Louisa Pov
Nasa gilid lang ako katabi si criselta habang pinapanood na kumakain yung dalawa, si unggoy wala pa at wala akong pake kung bakit wala siya dito.
Kanina pa nag tatanong sina thilly kung bakit hindi pa bumababa ang kuya nila, hindi ako maka sagot dahil sa hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko.
"Diba pinuntahan mo kwarto ni Sir Darkuis?" napalingon ako sa aking gilid ng biglang may dwende este si criselta na bumubulong saakin. " Oo, pero wala naman sumasagot saakin kanina kaya di na ako nag abala tawagin siya ulit" palusot ko dahil ayoko ng ichika pa sa kanya nasapak ko si unggoy dahil baka ikalat niya pa.
Pero maya-maya may unggoy na nag mo-monkey bars ang bumaba charot! Hindi ata unggoy nakikita ko bumababa mas mukha pa siyang panda ngayon.
"What happen to your eyes kuya?" Takang tanong ni thilly sa kuya niyang unggoy na mukhang galit na galit gustong manakit. " I meet a amazona girl- no isang baliw" sagot niya sabay pasimpleng sumulyap saakin, nag kunwari ako walang narinig dahil kailangan mabuting tao ako.
Napansin kong tumingin saakin si thilly at luke sabay tingin sa isa't isa. "Oh really? I'm sure sobrang amazona nun" tinignan ko naman si luke ng masama, "Hoy grabe ka ah" depensa ko pero natawa silang dalawa, taena nadale nila ako dun ah? "Why ate louisa?" usal naman ni thilly tinignan ko siya pero naka ngiti lang saakin ang gaga. "Hindi naman diba?" epal naman ni luke kaya mas lalo lang ako na kawawa. Tinignan ko si criselta para humingi ng tulong pero nag pipigil siya ng tawa, one dot may babatukan ako labas kaluluwa dito.
"HA.HA.HA.HA kumain na nga kayo, masama yan lalayasan kayo ng grasya" pag iiba ko habang naka tingin kung saan saan. Narinig ko pang humagikgik yung dalawa pero hinayaan ko na dahil anak sila ng amo ko baka kapag di ko napigilan maka patay ako ng mga bata.
Gusto ko magalit, ilabas ang aking kapangyarihan at gawin silang mga kulangot..Charot!!!
"Oh by the way, louisa samahan mo ako sa school ulit" bigla na lang ako napangiti dahil sa sinabi niyang iyon. Sasama ako sa school niya ibig sabihin makikita ko si Ziandrie my loveeee!!!
"Sigeeee" tuwang tuwa kong sagot, napa tingin naman saakin si tukmol na may halong pag tataka. Tinasaan ko naman siya ng kilay sabay irap.. don't underestimate the things I can do~
Nandito na kami sa school, sinusundan ko lang si luke habang ang aking mga mata may hinahanap na Ziandrie.
"Louisa, did you hear what I'm saying?" nasaan na kaya yun? Ngayon na nga lang ulit ako naka punta dito tapos hindi ko naman siya makita! "Louisa, naririnig mo ba ako?" Bakit kaya wala pa siya? Teka baka naman nasa canteen nila hihihi "LOUISA!!!" napalingon ako sa kasama kong galit na galit gustong manakit na kumag.
Ngumiti ako sa kanya, "Hehehe may sinasabi ka?" tanong ko, mukha naman siyang matanda na sobrang stress sa kasamang bata. "Lumilipad na naman ang utak mo" nawala ngiti ko dahil sa sinabi niyang iyon. Napaka sama ng ugali mana sa kuya. "Sakit mo ah! Hindi ko naman kasi maintindihan sinasabi mo" pag papalusot ko kahit ang totoo wala naman ako narinig sa mga sinabi niya.
Umiling-iling siya sabay tingin saakin na para bang sinasabi niyang Wag mo ako utuin alam kong di ka nakikinig saakin look
Nag peace sign ako sabay ngiti para hindi na madagdagan stress ni lolo este luke saakin. Misan feeling ko tatanda ito kaagad dahil laging stress at negative sa buhay.
