"Do you like it?" Tanong ni Francis kay Reyann. Tinutukoy nito ang T-shirt na pasalubong niya sa dalaga.
"Gustung-gusto" Malapad ang pagkakangiting sagot ni Reyann. Kulay black kasi ang kulay ng t-shirt na isa sa paborito niyang kulay, at nakalagay sa likurang parte ng damit ang pangalan nya. "Alam na alam mo na talaga ang favorite color ko"
"You're always wearing black shirts and sando, kaya naisip kong magugustuhan mo yan" Nakangiti naring sabi ni Francis.
"Eh yung white sand? May dala ka ba?" Nakangiti paring tanong ni Reyann.
Bahagyang nawala ang ngiti ni Francis, buong akala niya ay hindi na maaalala pa ni Reyann ang tungkol sa white sand ng boracay.
"Wala akong dala, nagbibiro ka lang naman ng sabihin mo yun di ba?" Alanganing ngumiti si Francis.
Umasim ang mukha ni Reyann pagkarinig sa sagot ni Francis, gusto talaga niyang makita ang white sand ng boracay, matagal na niyang gustong makapunta sa boracay pero di niya magawa dahil sa laki ng magagastos niya.
"Iyon na nga lang ang magpapa-experience sa'kin sa boracay di mo pa sineryoso" Matamlay na sabi ni Reyann.
"Hindi kapa ba nakakapunta ng boracay at talagang kailangan ko pang ipagdala ka ng buhangin?" Naiirita nang sabi ni Francis, isa sa pinaka ayaw niya ang paminsan-minsang pagiging isip bata ni Reyann.
"Magrerequest ba ako ng ganon kung nakapunta na'ko? Commonsense naman" Ani Reyann.
"What do you mean to say? Na wala akong commonsense? Eh ikaw anong tawag sa inaakto mo? You're acting like a kid!" Napabuga ng hangin si Francis. "Do you forgotten? Kilala ako ng marami, ano sa palagay mo ang iisipin nila kapag nakita akong nagsusupot ng buhangin dahil lang diyan sa childish instinct mo?"
"Wow! Edi Ikaw na ang sikat! Oo na ako na ang childish" Nagwalk-out si Reyann, hinayaan na lang ito ng binata upang hindi na humaba pa ang usapan.
Umuwi na lang si Francis sa sariling bahay, magsa-shower muna sya, sobrang init ng panahon dahil summer na.
*****
Pagbalik ni Reyann sa sala ay wala na si Francis, hindi na sana sya babalik sa sala matapos niyang magwalk-out sa naging sagutan nila ng binata, pero bigla niyang naalala ang bilin ni Mrs. Francia, ang Mama ni Francis, iniimbitahan sila nito na magdinner sa mansion mamayang gabi.
Kinailangan pang magpunta ni Reyann sa bahay ni Francis para masabi ang bilin ni Mrs. Francia, baka sumama ang loob nito kapag hindi nila pinagbigyan.
Hindi na nag-abala pang kumatok si Reyann, wala sa sala ang binata, tinignan nya sa kusina pero wala ito, umakyat sya sa second floor at tumuloy sa kwarto ni Francis, pumasok na sya sa kwarto ng hindi kumakatok, hindi nga sya nabigo, nadatnan nya sa kwarto ang binata.
"Pinapasabi nga pala ng mama mo-" Nahinto sa pagsasalita si Reyann ng bumungad sa kanyang paningin si Francis, wala itong damit pang itaas at tanging brief lang ang suot. Nanlaki ang mga ni Reyann, kitang-kita nya ang matipunong dibdib nito, napadako rin ang tingin ni Reyann sa bandang tiyan ng binata, at bumungad sa paningin nya ang 6 pack abs nito, bumaba pa ang tingin ni Reyann, at hindi na nya kinaya ang sumunod na bumungad sa kanyang paningin, bigla nalang syang napatalikod ng makita ang nakabukol sa likod ng suot na brief ng binata. "Ba't kaba nakahubad?!" Sigaw ni Reyann, doon lang naagaw ang atensyon ni Francis.
Halos mapatalon si Francis dahil sa gulat at agad hinablot ang tuwalya at ipinantakip sa kanyang katawan. "Hindi kaba marunong kumatok?!" Singhal nito.
"Malay ko ba na nakahubad ka!" Wika ni Reyann. "Hihintayin na lang kita sa baba" Halos patakbong umalis si Reyann sa kwarto ni Francis.
Nang makarating si Reyann sa sala ay pinagpapawisan ito, hindi sya sanay makakita ng hubad na katawan ng isang lalake.
BINABASA MO ANG
THE BOYISH AND THE PLAYBOY
RomanceSi Francis Tan, isang modelo at negosyante. At dahil gwapo, mayaman at hot si Francis, habulin sya ng mga babae, at dahil mabait sya, lahat ng babaeng lumalapit sa kanya ay pinapatulan nya, basta sexy at maganda, sa madaling salita, isang certified...