Mia PoV
-
One week na ang naka-lipas simula nung time na nagutom ako. One week na din ang nakalipas na si McKnight ang nagbibigay ng pagkain ko. Sabi ko sa kanya sabihin na lang niya sakin kung ano ba yung iniinom ko, pero sabi niya siya na bahala. Kaya naman, gora na lang, paulit-ulit kong tinatanong, paulit-ulit din siyang tumatanggi, anong magagawa ko?
Parang pagkain ko na rin kasi yung iniinom kong yun.
Isang linggo na ding nag-aalala sina mama, kapag kasi kakain ako dito sa kwarto, pero yung pagkain ko tinatapon ko lang kapag wala dito sa bahay sina mama't papa. Tss.
Sa buong linggo lagi kong nakakasama si McKnight. Lagi nga akong napapa-away dahil sa kaniya eh. Pero siya naman 'tong tagapag-tanggol ko. Si Katie, wala pa, bukas pa uuwi ang bruha. ^__^
Sa isang linggong nakakasama ko si McKnight, hindi ko maitatangging nagkakagusto na ako sa kaniya. I like him na nga eh. Haha! Baka mamaya I love him na.
Potek! Landi ko na ba?
-__-
Aww! Gabi na pero hindi ako makatulog. Why o why? Tss. Kanina pa ako hikab ng hikab, pero kapag susubukan kong matulog ayaw naman.
Ilang beses na din akong nagpagulong-gulong dito sa kama.
Wala talaga.
-__-
Naiinis na ako ah! Haist. Maka-labas nga muna. Tulog naman na sina mama, kaya gora kong gumala ngayong gabi. Feel ko lang lumabas, haha!
.
.
.
.
.
.
Kalalabas ko lang ng bahay ng bumungad sa akin ang malamig na hangin. Buti na lang nag-suot ako ng jacket.
Saan naman ako pupunta? Dapat yung safe para masaya! Hehe
Saan nga ba?
Oh! 7-11? Not bad, since malapit yun sa labas ng Villa. 8:30 pa lang naman ng gabi eh.
.
.
.
.
Natatanaw ko na si pareng 7/11, na wala man lang balak matulog. Tss. Kawawang pareng 7/11, wala man leav--?
Eh?
Si McDona--este--si McKnight ba yun? May kasama siyang babae. Close ba sila?
Napakunot noo ako at natigilan ako sa paglalakad sa nakita ko.
Siguro girlfriend niya yun. Hindi ko alam pero parang may kumirot dito sa puso ko at bigla na lang akong nainis sa kanilang dalawa.
Abno na ba talaga ako?
-__-
Matagal na ata eh! Haha!
Nag-kibit balikat na lang ak--
"Mia?"
Natigilan ako ng tawagin ako ni McDona--este McKnight. Nasa kabilang side kasi sila ng road.
"O?" Cold na sabi ko, naiinis kasi ako sa kasama niya eh.
"What are you doing here? You know how dangerous in this kind of place, right?" Sabi ni McKnight sa akin ng makalapit silang dalawa sa kinatatayuan ko.