Mia PoV
Parang isa akong zombie na naliligaw na naglalakad sa kalsada. Tss. Paano kasi nalaman kong kasal na si McDona--este--McKnight pala! Nakaka-inis kahit sa isang linggong pinagsamahan namin, nagka-gusto ako sa kanya.
Waaaah! Naiiyak na naman ako.
"MIIAAAAAA!"
Oh oh! My living mega phone friend is comi---
*blag
"Aww!" Daing ko nang matumba kami.
Paano kasi eh, dambahin ba daw ako ng yakap. Tss. Wala na nga ako sa mood, hihirit pa 'to. Pektusan ko kaya?
-__-
"Haha! Good morning friend!" Masiglang sabi niya, tsaka tumayo at sabay na naglakad.
"Ano namang maganda sa umaga?" Pagtataray ko.
"Ay! Taray mo friend! Period mo ba? Patingin naman ng napkin mo kung parehas tayo, dahil kung magkaiba tayo gaga
yahin ko yung say--ARAY KO NAMAN!"
-__-
Sabihin ba namang gagayahin niya napkin ko? Aish! Mega Saltik na talaga 'to! Tss.
"Bakit mo ako binatukan?" Reklamo niya, habang himas-himas niya batok niya.
"Manahimik ka! Baka gusto mo isa pa!" Banta ko sa kanya.
"Sama mo! Sabihin mo na! Alam ko kung bakit ka nagkakaganyan, aminin mo na kasi, diba truefriend tayo?" Sabi niya na naka-pout.
O_O
Alam niya kayang broken hearted ako? Waaah! Ayaw kong sabihin sa kaniya, living mega phone pa naman 'to.
"Sabihin ang alin?" Try kong nagsusungit para di niya malaman.
"Alam ko na! Wag kang magsinungaling!" Sabi niya na naka-pout.
"Alam mo na?" Gulat na sabi ko.
"Oo alam ko na! Alam kong may period ka ngayon, kaya nga nagsusungit ka dib--AWW! kanina batok ngayon pitik na! Anong susunod? Sampal nama--mmmmm!" Tinakpan ko yung mala-machine gun niyang bunganga, at kinaladkad papunta ng room. Grabe talaga 'to. Kung nakakamatay lang ang pag-kamadaldal, kanina pa 'to most wanted. Aish!
Akala ko pa naman alam na niya, tss. Hindi sa wala akong tiwala dito, pero minsan may saltik talaga 'to. Madaming alam na kalokohan. Ang dami na nga niyang biktima eh.
"Aadfghjk-mmmm! Hayyy!!"
Binitawan ko na siya nung makarating kami dito sa classroom. Kanina pa nag-iingay yan ang dami na ngang laway ng kamay ko eh. Eww!
"Ayos ka lang ba friend? Masama na ba ako?" Tanong ko habang nagpipigil ng tawa, pano kasi hinahagod ko yung kamay ko na nilawayan niya kanina sa likod niya. Nyahahaha!
"Oo! Tsaka style mo bulok Mia! Tanggalin mo nga yang kamay mo sa likod ko! Hmp!" Sabi niya sabay rampa papasok sa loob. Sumunod naman ako sa kanya at tumabi sa upuan niya. Hindi kasi kami magkatabi eh remember? Si McKnig--Nevermind.
"Friend! Sorry na! Please!" Sabi ko na teary eyed, at naka-pout, Haha! Hindi ako matitiis niyan mga readers!
Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.
"Tss. Oo na! Oo na! Okay na bati na tay--Omyghad!"
*Q* - itsura ni Katie
Kumunot naman noo ko sa reaksyon niya, hindi siya naka-tingin sa akin, naka-tingin siya sa bandang upuan ko.