"Teka ano ba kasi sinasabi mo?" pag iiba ko ng eksena dahil wala na ako masabi point of view doon. Dami dami kasing eme ng author nito sarap batukan. "Hayss I said samahan mo ako sa faculty dahil pupunta ko si Mr. Jerez" kahit di ko kilala kung sino iyon tumango na lang ako. May choice pa ba ako kahit tumanggi ako? Wala diba?
Medyo malayo din nilakad namin papunta dun, Pak! Ang ganda dito pero mga teacher lang nandito. Nag lakad si luke kaya sinunda ko siya.. Hindi ko alam pero biglang nabuhay mga ugat, laman-loob at kung ano ano ko dahil sa lalakeng naka tayo habang may kausap na isang lalake.
Napalingon saamin ito kaya mas lalo nag liwanag ang aking paligid. Sheyt ngiti palang heaven na! "Luke, why are you here? May kailangan ka ba?" Usal niya habang sinasalubong kami. Omahhh yayakapin niya ba kami? O ako lang? Ay teka mabango ba ako? Hindi ba ako amoy pawis? Pasimple kong inamoy ang sarili ko at pak na pak napaka bango!
Nabigla ko ata si Ziandrie dahil sa bigla kong pag yakap, pag lingon ko kay luke naka tingin ito saakin na para bang sinasabing Anong kagagahan na naman ang pinag gagawa mo?
Bigla ako napalayo sa kanya at nag kunwaring walang nagawang kagagahan kagaya ng tingin saakin ni luke. "Why did you hug him?" bulong saakin ni luke kaya bumulong din ako sa kanya. "Na kedingding wayway lang" sagot ko naman sa kanya, pinag masdan lang niya ako at inirapan..Loh?
"Hahaha Louisa right?" napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya. WAHHH tanda niya pa ako!! Omg eto na ba start ng love story namin?? "Natatandaan mo pa pala ako hehe" sagot ko habang naka tingin sa kanya with matching ngiting abot hanggang langit. "Of course haha, I remember you " San pedro help kenat natatandaan niya daw ako. Omg kinikilig kipay ko este puso ko!
Naka titig lang ako sa kanya habang kinakausap si luke. Grabe kung nakaka lusaw lang nag pag titig kanina pa siya lusaw dahil saakin, bakit ang gwapo niya? Pano kaya siya ginawa ng mga magulang niya? At ganito kagwapo ang nagawa nilang nilalang.
"By the way, paano mo nakilala si Louisa" napalingon naman ako kay luke dahil sa bigla niyang pag banggit ng pangalan ko. "Haha naka bungguan ko siya before dito sa school" sagot naman ni Ziandrie habang naka ngiti sabay tingin saakin. Oh pukingina lusaw na lusaw na puso ko dahil sa kanya please help!
Tumingin naman saakin si luke na may na para bang sinasabi na Landi mo naman gaga kilig na kilig ah look. Pero hindi ko na yun pinansin baka kapag pinatulan ko ito sa harao ng future ko mawalan pa siya ng gana saakin.
"And she's so beautiful" nagulat ako dahil sa sinabi niyang iyon habang naka tingin saakin. Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko at feeling ko namumula na ako.
Totoo ba ito? Crush ko lang naman siya dati eh pero bakit parang nagugustuhan ko na siya??
——thank you for reading——
Note: Si luke po ay Grade 6 student yes po, ginawa ko lang talaga siyang matured na dahil sa wala trip ko bakit ba?
Ziandrie (se-yan-drey) yan ang pronounce Ng kanyang pangalan feel ko nasabi ko na pero uulitin ko dahil paepal ako.
YOU ARE READING
The Losing Mafia Boss Daughter (hiatus)
De TodoLouisa Villano, isang probinsyana na mapupunta sa maynila para sa mag trabaho, sa hindi inaasahang pangyayare makikilala niya si Darkuis Zamora isang masungit, suplado, na magiging kaaway niya sa loob ng mansion na pinag tatrabahuan niya. Ano mangya...