Mia PoV
Nagising ako dahil may naramdaman akong humalik sa noo ko. "Finally your awake." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni McKnight.
Hindi ako nagsalita dahil naaalala ko na siya pala ang lumigtas sa akin kanina. Gusto ko siyang pasalamatan pero hindi ko kaya. Masakit pa rin yung mga nakita ko kanina. "Ano bang pumasok sa utak mo at naisipan mong tumakas ng mansyon?" Tanong niya.
Tiningnan ko siya ng cold. "Kasalanan mo naman eh" cold na sabi ko. "What?" Gulat na tanong niya. Tss.
"O? Nasaan babae mo?" Matabang na tanong ko sa kaniya, bago umiwas ng tingin. Alam kong binabasa niya pag-iisip ko. Dahil may ganung abilidad ang mga bampira. Alam kong isip bata ako, pero hindi naman ako bobo.
-__-
"Ano bang pinagsasabi mo?" McKnight
Maang-maangan? Di na uso yan. Huli na nga di pa mag-sorry. Aish!
"hindi mo alam? Talagang hindi mo alam?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa bintana sa kabila. "Oo." Tipid na sabi niya.
"Huh! Pwes sasabihin ko sayo para maalala mo. Kanina iniwan mo ako sa kwarto...."
"Dahil nagpapahinga ka.." putol niya sa akin.
"Oo dahil nagpapahinga ako, pagkagising ko wala ka sa kwarto, kaya hindi ako lumabas kahit nababagot na ako, hanggang sa nagutom ako kaya naisipan kong ako na lang ang kukuha ng pagkain para sa akin. Pero sa kamalas-malasan nga naman ay naligaw ako sa laki ng mansyon niyo. Kaya naisipan kong maglibot muna, pabalik na ako sa kwartong tinulugan ko, pero napadaan ako sa isang kwartong hindi nakasara. Naisip ko na baka may tao doon kaya sumilip ako....."
Tumigil ako saglit para huminga, parang hindi ko kayang ituloy.
"And then? What happened next? That's all?" Tanong niya.
Atat ka McKnight? Tss.
"Anong 'that's all' ka diyan hindi pa ako tapos noh! Hmp!" Sabi ko sabay irap sa kaniya.
"Then continue....."
Huminga ako ng malalim bago itinuloy ang kwento.."pagkasilip ko, nakita kita...."
"Nakita mo ako? Bakit hindi mo ako tinawag?"
-__-
Kanina pa 'to ah! Siya na kaya magkwento. Tss. "Pero may kasama ka, babae. Tss. Okay lang sana sa akin na nag-uusap lang kayo pero, hindi. Nakita ko kayong naka-hubad pareho na nakahiga sa kama. Kaya wala akong magawa kundi tumakbo palabas ng mansyon kahit na ilang beses na akong naligaw. May pa I love you, I love you ka pa diyan! May kabit ka na pala! Hmp." Sabi ko. Tss. -__-