quiz bee. Shala talinong kupal ah!

Natapos ko na din ang pag lilinis at sobrang pagod na pagod na ako! Kanina pa din ako nagugutom. Kaya sa kusina na kaagad ako pumunta para maka kuha ng makakain.

"AY PUKINGINA" napa sigaw ako sa gulat dahil kay unggoy na nasa gilid ng ref at nyeta umiinom ng chuckie.

Naka kunot naman ang noo nito habang naka tingin saakin, "What?" tanong niya habang hawak parin yung chuckie sa kaliwang kamay at sa kanan naman ay combi.

"Gago bakit nandyan ka? Nakaka gulat ka ah" inis na usal ko sabay kuha ng pitsel para maka inom. "Wag mo ako minumura" sabi niya habang seryoso naka tingin saakin, napa samid naman ako at mabilis na nilapag ang baso. "Joke lang naman" sagot ko sabay ngiting abot tenga para maging effective ang aking ka plastican.

Inirapan naman ako nito sabay sipsip sa kanyang chuckie, "Isip baka ka din pala" usal ko tumingin naman siya saakin sabay lapag sa lamesa nung iniinom niya. "I'm not" tipid niyang sagot sabay alis sa harap ko, napa ngiti naman ako sa ideyang naisip ko.

Mabilis kong inagaw sa kanya yung chuckie at tumakbo sa kabilang side ng lamesa, galit naman itong napa lingon at sinundan ako pero tumakbo ako sa kabilang side para di niya mahuli.

"Give me that" utos niya saakin, pero matigas bungo ko. Imbes na ibigay binelatan ko lang siya "Nye Nye! Agawin mo saakin Chuckie boy" usal ko sabay taas sa ere nun. "I said give me that" umiling-iling naman at tumakbo ulit sa kabilang side para di niya mahuli.

Tuwang-tuwa ako habang hinahabol niya, gago siya nakaka ganti din ako sakanya. Ilang beses na siyang nag mumura in english words dahil gusto niya ay sosyal parin kahit mag mura.

"AHHHHHH" napa hiyaw ako dahil sa gulat, Guyss help nahuli ako ni tukmol!! "Do you think, hindi kita mahuhuli?" usal niya sabay agaw saakin nung Chuckie, akala ko matatapos na pero bigla niya akong kiniliti, "Hoyyy tama naaaa!!" usal ko habang tinutulak siya paalis sa tabi ko pero dahil sa kalikutan namin bigla akong nadulas at nawalan ng balanse.

Nagulat na lang ako sa sumunod na pangyayare, dahil nakita ko na lang ang sarili kong naka ibabaw sakanya at ang labi ay naka halik sa labi niya- wait ano?

POTEKKK YUNG FIRTS KISS KO!!! NAKUHA NG IBA...ISANG UNGGOY PA!!!!!

——thank you for reading——

Forda lutang ang aking utak ngayon kaya di ko sure kung tugma ba lahat ng nangyayare pero may goal kasi ako! Yes may goal kailangan ko matapos ito before the end of October so ayun hehehe

The Losing Mafia Boss Daughter (hiatus)Where stories live. Discover now