Vampire#1: Home

177 7 0
                                    

Mia PoV

"Katie-Girl!"

Tawag ko sa bestfriend ko. Nandito ako sa bahay nila kasi debut niya ngayon.

"O? Bakit Mia? May kailangan ka?" - sabi ni Katie nang makalapit siya sa akin.

"Ahh, kasi kailangan ko ng umuwi eh, madaling araw na kasi eh, baka hinahanap na ako ni mama" - paalam ko sa kanya.

"Hah? Dito ka na lang matulog, delikado pa naman diyan sa dadaanan mo" - alalang sabi sa akin ni Katie.

"Hindi pwede Katie-Girl, sabi ko kasi kay mama uuwi din ako, alam mo naman yun diba? Tsaka diyan lang sa kabilang Villa yung bahay namin, kaya please!" - sabi ko sa kanya.

Huminga muna siya ng malalim bago tumango. "Pero mag-iingat ka friend hah? Alam mo naman ngayon, wala nang Superman at Batman para i-rescue ka kung sakaling... alam mo na?!" - natatawang sabi ni Katie

Amputs!

"Hahaha! Loka ka! Sige na ba-bye, pakisabi na lang kila antie na uuwi na ako hah?!" - sabi ko, tsaka tumango naman siya.

Lumabas na ako ng gate nila at nagsimulang maglakad. Pero habang nagalalakad, ..

Let me introduce myself!!!

Here comes trouble!!!

Haha! Joke lang! K-Pop fan kasi ako! Hakhak. By the way ako nga pala si Mia Milka Villaflor. 18 years old na ako at second year college. Bussiness Management ang kinuha kong course kasi yun ang sinabi ni papa, may kompanya din kasi kami, tapos unica ija pa ako. Buti nga ayaw ni papa na i-arrange marriage ako. Naniniwala kasi siya sa truelove nung makilala niya si mama.

Ayiiiee~ enebe? Kinikilig ako sa lablyp ng magulang ko eh! HAha!

-__-

Sige enough na! Hmp.

Nakalabas na ako sa labas ng subdivision nila Katie, at naghintay ng kahit anong masasakyan.

.

.

.

.

.

.

.

Tic-Toc Tic-Toc

Takte! 30 minutes na akong naghihintay ng kahit taxi man lang! Psh. Sumigaw kaya ako?

Wag na uy! Baka mabulabog ko mga taong nahihimbing na kumakain--este natutulog pala. -__-

Tss. No choice maglalakad na lang ako, alas dos na pala ng umaga di ko man lang namamalayan. Tss.

Chineck ko yung phone ko para tawagan si mama na salubungin ako sa gate ng Villa, pero walanjong cellphone! Lowbat! Tss. Itapon ko na kaya?

Hindi pwede! Kahit pa itapon ko 'tong cellphone na 'to, wala pa ring magbabago na lowbat ako. Tss.

"Waaah! Ang lameg!" - sabi ko habang hawak hawak ang magkabilang braso para maibsan ang lamig.

Patuloy ako sa paglalakad ng may naramdaman akong parang may sumusunod sa akin. Napalunok ako ng lihim bago lumingon sa likod ko. Pero paglingon ko wala namang sumusunod sa akin.

"Baka paranoid lang ako!" - bulong ko sa sarili. At nagpatuloy ako sa paglalakad.

Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng kaluskos ng paa sa likod ko, kaya marahas akong lumingon sa likod ko.

Medyo malayo pa kasi yung Villa namin eh. Nakakainis hah! Hahambulasin ko yung nilalang na sumusunod sa akin eh.

Hindi pa naman ako marunong sa mga martial arts, at mga ninja moves eh!

Eh kung patamaan ko kaya siya ng hame hame wave ko? Tama! Haha!

Pero naisip ko? Hindi ko pala kaya, tss. Hindi naman ako saiyan eh! Tss. Paturo na lang ako kay Gohan ng mala Jackie Chan moves niya!

Tama!

*tango *tango

Lumingon-lingon ako sa paligid ko, hanggang sa dumako ang paningin ko sa isang lalaking mabilis na papalapit sa akin, kaya hindi ako nagdalawang isip na tumakbo.

Buti na lang naka-flat shoes ako para mas mabilis na tumakbo.

Hindi ko alam kung saan na ako pinadpad ng mga paa ko, pero hindi ko iyon iniisip kasi mabilis ang tibok ng puso ko sa kaba.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa tumigil na ako dahil sa pagod. Lumingon ulit ako sa paligid kung nakasunod siya pero wala na siya.

Tumingin ulit ako sa wrist watch ko. Good thing dahil maliwanag ang sinag ng buwan ngayon.

"2:30 pa lang pala ng umag--takte!" - sabi ko, ng maisip ko na madaling araw pala.

"Baka naman hindi masamang tao yun, baka nag-jo-jogging lang!" - sabi ko sa sarili, hindi naman kasi malabo na may nag-jo-jogging sa gantong oras.

"Aish! Ang bobo mo talaga Mia! Haist! Maka-uwi na nga lang!" - sabi ko.

Pero natigilan ako sa paglalakad ng nilibot ko ang paningin ko kung nasaan na ako.

"Walanjo!"

-__-

Sino bang nang-imbento sa salitang paranoid? Swear! Ipapabungkal ko bangkay niya tapos ililibing ko ulit sa pinaka-malalim na parte ng dagat sa buong mundo! Tss.

-__- sana pala natulog na lang ako sa bahay nila Katie, sana nag-hihilik na ako ngayon! Waaah! Anong gagawin ko? Huhuhu!

Takteng paranoid naman kasi oh!

Talaga namang sinisi pa ang paranoid?

Heh! Imbis na tumulong tong konsensyang malupit eh kinokonsensya pa ako!

-__-

I forgot konsensya nga pala! Tss.

-__-

Sige tawa pa! Haha! Tss.

Gusto ko nang umuwi! Pero ang tanong?


Saan ako magsisimulang maglakad? Waaaaah! Heeelpp!

My Vampire HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon