Louisa Pov
Ilang oras din ang biyahe mula Pampanga hanggang Maynila, pagka babae ko na amaze ako sa mga nakikita ko. Grabe eto pala ang maynila sobrang ganda akala mo nasa abroad lang ah!!!
"Hello po, along mercy si Louisa po ito nandito na po ako" usal ko mula sa kabilang linya
[Sige Louisa, susunduin na kita dyan para maihatid na kita sa papasukan mo] sagot naman niya,. pagka tapos ng konting usapan pinatay na din niya ang tawag.
At dahil medyo matatagalan pa si aling mercy sunduin ako, nag hanap hanap muna ako sa ng pwedeng pag kakainan.
At bingo!!! Kung sinuswerte ka nga naman naka kita ako ng nag titinda ng fishball sa kabilang kalsada kaya binuhat ko na ang maleta ko at pumunta doon, wala naman duma-daang sasakyan kaya tatawid na sana ako pero may malakas na busina ang sumalubong saakin at pag lingon mo may kotseng mabilis ang paandar na papunta saakin.
Dahil sa gulat napa upo na lang ako sa kalsada at tinakpan ng braso ko ang ulo ko, Lord naman bakit ganito? Ngayon palang nag uumpisa kwentong maynila ko patay agad? Mag babayad pa ako ng utang eh bakit agad agad kinukuha nyo na po ako?
Ilang segundo pa ako naka ganun ng bigla may narinig ako nag lalakad papunta sa kinaroroonan ko. "Tumayo ka dyan" narinig ko ang boses ng lalake, medyo malaki yung boses Niya..hindi kaya si kamatayan 'to? Sinusundo na ako? Ay bakit naman ang aga staka bakit siya? Wala bang iba?
"I said stand up" ay potek grabe nag e-english na si kamatayan ngayon? Hindi ako inform nag aaral din ba siya? Mygoshness so unavailability naman ito.
"Bakit ang aga mo naman manundo, kamatayan? Kakarating ko lang dito sa maynila eh" Wala bang hustisya para saakin? Kakatapak ko palang sa maynila patay agad, tapos hindi pa nga ako nakaka kain ng fishball eto sinusundo na ako napaka Unfairability naman ng earthbility.
"What? Are you insane? Anong kamatayan nasisiraan ka ba ng ulo?" Haluhhhh nagkamali ba ako? Kung hindi siya si kamatayan, Angel siya ganun? Eh bakit naman mapanlait itong anghel na ito hindi Kaya...demonyo siya??? Teka bakit naman yun ang susundo saakin? Dahil ba sa pagiging chismosa ko? Uyyy si carol yun hindi ako nadadamay lang ako sa gaga na yan.
"Loiusaaaa" teka si aling mercy ba iyon? Patay na din ba siya? Bakit niya ako tinatawag? Siya ba susundo saakin? Eh sino toh dada ng dada? "Louisa, ayus ka Lang ba? Muntik ka na masagasaan!" Nagulat na lang ako ng biglang hawakan ni aling mercy ang balikat ko at tinayo ako. Napatingin naman ako sa paligid medyo madami ang tao naka tingin at nanonood saamin wait buhay ba ako? Nilingon ko yung sasakyan at malayo saakin ito ng ilang pulgada...ibig sabihin.....
"BUHAY AKOOOO" masayang hiyaw ko at nag lulundag pa grabe kinabahan ako doon akala ko patay na ako whoaaa, "Along mercy, buhay ako woahhh Thank you Lord, I love you sobraaa po" usal ko sabay tingin sa langit, naka hinga ako ng maluwag doon.
"Louisa, ano ba pinag sasabi mo? Buhay ka naman talaga" suway saakin ni aling mercy, napa lingon naman ako sa gilid at doon ko nakita ang isang Lalake na Sobrang tangkad, Six footer siya parang basketball player. Napa lingon naman ito sa gawi ko, walang emosyon ang mukha niya at parang walang pake sa mundo.
"Buhay ka naman pala, Here take this" usal Niya sabay abot saakin ng madaming pera nanlaki naman ang mata ko dahil doon, ngayon lang ako naka kita ng ganun karaming pera, "Eto naman ang gusto mo diba? Boduse nyo kunwari mag papasagasa para maka kuha ng pera, eto sayong sayo saksak mo sa baga mo, Mukhang pera" nag pantig ang tenga ko dahil sa sinabi niya, anong boduse? Tapos mukha pang pera!!!
