Louisa Pov
Ang sabi saakin ni mama, na ang first kiss dapat ibinibigay sa taong mahal mo at mamahalin mo habang buhay.
At yun ang gusto kong mangyare pero hindi sa lalakeng ito!!! Sa lalake na laging sinasaktan ang damdamin ko. At hindi ang nag palinis saakin ng malaking bodega at lahat ng cr sa mansion nila!
Mabilis akong tumayo at galit na tumingin sa kanya, "Yung firts kiss ko!!" Pag mamaktol ko na parang bata na inagawan ng candy. "What? Firts kiss mo?" tanong niya habang naka tingin saakin, galit akong lumapit sa kanya at sinampal . Wala na ako pake kung mawawalan ako ng trabaho yung firts kiss ko!!! Mahalaga saakin yun.
Tumawa naman ito ng mahina, kaya mas lalo akong nainis "Ako pala ang firts kiss mo?" pang aasar niya saakin. "Hindi, ayoko!!!" Hindi pwedeng siya ang first kiss ko!! Ayoko na sa unggoy lang napunta firts kiss ko! "Hahaha kahit ayaw mo, nasa akin na alfirts kiss mo" sabay tawa niya, "WALA AKONG PAKE" sigaw ko wa kanya.
Imbes na patulan ko siya, umalis na lang ako dun at nag lakad papunta sa kwarto namin ni criselta para umiyak. Pero naka bungguan ko si zian, ngumiti siya saakin pero hindi ko nasuklian iyon.
Nag mamadali akong umalis sa harap niya, tinawag niya pa pangalan ko pero hindi na ako sumagot. Pag dating ko sa kwarto namin humiga ako sa kama at doon binugbog ko yung unan na para bang si unggoy iyon.
"Bwiset kang unggoy ka!" Usal ko habang binubugbog yung unan, "Ang sarap mong balatan ng buhay at lagyan ng asin ang katawan" gigil na gigil na ako sa lalake na iyon, ang kapal pa ng mukha na sabihin napunta sa kanya firts kiss ko!
"KAHIT NA SAYO NA ANG FIRST KISS KO, HINDING HINDI NAMAN KITA MAGUGUSTUHAN" sigaw ko sabay bato ng unan pader, itaga nyo sa bato kahit kelan kahit kami na lang dalawa natitirang tao sa mundo, hinding hindi ako magkaka gusto sa unggoy na iyon!
Never, as in kung siya na lang magugustuhan ko. Mas gusto ko na lang magpakasal sa totoong unggoy!
"Louisa, puntahan mo sa kwarto si sir dark. Sabihin mo kakain na sila" utos saakin ni ate lucy, "Ahhh ate pwede si criselta na lang utasan mo?" Sagot ko naman sa kanya. Tinignan naman ako nito ng mabuti "bakit naman? Huwag mong sabihin na may naka limutan ka ulit sa kwarto nyo o di kaya ay nadudumi ka?" ayun na ang sinasabi ko, memorize na ni ate lucy mga palusot ko, hindi ito pwede! ) Kailangan may maisip akong bago.
Ngumiti ako sa kanya ng matamis sabay sabing "Pupuntahan ko ate si luke, may inuutos po kasi siya saakin" usal ko mag sasalita pa sana siya kaso umalis na ako at tumakbo papunta sa kwarto ni luke.
"What are you doing here?" gulat na tanong niya dahil sa biglaan kong pag pasok sa kwarto niya, "Dito muna ako luke hehe" sagot ko sabay upo sa kama niya. "Tinataguan mo parin si kuya" napa lingon naman ako sa kanya. Paano niya nalaman yun? "Right? It's been a week since iwasan mo si kuya" dagdag pa niya sa sinabi niya, hindi naman ako nakasagot dahil sa totoo naman iyon.
Simula nung mahalikan niya ako, Hindi na ako nagpakita o kaya lagi ako umiiwas sa kanya. At ang nakaka inis pa lagi ko siyang nakikita sa panaginip ko!!!!
"You know, sumama ka na lang sa school ko. Tutal andun naman si Kuya Zian" luh? Alam ba niyang may crush ako kay zian? "I know, you like him" nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niyang iyon, paano niya nalaman? "Hindi noh!" sagot ko naman sa kanya.
"Yes, you are" sabi niya
"Hindi nga!"
"Yes"
"Hindi"
"Yes"
"Hindi nga sabi"
"Baka naman si kuya gusto mo" nanlaki ang mata ko dahil dun at gusto kong masuka, like eww kadiri!
"Mas lalong hindi" sagot ko naman sa kanya, narinig ko pa itong tumawa "Edi si Sir Ziandrie nga" tumango naman ako dahil sa alam kong hindi niya ako titigilan hangga't hindi ako umaamin.
