Vampire#2: Home part#2

156 4 0
                                    

Mia PoV

Kanina pa ako palakad-lakad pero iisa lang ang napupuntahan ko, alam niyo yung imbis na matakot ka eh, mas lalo kang nainis kasi imbis na sumisikat yung araw eh, lalong dumidilim?

My ghad! 2:30 pa rin ng madaling araw, pero parang hindi umaandar ang oras, pero umiikot naman yung kamay ng wrist watch ko! Hmp!

Kailangan ko ng makauwi kasi mag-mo-movie marathon ako ng anime! Tss. May bagong episode pa naman ng One Piece. Tss.

-__-

Isang ikot pa at talaga namang dito talaga ako sa simbahan na 'to laging natitigil. Ano bang meron diyan? Hindi naman ako natatakot sa mga simbahan kasi diba tirahan ng mga mabubuting tao? Wala naman sigurong masama kung pasukin ko 'to noh?

Hmm! Wala naman sigurong pari na hawak ang kanyang pugot na ulo noh? Dahil kung meron babatukan ko siya dahil hindi niya iniingatan ang ulo niya, tapos mananakot siya? Hmp!

Pumasok na ako sa gate ng simbahan. Sumipol ang malamig na hangin, dahilan para tumaas ang mga balahibo ko.

"Goosebumps" - bulong ko sa sarili.

Tuluyan na akong pumasok ng gate at naglakad papunta sa pintuan ng simbahan.

"Tao pooooooo?!Father? Gising pa po ba kayo?" - tanong ko habang kumakatok.

-__-

"Father? Yuhoo! Tao po! May tao po dito sa labas! Papasukin niyo po ako kasi kanina pa po ako nilalamig!" - sigaw ko, pero wala pa ring tao na bubukas ng pinto.

"YUHOO! MAY TAO PO BA SA SIMBAHANG ITO? KUNG MERON PAPASUKIN NIYO AKO! KANINA PA PO AKO NILALAMIG DITO! TAO PO! TAO PO!" - paulit-ulit na sigaw ko, pero wala pa ring bumubukas ng pinto.

-__-

Nilibot ko ang aking paningin sa paligid, sobrang tahimik, hindi naman masyadong madilim dahil sa liwanag ng buwan. Kaya ayos lang.

Anong ayos lang? Tss.

Ang tahimik naman dito, kung kaya kumanta ako ng pang-gising, hehe! Mala- Anne Cortis pa naman ang boses ko kaya wag ka! Haha

Kumakanta ako ng London Brigde habang lumulukso-lukso papunta sa gate para lumabas. Bakit anong mali sa kinakanta ko? Hah! Eh kapag kumanta ako ng Listen ni Beyonce eh baka bigla na lang gumuho itong lumang simbahan! Hmp!

Nakarating na ako sa gate ng....

"Bakit naka-lock na? Ni-lock ko ba 'to kanina?? Hindi naman ah! Wala nga akong hawak na padlock kanina eh!" - sabi ko sa sarili. Pinipilit kong buksan tong walanjong nakapadlock na gate na 'to pero ayaw talaga!

-__-

Umihip na naman ang hangin at tumaas na naman 'tong mga balahibo ko.

"Ano bang nangyayari? Nakaka-inis na hah! Nakatulog ba ako sa daan at nananaginip ako ngayon?" - tanong ko sa sarili, bago sinampal-sampal ng malalakas ang mga pisngi ko.

"Aray naman! Tss. Masakit pala masampal? --Teka! Hindi ako nananaginip? Means totoo 'to?"

Napalunok ako ng lihim dahil sa mga nangyayari, pilit kong tinatawag sina Natsu at Erza na favorite kong character na anime.

Wehehe!

-__- sige tawa pa!

Ngayon ko lang napagtanto kung anong klaseng lugar ito! Isa itong abandonadong simbahan. Waaaah! Ang tanga ko! Bakit ngayon ko lang nalaman? Nakakinis na ha! Natatakot na ako!

T^T

Waaah! Mama papa! Kapag namatay ako ngayon sa takot, tandaan niyo ako pa rin ang mumulto sa inyo! Waaah!

My Vampire HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon