A/N: senxia na sa late update. :)
***
Mia PoVKasalukuyan akong nagbabasa sa library ng school, kasi lunch time sa midnight, wala pa kasi akong kaibigan dito eh. Aww! Sige! Ako na kawawa! Tss.
"Aish!"
Padabog kong binagsak ang librong hinabasa ko. Tungkol yun sa isang babaeng may ka-mukha, ewan ko nga din sa sarili ko kung bakit ako kinabahan.
"Hello"
"O my ghad!"
Bigla akong napahawak sa dibdib ko nang may bigla na lang na nagsalita sa mismong mukha ko, ang lapit kasi ng mukha niya nung magsalita siya. Paano ba 'to napunta rito? Hindi ko siya napansin.
"Hahaha! Sabi na eh magugulat kita! Ako nga pala si Shira" masayang sabi niya.
Imbis na mainis, ngumiti na lang ako kasi ang akala ko hindi na ako lalapitan ng mga estudiyante rito, lalo na't alam niyo na? Reyna ng mga Blood? Haha!
"Ako si Mi—"
"Alam ko. Tss. Kilala ka kaya sa Underworld" putol niya sa sasabihin ko.
"Ganun ba?" Medyo awkward na ang atmosphere kasi hindi ako maka-isip ng topic. Alangan namang kausapin ko siya, kung nababagot na siya sa akin. Ano ako FC? Wag na uy!
"I know you" biglang imik niya. Kung kanina jolly siya ngayon naging seryoso na mukha niya. Ewan ko pero kinabahan na naman ako.
"Literal! Kilala—"
"Ang ibig kong sabihin, alam kong nami-miss mo na ang pamilya mo. Gusto mo ba silang nakita?" Seryosong sabi niya.
Pamilya? Sila mama't papa? Makikita ko na? Waaah! Oo! Miss ko na sila sobra! Mulannung gabing inatake ako ng mga werewolves, hindi na ako naka-uwi pa. Pero paano? Anong daan ba ang dinadaanan nila? Baka magalit si Den. Hindi naman siguro dahil maiintindihan niya ako.
"Paano ko sila makikita?" Tanong ko. Baka mamaya gino-goya lang ako ni Shira eh.
Saglit na kumurba pataas ang dulo nang labi niya dahilan para kabahan ako.
"Akong bahala. Sumama ka sa akin" sabi niya.
"T-teka! Magpapa-alam lang ako ng Den!" Kinakabahang sabi ko kasi bigla na lang jimya ako hinila palabas.
"Saglit ka lang naman eh. Hindi ka naman magtatagal" sabi niya.
Nag-aalinlangan man, hindi na ako nanlaban pa. Pamilya ko na ang makikita ko, wala ng urungan 'to. Sorry Den, magpapaliwanag ako kapag naka-uwi na ako galing sa mga mundo ng mga tao. Pangako yan.
***
A/N: sorry sa short update. Third week ng classes ngayon eh kaya madaming aasikasuhin lalo na't—ehem! Grade 10 na ako! Hahaha! Yehey SUCCESS!