Dedicated to ChanRelLei
"Girls... Look" Sabi nang isang artistang babae sa mga kasama nito sa table at itinuro ang couple na kakapasok lamang sa entrance ng function hall sa Maharlika Hotel. "That's Francis and his girlfriend" Dagdag pa ng artistang si Erica.
"Oo nga girl, mas maganda pala in person ang girlfriend nya" Komento ng isa ring artista na si Mae. "Kainggit di'ba girls? She's so lucky for having Francis"
"Yeh right, swerte talaga, pinost pa talaga ni Francis ang sweet moments nila in his fb account, at yung caption.." Kinikilig na wika ni Erica. "Sobrang sweet"
"Francis have no choice, kumalat sa social media ang photos nila together, so para iwas issue ginawa niya yun, but I'm pretty sure na hindi talaga serious si Francis sa girl na yan" Protesta ng isa namang modelo na si Jessica.
"Ang bitter mo girl, hindi mo parin ba tanggap na hindi naging kayo ni Francis?" Tanong ni Mae.
"Misunderstanding lang ang nangyari samin, and I'm sure one of this days babalik sakin si Francis" Confident na sagot ni Jessica.
"Wow ha, confident ka talaga na babalikan kapa niya?" Nakangising tanong ni Erica.
"Ofcourse, he's mine. Only mine" Desperadang sagot ni Jessica.
*****
8:30 pm na nang makarating sa party sina Francis at Reyann, dumaan pa sila sa Salon kaya bahagyang na late sa party, marami nang tao ang nandoon ng makarating sila.
"Ang daming tao, nakakahiya" Ani Reyann at hinigpitan ang kapit niya sa braso ni Francis.
"Don't be shy, kasama mo naman ako, be confident" Alam ng binata na hindi sanay sa ganitong mga party si Reyann, kung kaya't pinapalakas nito ang loob ng dalaga. "Wala kang dapat ikahiya, you're so gorgeous and stunning tonight" Sinserong sabi ni Francis na siyang nagpapula sa mukha ni Reyann.
"Lakas mo rin mambola 'no?" Biro ni Reyann kahit na halata namang naapektuhan siya sa pagpuri sa kanya ng binata.
"I'm just telling the truth, sino ba naman ang mag-aakala na tibo ka pala sa ganda mong yan" Matamis ang pagkakangiting sabi ni Francis.
"Ewan ko sayo!" Napangiti narin si Reyann.
Bago maupo sa reserved table sin a Francis ay pinakilala muna nya si Reyann sa mga kakilala at kaibigan niya sa showbiz.
"Sobrang ganda talaga ng girlfriend mo Francis, pwedeng pwede siya sa showbiz" Nakangiting wika ng isang gay talent manager kay Francis.
"Hindi sya pwede sa showbiz mamu Showie, masyado siyang mahiyain" Nakangiting tugon ni Francis. "Tsaka di ko rin sya papayagan"
Nagtagal pa ng ilang minuto ang pakikipag kwentuhan ni Francis sa mga kakilala, nang makakuha ng tiyempo ay nagpaalam na siya dahil halata na sa mukha ni Reyann ang pagkainip. Naupo na sila sa kanilang reserved table.
"Ok lang ba kung iwan muna kita? May kakausapin lang ako" Pagpapaalam ni Francis.
"Dalian mo ah, alam mo namang hindi ako komportable sa mga ganitong party" Bilin ni Reyann.
"Yes, yes..I know that, saglit lang ako" Tumango lang si Reyann at tumalikod narin si Francis paalis.
Habang hinihintay ni Reyann ang binata ay pinagdiskitahan nalang muna nito ang pagkain na nasa table nila, makalipas ang ilang minuto ay naramdaman ni Reyann na may lumapit sa kanya.
"Ang bilis-" Hindi naituloy ni Reyann ang sasabihin ng magsalita ang taong lumapit sa kanya.
"Hi miss, pwede bang makipagkilala?" Anang isang lalake na sa itsura nito ay halatang lango na sa alak.
BINABASA MO ANG
THE BOYISH AND THE PLAYBOY
RomanceSi Francis Tan, isang modelo at negosyante. At dahil gwapo, mayaman at hot si Francis, habulin sya ng mga babae, at dahil mabait sya, lahat ng babaeng lumalapit sa kanya ay pinapatulan nya, basta sexy at maganda, sa madaling salita, isang certified...