Mia PoV
Uhmm. Napaka-interesting naman ang past nitong lalaking 'to. Talagang anak siya ng hari at reyna? Take note! Wizard ang nanay niya. Means may power siya na nahalo sa dugo niya, at nahalo din sa akin? Woah!
Tinatanong ko sa kaniya kung paano naging moderno ang isang katulad niya, samantalang sa mga pinapanood at binabasa ko na mga katulad nila eh purong makata.
"Sinubaybayan kita mula pagkabata mo hanggang sa maabot mo na ang tamang oras na 'to. Tumira ako sa mundo niyo ng labing walong taon mahal ko, habang naninirahan doon, marami akong nakasalamuha. Hanggang sa unti-unting nagbabago ang stylo ng pamumuhay ko."
Tumango-tango ako sa sinabi niya. So talagang naitakda na akong maikasal sa kaniya? Ganun? Bakit hindi ko alam? Aish!
"Pero bakit si Lucian hindi naman?" Takang tanong ko.
"Ni minsan hindi nilisan ng mahal kong kapatid ang mundo namin. Hinati ni ama ang pamumunuan namin. Sa kaniya sa Hilagang bahagi, samantalang ako naman sa Timog."
Ahh, okay. Ganun pala yun, hmmm.
"Anong nangyari sa first love mo?" Tanong ko habang nakaiwas ng tingin. Aba! Ikaw kaya magtanong sa asawa mo tungkol sa first love niya? Tss.
"Wala na"
Tumingin ako sa kaniya at nakita konv nakatungo na siya. Naguilty naman ako sa tinanong ko, at may side sa akin na nagseselos ako.
"Sorry kung tina—"
"Namatay siya sa digmaan sa pagitan ng mga bampira at mga taong-lobo. Mas malakas ang kaharian ng kapatid ko kaysa sa akin, mas mahigpit ang seguridad ng kapatid ko kaysa sa akin, nasa demokrasya ang pamahalaan ko kaya madali nila kaming sinakop. Salamat sa kapatid ko at tinulungan niya ako, pero hindi ko nailigtas ang pinakamamahal ko."
Aww..pinakamamahal niya daw oh! Tss. Haler? Nagseselos kaya ako. Kahit na nakakalungkot ng sinapit ng minahal niya noon, hindi ko maiwasang hindi maging makasarili.
Kailangan talaga harap-harapan?
-__- ak pala nagatnong
Umiwas ako ng tingin dahil nangingilid na ang mga luha ko. Alam kong wala akong karapatang magselos sa minahal niya noon, pero iba kasi eh.
Kung pwede lang isagaw ng harap-harapan na nag-seselos ako, kanina ko pa ginawa nung kinu-kwento niya sa akin ang babaeng unang nagpatibok sa puso niya.
"Ang saya-saya namin noon, ginawa ko lahat ng gusto niya para sa kaniya, nagmahalan kami ng totoo. Pero ang mga walang-awang mga taong-lobo. Kinuha nila sa akin ang mahal ko, kung may magagawa lang sana ako nung mga panahon na yun, eh di sana masaya na kami hanggang ngayon..." rinig kong sabi niya.
Shutanginamels! Ang sakit dito oh, sa puso ko na sinasabi niyang nagmamahalan sila ni Narashamin kaysa sa akin. Parang pinapa-mukha niya sa akin na walang-wala ako kay Narashamin, na kailanma'y hindi ko siya kayang pantayan.
"Pasensya na kung puputulin ko ang kwento tungkol sa nakaraan mo, pero pwede ba? Huwag mo namang ipamukha sa akin na parang hindi ko siya kayang pantayan. Na hindi kita kayang mahalin katulad niya." Sabi ko habang umiiyak. Wala eh! Hindi ko na kaya, kusa ng tumulo ang mga luha ko.
"Pasensya na kung nasabi ko ang mga yun, hindi ko nais na ipamukha sayo ang mga yun" sabi niya.
"yeah. Alam ko na hindi mo intensiyon yun. Pero dito oh…" sabi ko sabay turo sa puso ko. "Masakit. Alam kong hindi mo nais yun, pero iba ang dating sa akin." Dugtong ko.
"Wife. Im sorry. Hindi na mauulit, alam kong nasaktan kita dahil nasabi ko ang mga yun, pero sana isipin mo na nakaraan ko na siya, at gugugulin ko ang natitirang oras ko kasama ka wife." Sabi niya sabay yakap sa akin.
O-my-goddes-of-war! Lahat ng hinanakit ko, biglang nawala dahil sa sinabi niya. Walang duda! Mahal ko na siya. ^__^
Ang puso ko! Nagwawala na!
"Hindi kaya minahal mo lang ako dahil sa kamukha ko siya? Hindi kaya minahal mo lang ako dahil naaalala mo ako sa kaniya? Kung minahal mo lang ako dahil sa mga yan. Pwes! Tigilan mo na ako Den. Nasasaktan ako na ang buong ako ang minahal mo, kundi ang itsura ko lang dahil sa naaalala mo ako kay Narashamin." Sabi ko at tiningnan ko siya ng cold pagkakalas namin ng yakap.
"Tamdaan mo 'to. Kaya kita pinakasalan dahil mahal kita. Mahal kita bilang isang Mia Milka Villaflor-Blood. Minahal kita dahil tinanggal mo ang galit dito sa puso ko sa mga nangyari sa nakaraan ko. Minahal kita bilang ikaw, ikaw, at ikaw lamang." Nakangiting sabi niya.
I feel satisfaction. Ako rin, minahal ko siya kahit na ang mga katulad niya ay ang mga dapat layuan, kamunghian. But my heart did an opposite.
"W-wife. Are you mad at me?" Gulat na tanong niya.
O_o
I have a plan. Haha!
*evil grin
"Yeah. So pwede ba? Magpapahinga na ak—"
*kruu *kruu
-__-
Potek na tiyan 'to oh! Tss.
"Like what I said. Kailangan ko ng magpahi—"
*kruu *kruu
-__-
Talaga naman. Tss.
"Really wife? I think you can't—"
"Oo na. Oo na. Tss. Nagugutom ako, nagugutom na ako." Hinimas-himas ko pa ang tiyan—eh?
O_O
Mabilis kong itinaas ang suot kong damit at tiningnan ang tiyan ko.
Eh?
walang bandage? Scars lang ang meron. Paano nangyari yun?
"Den?"
"Hmmm?"
"Uhmm, paanong..." tinuro ko ang tiyan ko, dahil shocked pa din ako.
"Ahh. Konti lang nainom mong dugo kaya meron pang scars yan. Anong problema? Gusto mo bang matanggal yan?"
-__-
Ang ibig kong sabihin ay paanong nawala yung mga sugat ko, at hanggang ngayon humihinga pa rin ako. Tss.
Hayaan na nga natin. Tss.
"Wife. You can't fool me around. I know what's your plan is. So stop playing around." Nakangising sabi niya.
"Aish." Sabi ko na naka-poker face.
-__-
Hindi pa nagsisimula mga plano ko, palpak na agad. Tss.
----
A/N: #MVHPerfectPlan? Nyahahahaha!
