Mia PoV
*riiiing *riiiiing
"AAAAAAAHHHHHHH!"
Napa-balikwas ako ng bangon at napa-sigaw dahil sa alarm clock ko.
-__-
'Tong alarm clock na 'to, sarap sirain, aatakihin ako sa kaba dahil sa alarm clock na 'to eh! Aish!
*boooooogsshhh!
O_O
"ANAK NASAAN YUNG SUNOG?!"
-__-
Seriously?
"Papa! Walang sunog!" - sigaw ko kay papa. Sabay gulo-gulo ng buhok.
"Eh? Bakit ka sumisigaw?" - nag-aalalang tanong niya, habang papalapit dito sa kama.
Bakit nga ba ako nasigaw?
O_O
yung panaginip ko! Si Maximo! Yung simbahan, yung kasal! Anong nangyari?
"Papa! yung kasal! Si Sir Maximo, tapos simbahan, yung....yung...." - tarantang sabi ko kay papa, kinakabahan na naman ako.
"Anong kasal? Simbahan? Sino si Maximo?" - takang tanong ni papa.
"Hindi ko alam papa!!" - kinakabahang sigaw ko kay papa.
"Okay, calm down, baka nananaginip ka lang, hah?" - tanong ni papa sa akin.
Tiningnan ko siya diretso sa mata, at napaisip.
Baka nga? Pero....
"Baka nga po nananaginip lang ako, pero parang totoo papa eh, nakakatakot pa nga eh!" - paliwanag ko kay papa.
"Ano bang napanaginipan mo? At nagkakaganyan ka?" Tanong ni papa.
Kwinento ko kay papa ang nangyari, mula sa debut ni Katie, hanggang sa pagkawala ng malay ko. "Tapos pa,, hindi ko alam kung papaano ako naka-punta dito sa kwartong ito!" - dugtong ko kay papa.
"Ah, di mo naalala? Nakatulog ka sa sofa sa baba kanina, pero hindi naman itim ang suot mo, nakita ka namin na pawis na pawis kaya pinalitan ka ng mama mo ng pantulog" - paliwanag ni papa.
Mabilis kong tiningnan kung anong suot, at naka-pantulog nga ako.
-__-
Spell paranoid? M-I-A!! Tss.
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa paliwanag ni papa..
Akala ko pa naman totoo na yun, panaginip lang pala. "Kaya tahan na hah? Maligo ka na, 8:00 ang pasok mo, 7:00 na, bilisan mo para hindi ka ma-late!" - sabi ni papa at yumakap sa akin. "Yeah! Thanks pa!" - masayang tugon ko.
Lumabas na si papa at bumangon na rin ako.
"Hooh! Panaginip lang pala! Akala ko totoo na! Hehe!" - bulong ko sa sarili.
Pumasok na ako sa banyo at maliligo na sana, pero nahagip ko ang itsura ko sa salamin. Bakit parang....
.
.
.
.
.
.
.
Parang...
.