Chapter 5

31 2 0
                                    

Louisa Pov

Naka tulala ako ngayon sa aking kama dahil sa mga nangyare kanina, grabe ka kasi self hampasin mo ba naman ng timba yung anak ng boss mo.

Eh! Diba kasalanan niya din? Pwede naman niya buksan yung ilaw bakit kailangan mag lakad siya sa dilim ayan tuloy nahampas ko siya, pero ahhhh!! Muntik na ako mawalan ng trabaho ha!

Siya din yung lalake na muntik ng maka bunggo saakin, Yung lalake nanlait saakin at yung lalake pinakyuhan ko!.

"Anak ako ng may-ari ng bahay na 'to" sagot niya na kinagulat ko, tumingin ako kay criselta at tumango tango naman siya saakin, so totoo?

"He's my son, Louisa" Sabi naman ni ser Franco, mas lalo ako nanghina dahil sa mga yun. Tumingin ako ng dahan-dahan kay Kupal este sa anak ng boss ko at ngumiti.

"S-Ser hehe sorry"  wala na ako masabing iba, pano na 'to? Mawawalan sigurado ako ng trabaho..mapapa uwi ako ng pampanga dahil sa kagagahan ginawa ko!

"Naging magalang ka bigla" sarcastic na usal nito sabay lapit saakin, "Kunin mo lahat ng gamit mo at umalis ka na" nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya, ayan nagka totoo hinala ko mawawalan na ako ng trabaho!!!!

"Tekaaa lang naman hindi ko naman sinasadya eh Malay ko ba staka bakit kasi papasok ka sa bahay na hindi binubuksan ang ilaw!"  Depensa ko dahil hindi ako pwede mawalan ng trabaho, kailangan ko toh!!!

"She's right kuya, kasalanan mo naman" sabat ni thilly at lumapit saamin, "Shut up" sagot naman ni sino ba ito? Sheyt basta si unggoy oo "Why? I'm just telling the truth and besides si daddy may karapatan magpa alis ng mga tao dito" resbak naman ni thilly, go beh kaya mo yan hindi ako pwede mawalan ng trabaho!

"Right daddy?" tanong niya kay ser franco, tumango naman ito kaya biglang nag muryot si unggoy, "What? Sinaktan niya ako" usal naman niya "Huy, mahiya ka naman hindi naging tayo. Kapal mo" napa ngunot naman ang noo niya saakin at parang nalito sa sinabi ko. Totoo naman eh paano ko siya sasaktan eh hindi naman naging kami parang tanga si unggoy.

"Ginagago mo ba ako" galit na tanong niya pero binelatan ko lang siya, akma susugod siya saakin pero nag salita si ser franco.

"Tumigil na kayo" yun lang at umakyat na ulit siya, tumingin naman saakin si thilly at kumindat sabay akyat sa taas ganun din si luke pero inirapan muna ako sarap dukutin ang mata.

"Hindi pa tayo tapos" lumingon ako sa kabilang side ng mag salita si unggoy, " walang tayo" sagot ko at lumapit kina ate lucy at criselta.

"Buti at hindi ka napa alis" napalingon ako kay criselta na naka higa at naka pikit ang Mata, na naginip ata 'to, bakit nag sasalita ng mag isa? "Ha? Sino kausap mo?" tanong ko naman sa kanya, para kasing sira bigla bigla nag sasalita.

"Ikaw syempre hahaha, ano ba kasi pumasok sa isip mo at hinampas mo ng ganun si Ser" tumawatang tanong nito saakin, bumangon siya at pumunta sa kama ko. Napa kamot naman ako sa ulo, "Akala ko kasi mag nanakaw eh" sagot ko sa kanya dahil yun ang totoo, mantakin mo papasok sa bahay dahan-dahan eh kahit sino pag kakamalan na mag nanakaw siya.

"Sino ba yun? Ang ibig kong sabihin ano pangalan niya?" Tanong ko habang naka tingin sa kanya, kanina ko pa gusto malaman kung ano ang pangalan ng unggoy na yun.

The Losing Mafia Boss Daughter (hiatus)Where stories live. Discover now