Hindi na siya nag salita simula nun, humiga ako sa kama niya, habang hinihintay siya mag ayus ng sarili "Hoy luke" pag tawag ko sa kanya, "Yes?" huminga ako ng malalim bago ulit mag salita "Secret lang natin dalawa yun ah!" baka biglang masabi kay zian na crush ko siya tapos ayaw pala saakin ni zian, edi iiwasanan niya ako! Tapos mag tataka ako bakit di niya ako pinapansin. Tapos malalaman ko na lang ayaw niya pala saakin kaya iniwasan niya ako, gusto niya lang pala ay tropa tropa.
"Yes, don't worry" sagot niya, kaya naka hinga ako ng maluwag. "Wait maliligo lang ako" tumango naman ako sa kanya, pumunta na siya sa Cr kaya naiwan na ako mag isa sa kwarto niya.
Ngayon ko lang napansin na sobrang talino talaga ni Luke, ang daming libro sa kwarto niya at ang iba ay sobrang kapal. Like paano niya nababasa lahat ng ito? Kung ano yan...hindi ako papayag maging siya ayoko nga!
Napa lingon ako sa pinto ng bigla tumunog ito at mabilis nanlaki ang mata ko dahil nakita ko si unggoy na papasok sa kwarto ni luke..
Kaya naalerto ako at mabilis na tumakbo papunta sa ilalim ng kama ni Luke, nauntog pa ako dahil sa pag mamadali. Pero okay lang yan basta ang mahalaga HINDI KO MAKIKITA SI UNGGOY!!!!!
Sa ilalim, nakikita kong nag lalakad siya papasok sa kwarto ni luke "Damn, where is she!" rinig kong sabi niya habang nililibot ang kwarto ni luke.
"Hey, bakit nandito ka sa kwarto ko?" Narinig kong boses ni luke, pag silip ko naka uniform na ito at basang basa parin nag buhok.
"Manang lucy, told me na pumunta siya dito" sabi naman ni unggoy, luh? Sino naman kaya? Ako ba? Bakit naman niya ako hinahanap? "Yes, she was here kanina pero I don't know kung where na siya now" sagot naman ni luke in conyo way. "Did you know, kung nasaan siya?" tanong ulit ni unggoy, bakit ba tinatanong ako nitong si unggoy ha! "I don't know, nandyan lang siya kanina" sagot naman ni luke.
Ilang minutong katahimikan bago nag salita ulit si unggoy. "Damn, where she was going" medyo nagagalit na siya pero wala akong pake, bakit ba kailangan niya akong hanapin ha! "Wait, bakit mo ba hinahanap" tanong naman ni luke, dahil curious ako sa sagot niya nakinig din ako "It's none of your business" luh? may negosyo pa ba kapag gusto malaman ang sagot? Grabe naman pala itong unggoy na ito.
"Pwede ka na lumabas, wala na si kuya" nabalik ako sa realidad ng mag salita si luke, sinilip ko kung totoo ba at wala nga "Hindi mo lang iniiwasan si kuya, tinataguan mo din" Yun lang ang sinabi niya pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto niya, kung alam niya lang na yung kuya niyang unggoy kinuha ang firts kiss ko.
"Oh Louisa, saan ka nanggaling? Kanina ka pa hinahanap ni sir dark" bungad ni ate lucy saakin, pumunta ako dito sa kusina dahil sure akong nasa dining table ang unggoy at kumakain kasama sina luke at thilly.
"Sa kwarto po ni Luke, may inutos po kasi siya saakin" sagot ko dahil totoo naman, maliban sa wala naman inutos talaga saakin eh nag tago pa ako dun. "Pero sabi ni Sir dark wala ka daw dun nung pumunta siya" yun ang sinabi ni luke sa kanya "At isa pa, napapansin ko madalas kang nag tatago o pinapasa ang utos kapag tungkol kay Sir dark. May nangyare ba?" Sabi na eh, may makaka pansin talaga pero wala na akong pake ayoko makita o masulyapan manlang ang unggoy na iyon.
"Ayoko lang po siya makita" ikaw ba naman mahalikan "At bakit naman ayaw mo ako makita?" Bigla akong nanigas sa kinakatayuan ko dahil sa boses na iyon. Kakasabi ko lang ayoko makita tapos ngayon nasa likuran ko na!!!
"Answer my question, Louisa"
——thank you for reading——

YOU ARE READING
The Losing Mafia Boss Daughter (hiatus)
DiversosLouisa Villano, isang probinsyana na mapupunta sa maynila para sa mag trabaho, sa hindi inaasahang pangyayare makikilala niya si Darkuis Zamora isang masungit, suplado, na magiging kaaway niya sa loob ng mansion na pinag tatrabahuan niya. Ano mangya...