"Hoy lalake, ang kapal naman ng mukha mo para sabihin saakin yan! Para sabihin ko sayo kaya nga ako nandito para makapag trabaho at hindi ko kailangan ng pera mo, may limang daan ako dito aanhi ko ang sayo" nanggagalati kong sabi sa kanya, ang kapal naman ng mukha niya, "Really? Alam ko na yan kunwari inaapi at ayaw ng pera pero gusto naman dagdagan, Here kasya na siguro ito pang tapal na buhay mo na muntik ng mawala. Dapat pala tinuloy ko na lang salot ka naman sa mundo" mas lalo ako naiinis dahil sa pinag sasabi niya, hindi ko na napigilan at sinuntok siya ng malakas rinig ko pa mahina niyang pag mumura at akmang susugurin ako ng humarang si aling mercy.
"Pasensya na, bago palang sa maynila itong anak ng kaibigan ko, hindi niya sinasadya ayus naman siya kaya sana wag mo na pag sabihin ng hindi maganda" ganyan nga aling mercy ipag tanggol mo ako!!! Bwiset na lalaki ito madapa sana siya o kaya mag tae ng isang linggo, "Tara na Louisa" Aya saakin ni aling mercy at tinulungan ako mag buhat ng mga gamit ko. Nilingon ko pa yung lalake ubod ng tangkad akala mo kapre naka tingin saakin ito ng masama, kaya ang ginawa ko syempre binelatan ko siya sabay pakyu ano akala niya saakin.
Nasa isang karenderya kami ni aling mercy at kasalukuyan akong kumakain, "Hindi ka ba nasaktan?" tanong niya saakin, ngumiti ako at umiling para sabihin hindi dahil puno ang bunganga ko ng pag kain.
"Mag iingat ka dito sa maynila, kabago bago mo Lang muntik ka pa mapa away o makulong" pangangaral saakin ni aling mercy, hahayaan ko siya kasi libre naman niya ito baka bawiin pa. "Sorry po" yun na lang masabi ko dahil sa pagkain parin naka focus ang utak, tenga at kaluluwa ko in short buong sistema ko.
Napanganga ako dahil sa laki ng bahay ay hindi masyon ba ito? Parang palasyo na ito sa sobrang laki ah!!!!
"Dito ka mag tatrabaho loiusa" napa lingon ako kay aling mercy ng sabihin niya Ito, grabe ilang araw kaya ako mag lilinis dito? Mukhang sala palang ng bahay na ito mag hapon na ah!!!
"Siya ba yung ipapasok mong kasambahay?" Napatingin ako sa babaeng medyo may katandaan ng nag bubukas ng gate para saamin, "Oo siya nga" sagot naman ni aling mercy, pinatuloy niya kami doon nag kukwentuhan sila ni aling mercy habang nag lalakad nasa likod lang ako at tamang pinag mamasdan lang ang paligid ng bahay na ito.
"Louisa, nakikinig ka ba?" Nagulat ako ng bigla akong tawagin ni aling mercy, kinakausap ba nila ako? "Po?" Tanong ko pabalik sa kanila, napa-iling na lang sila dalawa, sorry naman na mamangha pa dito eh.
Sinabi saakin ni Nanay Sol ang mga dapat at hindi ko dapat gawin, ang mga lilinisin ko at kung ano ano pa.
"Dito ang kwarto mo, kasama mo dito si criselta" usal niya, tinignan ko naman yung babae na kasama ko sa kwarto ngumiti ito saakin, "Ako si Criselta" pag papakilala niya saakin, ngumiti ako pabalik at nakipag kamay, "Louisa" sagot ko naman sa kanya.
"Oh siya maiiwan muna kita, Criselta ikaw na bahala sa kanya" sabi ni nanay sol at lumabas na ng kwarto, napa upo naman ako sa kama ko at nag alis ng sapatos. "Uy taga saan ka?" Biglang tanong saakin ni Criselta, mukha siyang mas bata saakin at medyo matangkad ako sa kanya. "Taga pampanga ako, ikaw ba?" Sagot ko naman sa kanya, "Nueva Ecija" sagot niya at doon na nag umpisa ang pag kukwentuhan namin.
At simula nga nun ako at si Criselta ay naging magkaibigan na.
-----------thank you for reading.
YOU ARE READING
The Losing Mafia Boss Daughter (hiatus)
RandomLouisa Villano, isang probinsyana na mapupunta sa maynila para sa mag trabaho, sa hindi inaasahang pangyayare makikilala niya si Darkuis Zamora isang masungit, suplado, na magiging kaaway niya sa loob ng mansion na pinag tatrabahuan niya. Ano mangya...