Mia PoV
*yawn
Kanina pa ako nakatunganga sa bintana ng kwartong tinulugan ko. Balak ko sanang lumabas, pero kapag naiisip kong nga bampira ang makakasalamuha ko, napapa-atras ang mga paa ko. Tss.
"Aish." Sabi ko, at pabagsak na humiga sa kama. "Ano nang gagawin ko?" Tanong ko sa sarili, at ginulo-gulo ang buhok ko.
*kruu~ *kruu~
-__-
Tss. Bakit ngayon pa ako nagutom?
Naglakad ako papuntang pintuan para lumabas at kumain, pero nagdadalawang isip ako. -__-
Kayo ba hindi matatakot kapag may makasamang kang hindi mo aakalaing makakasama mo? Tss.
-__-
*kruu *kruu~
-__-
Hindi ko na talaga kaya, nagugutom na ako, huhuhu! Hmp!
"Aish! Bahala na nga!" Sabi ko at pinihit ang door knob. Pagkalabas ko, tumambad sa harapan ko ang napaka-rangyang kagamitan sa loob ng bahay—NO! Mansyon! Oo tama!
Napa-nganga ako sa ganda, nakakamangha ang mga kagamitan dito, pati mga litrato, may mga statue din sila ng iba't-ibang hayop. ^__^ napatingin din ako sa kisame.
"Ang taas!" Sabi ko na may ngiti dahil sa ganda ne'tong mansyon na 'to. Haha!
Nililibot ko ang aking paningin habang naglalakad. Hindi ko na din maramdaman ang gutom ko, napapangiti na lang ako.
Napatingin ako sa harap ko, at....DEAD END! haha! Joke! I mean wala na, puro walls na lang ang nandito. Kaya bumalik ako sa nilakaran ko kanina, pero paglingon ko.
-__-
Hindi ko na alam kung saan ako maglalakad pabalik sa kwarto.
Jusko! Paano na 'to? Ganito ba kalawak at kalaki ang mansyon na 'to para maligaw ako? Hmp!
"Bahala na nga!" Sabi ko at nagsimulang ng maglakad. Napatigil ako sa paglalakad ng may nakita akong pintuan na nakabukas ng kaunti.
Lumapit ako sa isang pintong iyon. Nagbabakasakaling may pagtatanungan ako kung nasaan ang potek na kusina ng mansyon na 'to. Tss.
-__-
Binuksan ko ng kaunti ang pintuan at sumilip, ng tumambad sa akin ang isang babae at lalaking nakahiga sa kama. At sigurado akong wala silang saplot ng mga oras na 'to.
O_O
Hindi ko makita kung sino ang babaeng iyon, kasi nakadapa siya, pero ang lalaking kasama niya ay kilala ko.
Si Drei McKnight.
The hell?! Kasasabi niya lang na mahal niya ako, pero may ka make-out na siya? Pinagloloko niya ba ako?
Napaatras ako at mabilis na tumakbo sa kung saan mang pwedeng paglabasan ng mansyon na 'to.
Hindi ko alam, pero nasasaktan ako sa nakita ko. Humihikbi na din ako sa mga nangyari kanina. Kung saan-saan na ako pinadpad ng paa ko, hindi na din malinaw ang paningin ko dahil sa mga luhang lumalabas.
"Thank God!" Bulalas ko ng makita ko ang hagdan pababa. Kaya mabilis kong tinungo iyon, at tumakbo pababa diretso sa main door.
Nakahinga ako ng maluwag, dahil hindi naka-lock ang pinto, kaya walang kahirap-hirap akong tumakbo palabas.
Medyo madilim na, pero hindi ako dinalaw ng takot, dahil nasasaktan pa rin ako sa mga nakita ko. Hindi ko tinitingnan ang dinadaanan ko, dahil wala akong paki-alam, ang gusto ko lang ay makalayo sa lugar nila, at maka-uwi na ako. Gusto ko ng makita sina mama.