Kasalukuyang nasa sala si Reyann at ginagamot nya ang mga natamong galos at pasa na natamo sa kinasangkutang rambol. Habang ginagamot ang sarili ay nakikinig si Reyann ng kantang 'sweet child of mine' na umaalingangaw sa kanyang stereo na ubod ng lakas, at sa lakas nito ay dinig na ata hanggang sa kabilang kanto. Para kay Reyann ay stress reliever na niya ang pakikinig ng maiingay na kanta, simula nang mamatay ang tatay niya ay sinanay niya ang sarili na makinig sa maiingay na kanta, ayaw niyang ilugmok ang sarili sa kalungkutan. Nagdecide rin si Reyann na magsarili na nang bahay dahil ayaw niyang masaksihan ang lungkot ng pagkawala ng kanilang padre de pamilya.
Sa kasarapan ng pakikinig ng kanta ni Reyann ay napukay ng mga malalakas na katok sa pintuan ang kanyang atensyon. Tumayo si Reyann upang pagbuksan ang tao sa labas.
Pagbukas ng pintuan ay bumungad kay Reyann ang isang gwapong nilalang na halatang badtrip dahil magkasalubong ang mga kilay nito.
"Baka gusto mong hinaan yang radyo mo, it's too annoying! Ang sakit sa tenga" Saad ng isang lalake pagbukas pa lang ng pintuan ni Reyann.
Nagsalubong din ang kilay ni Reyann dahil sa sinabi ng lalake, nayabangan sya sa pagsasalita nito. "Sino ka ba sa akala mo para utusan ako ha?" Maangas na tanong ni Reyann, sa tagal na niyang nagpapatugtog ng malakas ay ngayon lang may naglakas loob na magreklamo.
Nagsukatan ng tingin ang dalawa.
"Bago ka lang dito sa lugar namin no? Ngayon lang kita nakita rito at ngayon lang din may naglakas loob na magreklamo sa pagpapatugtog ko" Maangas paring wika ni Reyann, lumabas na ito ng kanyang bahay para mas maharap ang lalakeng nagrereklamo.
"Bagong lipat lang ako dito, and I'm expecting to have some peace of mind here" Napapikit ang lalake dahil sa inis. "But I'm wrong! Sobrang ingay! Kaya pwede ba? Pakihinaan yang radyo mo"
"Gusto mo ng tahimik?" Nakataas ang kilay na tanong ni Reyann.
"Damn! Ofcourse! Gusto kong magpahinga at matulog ng walang ABALA" Sagot ng lalake at idiniin pa ang salitang ABALA.
"Odi sana pala tumira ka sa bundok! Don siguradong tahimik, walang aabala sayo" Salubong ang kilay na saad ni Reyann.
"Sh*t! Hindi ka ba makaintindi ha?" Napipikong wika ng lalake. "Wait! I know you!"
Nagtaka si Reyann sa huling sinabi ng lalake, pero hindi sya nag-react, hinintay nya lang na muling magsalita ang lalake.
"Ikaw yung babaeng gangster na basta na lang pumasok sa kotse ko" Saad ng lalake.
Tinitigang maigi ni Reyann ang lalake.
"Tss. Stop looking me like that! It's too creepy!" Bulyaw ng lalake na hindi na matandaan ni Reyann ang pangalan.
"Arte mo! Sino ka nga ulit? Franco ba?" Kunot-noong tanong ni Reyann.
"It's Francis, not Franco!" Inis na sagot ni Francis.
"Payn! Payn! Francis na kung Francis" Wika ni Reyann.
"It's FINE, not PAYN" Pagtatama ni Francis sa english word na sinabi ni Reyann.
"Taena! Alam ko! Tingin mo sakin? Bobo? Uwi ka na nga english boy!" Tinalikuran na ni Reyann ang binata.
"Uuwi lang ako pag hininaan mo na yang radyo mo!" Seryosong saad ni Francis.
"Oo na hihinaan na! Lumayas ka na nga!" Pagtataboy ni Reyann kay Francis, hindi na nito hinintay na sumagot ang binata, padabog niyang isinara ang pintuan.
"Ang yabang ng mokong! Kala mo sinong magaling sa english! Matalino kaya ako!" Bubulong-bulong na wika ni Reyann habang naglalakad palapit sa stereo para hinaan ito, baka pag nagreklamo pa ulit ang inggleserong kapitbahay, hindi na sya makapagpigil at masuntok na nya ito.
BINABASA MO ANG
THE BOYISH AND THE PLAYBOY
RomanceSi Francis Tan, isang modelo at negosyante. At dahil gwapo, mayaman at hot si Francis, habulin sya ng mga babae, at dahil mabait sya, lahat ng babaeng lumalapit sa kanya ay pinapatulan nya, basta sexy at maganda, sa madaling salita, isang certified...