Vampire#11: His History Part#2

71 3 0
                                    

Den PoV

FLASHBACK

"Hahahaha! Ama! Ina! Tingnan niyo si Lucian oh! Gumulong sa lupa! Hahaha!" Tumatawang sambit ko, habang tinituro si Lucian na gumulong-gulong sa lupa.

"Hahaha-Ama ano yun?" Natigilan ako sa pagsasalita ng may naamoy akong kakaiba. Nandito kami sa kagubatan. Nakaugalian na ng pamilya ko ang pagpunta dito tuwing sasapit ang linggo.

"Mga anak! Dito kayo sa tabi ng ina niyo." Sigaw ni ama, kaya mabilis kaming yumakap kay ina. Nanginginig ang buong katawan ko ng mga oras na yun. Pagkalapit namin ay agad na umalis si ama.

"Mga anak, walang mangyayaring masama sa atin, kaya kalma lang hah?" Sambit ng aming ina habang mahigpit na nakayapak sa amin ni Lucian. "Ina natatakot ako" sabi ng kapatid ko habang nakayakap kay ina. Ramdam ko rin ang takot na nararamdaman ni Lucian, halos maiyak na nga ako eh.

"Wag kang matakot Lucian, alam mo bang kapag natatakot ka, natatakot din ang kambal mo?" Malambing na sambit ng aming ina. Napatunghay naman si Lucian at tumingala para makita ang mukha ni ina. "Talaga?" Di makapaniwalang tanong ni Lucian.

"Oo, kasi iisa kayo diba? Ikaw ang panganay Lucian kaya kailangan mong maging matapang para sa kapatid mo, at para sa amin ng ama niyo ha?" Nakangiting sambit ni ina. Pero ramdam kong may kakaibang ngiti iyon.

"ina, may naaamoy akong mabangong dugo" sabi ni Lucian habang inaamoy ang paligid. Pati ako naka-amoy na rin. At ang bango nga, sobrang nakakahakimuyak ang bango. "Mga anak......tumingin kayo sa akin mga anak, kahit anong mangyari magmahalan kayo, kapag nalaman ko lang na nag-aaway kayo at nag-iinggitan? Naku! Walang makakatanggap ng halik at yakap sa akin..." nakangiting sabi ng aming ina, pero ramdam namin na parang natatakot, na kinakabahan siya. "Oo naman ina! Mamahalin ko ang kapatid ko kahit anong mangyari!" Pinasigla ang boses ni Lucian para mawala ang pagaalinlangan sa mata ni Ina. "aasahan ko yan ha? Ipangako niyo din sa akin na mamahalin niyo kami ng ama niyo hah?" Dugtong pa niya.

"Oo naman! Kayo ang pinaka-mamahal kong magulang! At ikaw naman ang pinaka-mamahal kong kapatid!" Masiglang sabi ko at niyakap si Lucian. "Mga anak, kahit anong mangyari, walang makakakita, makakarinig, at makaka-amoy sa inyo sa panandaliang oras sa gagawin kong orasyon,"

"Ina? May problema ba? Bakit kailangan naming magtago?" Takang tanong ko pagkakalas ng yakap kay Lucian. "Hahanapin ko ang ama niyo" nakangiting sabi ng aming ina. nakita namin ni Lucian ang paglungkot ng mga mata ni Ina, kaya hindi na kami nagtanong pa. Sinimulan na ni ina ang orasyon niya.

Ilang sandali pa ay natapos na ang orasyon ng aming ina. At siyang pagdating naman ng aming ama na duguan.

Hindi namin mapigilang magutom ni Lucian dahil sa halimuyak na amoy ng dugo ni ama. "Hindi ko na kaya mahal ko, papatayin nila ang mga anak nati-ugh"

Nanlaki ang mata namin ni Lucian ng may sumugod na taong-lobo sa likod ng ama. Ginamit ni Ina ang kaniyang nalalaman para magaling ang ama, pero huli na at masyado ng mahina ang ama. Kaya sunod na lumaban ang aming ina. Sigaw kami ng sigaw ni Lucian, pero parang mistulang mga multo na lumalagpas sa katawan nila.
"Wala na kayong takas ng asawa mo, kita mo? Patay na siya at kayong pamilya niya ang isusunod namin." Rinig kong sabi ng taong-lobong pumatay kay ama.

