Mia PoV
Isang linggo na ang nakakalipas simula nung pangyayaring kamuntikang pagkawala ng buhay ko. Buti na lang dumating si Mc—Den pala. Hehe!
Nandito ako ngayon sa bago kong school. Actually pang-gabi ang time ng pag-aaral namin. Naninibago nga ako eh, kayo ba naman mag-aral sa ganito noh?
Blood Academy II
Yan yung pangalan ng school namin. Yung Blood Academy I ay nandun sa kaharian ni Lucian.
"Siya yung bagong reyna ng mga Bloods!"
"Kailangan nating magbigay-galang sa kaniya"
Yan ang naririnig kong bulong-bulungan nila sa paligid ko habang naglalakad papunta sa room namin. Parang normal school din 'to kagaya dun sa mga ordinary people. Gabi nga lang yung schedule nila dito.
Nagulat na lang ako bigla nung lumuhod yung isang lalaki sa harap ko, sumunod naman yung iba. Habang ako parang na estatwa na sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari, kaya humakbang ako patalikod at tumakbo palayo sa kanila.
Ano bang pinasok ko? Ayt! Wala pala akong kasalanan dito. Tss.
Tumakbo ako ng mabilis papunta sa room namin. Hingal-hingal pa akong pumasok at mabilis na isinara ang pinto. Nakahinga ako ng malalim dahil nakapasok na ako sa wakas! Yes!
Pagharap ko sa mga ka-klase ko. At ganun na lang ang gulat ko nang nakaluhod sila sa harapan ko na naman?!
Huminga ako ng malalim at mabilis silang pinatayo. "Hindi pwede Lady Mia. Kailangan naming magbigay galang sa inyo, kung hindi baka kami ang maparusahan" sambit nung isa.
"Sige na please! Ako na bahala kay Den, traruhin niyo na lang akong isang ordinaryong estudyante." Nakapout sa sambit ko.
Mukhang nakumbinsi ko naman yung nagsalita kanina kasi siya na mismo ang nag-utos na tumayo sila sa pagkakaluhod at umupo ng maayos.
"Ako nga pala si Leonardo, ako ang pangulo sa silid na ito" sabi niya.
Ahh..kaya pala. Ngumiti na lang ako sa kaniya kasi alam naman na nila pangalan ko.
Umupo na ako sa pinaka-dulo na upuan kasi yun na lang ang bakante.
****
Ewan ko kung anong pwedeng itawag sa oras na 'to. Lunch time? Err..hindi pwede, hating gabi ngayon eh. Tss.
Bahala na nga!
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso ako papunta sa library. Wala naman akong kaibigan dito.
Speaking of kaibigan. Kamusta na kaya si Katie-girl? Kamusta na rin kaya sina mama? Kumikita parin ba si pareng 7/11?
Miss ko na sila sobra! Dalawin ko kaya sila?
-_-
Hindi ko pala alam kung paano makaka-alis sa underworld na 'to. Ai—
Eh?
"Ako nga pala si Elidia"
May tumabi sa aking napakagandang babae at nagpapakilala sa akin ngayon din! Nyahaha..
"Mia" sambit ko na nakangiti.
"Nakita kasi kita dito na parang problemado. May problema ba?" Tanong niya.
Eh? Sabihin ko ba? Aish! Wala naman akong kaibigan dito eh. Sige na nga!
"Na-mi-miss ko na kasi sina mama at papa eh"
***
Someone's PoV
"Sigurado ka bang magagawa ni Elidia yun?"
Tanong sa akin ng isa kong alalay.
"Nagdududa ka ba sa kakayahan niya? Saka mukhang madali lang natin mapapatay ang mga asawa ng dalawang Blood na yun!" Sabi naman nung isa.
Tahimik lang akong nagmamasid sa mga kasamahan ko dito. Plano namin sa mga asawa ng mga Blood ay patayin.
Ang ama ng mga Blood na yun ang dahilan kung bakit kami naghihirap ngayon. Gusto namin iparamdama sa magkapatid na Blood na yun kung paano mawalan ng minamahal sa buhay. Nasimulan na namin sa mga magulang nila. Isusunod naman namin ang sarili nilang pamilya.
"Narashamin, ano pa bang sunod nating plano?"
Napatingin ako sa isang kasamahan ko. "Patayin natin ang may replica ng mukha ko" sambit ko.
Ako si Narashamin.