"Ina! Huwag tumakas na tay--INA?!"
Pero kahit ilang beses pa kami sumigaw ni Lucian, wala pa ring saysay ang mga yun. Nanghina at nangdilim ang paningin ko. "K-kapatid ko, kailangan na nating umalis, sabi ng ina panangdaliang oras lamang ang binigay niyang orasyon" sabi sa akin ni Lucian.

"Hindi mahal kong kapatid, hindi ako aalis hangga't buhay pa ang hayop na yan!" Galit na hiyaw ko kay Lucian.

"Sa tingin mo ba kaya mo sila? Sa tingin mo ba maipaghihiganti natin ang mga magulang natin laban ang galit lang? Hindi pa katapusan ng mundo kapatid ko, nandito pa ako, nasasaktan at nagagalit din ako sa kanila pero wala na tayong magagawa, gusto ko man silang patayin lahat pero masyadong pa tayong mahina, sa tingin mo ba gagawin ni ina ang orasyon na yun, kung kaya naman nating makipaglaban? Kailangan na nating umalis" sigaw sa akin ni Lucian m, hawak ang kwelyo ng damit ko.

"Pero Lucian..."

"Ginawa iyon ni ina at ama para may mangalaga sa mga nasasakupan natin, huwag natin sayangin ang plano ni ina na mapaayos ang mundo natin, tandaan natin ito kapatid ko, babalik tayo sa lugar na 'to sa tamang panahon, at tayo naman ang lalaban sa kanila, ipaghihiganti natin ang magulang natin." Napatingin ako kay Lucian. Matalino ang kapatid ko pagdating sa mga ganitong bagay, mabilis niyang napapakalma ang sarili niya, kaya masaya akong naging kambal ko siya.

"Sa tingin ko nga kailangan na ating umalis sa lugar na 'to." Nakangiting sambit ko. Kaya bumalik kami ng kapatid ko sa kaharian namin, at nangako sa isa't-isang magkakasama kami sa paglaban para sa aming mga magulang...

END OF FLASHBACK

"Grabe pala nangyari sa kanila Den" nakita ko ang paglungkot sa mga mata ni Mia, ako rin nalulunkot sa mga nangyari. Parang kahapon lang nang mangyari ang nga yun. Hinding-hindi ko makakalimutan ang sinapit ng aming magulang.

"Sinabi mo bang mundo ang pinamununuan niyo ng kapatid mo?"

Tumango ako sa tanong ni Mia. "As in world? Earth? Pati pilipinas?" Natawa na lang ako sa reaksyon niya.

"Wala na tayo sa mundo niyo Mia, nasa ibang mundo na tayo. Isa 'tong Underworld Wife" sabi ko sa kaniya.

"Underworld? Nasa ilalim tayo ng lupa?" Takang tanong niya. Natawa na lang ako sa tanong niya, napaka-inosente talaga ng asawa ko.

"No wife, ang Underworld ay mundo ng mga katulad namin, katulad ng mga di mo inaasahang nilalang, pero ang Underworld na meron tayo ay paraiso wife." Nakangiting sambit ko kay Mia. Tumango-tango lang siya.

"Pansin ko lang hah? Parang nasa modern ka na. Ilang taon ka na ba?" Tanong niya.

"Im 405 years old."

"WHAT?! Seryoso?" Tanong niya. Kaya tumango ako.

"Pero di nga? Mukha kang 19 years old pa lang eh. Uhmm...maiba tayo. So paanong naging moderno na ang style mo? Ang pagkaka-alam ko makata ang mga katulad niyo" takang tanong niya.

Hayy, ano pa nga ba? Edi sabihin sa kaniya ang lahat. Ayaw kong may tinatagong sikreto sa mahal ko.

---

A/N : success men! Haha!


niCa_kOokie1500

My Vampire HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon