"Where's Francis?!" Halos pasigaw na tanong ni Mr. Henson kay Mr. Lee, ang manager ni Francis.
"Sir kahit pigain nyo pa ako, wala akong maisasagot sa inyo, kahit ako ay hindi alam kung nasan si siya" Sagot ni Mr. Lee, at bumuntong hininga. "Basta ang bilin lang sa akin ay i-cancel lahat ng schedule niya for 1 week, dahil may pinagkakaabalahan siyang importante"
"I'm not believing you, manager ka niya kaya imposibleng hindi mo alam kung saang lupalop naroon ang magaling kong anak" Galit na sabi parin ni Mr. Henson.
"Mahal calm down, hindi kapa lubusang magaling, mahina pa ang puso mo" Pagpapakalma ni Mrs. Francia sa asawa.
"Talagang mamamatay ako sa kunsumisyon diyan sa magaling mong anak! Pinagmukha niya tayong tanga! Tinanggap natin ng buong-buo ang Reyann na yan sa pamilya, yun pala hindi naman sila totoong magkarelasyon" Himutok ni Mr. Henson.
"This is all your fault! Kung hindi mo siya pine-pressure na mag-asawa, I'm sure hindi niya maiisipang gawin ang mga bagay na 'to!" Hindi narin nakapagpigil ng emosyon si Mrs. Francia, nasasaktan siya para sa anak.
"Relax" Pagpapakalma sa tensyon ni Mr. Lee. "Sa ngayon, umuwi na muna kayo, kapag tinawagan ako ni Francis agad ko kayong ii-inform"
Hindi na umimik pa ang mag-asawa, tahimik silang lumabas sa opisina ni Mr. Lee.
*****
Hindi mapalagay si Francis mula nang malaman niya mula sa kanyang manager na alam na nang madla na peke lang ang relasyon nila ni Reyann. Mas lalo pa siyang kinabahan ng masabi ni Mr. Lee na galit na galit ang Papa niya dahil sa nalaman.
Palaisipan kay Francis kung sino ang nagpakalat ng balita, at kung paano nalaman na kunwari lang ang relasyon nila ni Reyann, tanging sina Mark at Jeffrey lang ang nakakaalam ng tungkol doon.
Biglang dumating si Reyann, napukaw ang malalim na pag-iisip ni Francis. Malapad ang pagkakangiti ni Reyann at maaliwalas ang mukha, pahiwatig na may dala itong magandang balita.
"How's your Mom?" Tanong agad ni Francis, bigla kasing tinawag ng Doctor kanina si Reyann upang kausapin tungkol sa kondisyon ng ina nito.
"Nalampasan ni Nanay ang critical condition! Ligtas na si Nanay, Francis! Ligtas na siya!" Sa sobrang tuwang naramdaman ay napayakap si Reyann sa binata, niyakap din naman ito pabalik ni Francis.
"I'm happy for you" Tipid na sabi ni Francis nang kumalas na sila sa yakap.
Biglang nakaramdam ng hiya si Reyann ng marealize ang ginawang pagyakap sa binata. "Salamat at sinamahan mo'ko rito"
"It's nothing compare to all the favors that you did for me" Anang binata, napabuntong hininga ito. "Tapos na ang pagtatrabaho mo sakin, salamat sa favor na ginawa mo, salamat dahil pumayag kang magpanggap na girlfriend ko"
Napakunot ang noo ng dalaga. "Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong nito.
Humugot ng isang malalim na hiningi ang binata bago ito sumagot. "Alam na ni Papa ang totoo, actually, alam na ng lahat, alam na nilang fake lang ang relationship natin"
Nalungkot bigla si Reyann dahil sa nalaman. Ibig sabihin ay hindi na nya makakasama pa ang binata. Napangiti siya ng mapait. "Pano ba yan, ang dami ko pang utang sayo" Biro ni Reyann, pilit pinapasigla ang sarili.
Bahagyang napangiti si Francis. "No worries! Pwede namang installment ang bayad" Biro din nito. "O kaya date nalang ang bayad" Dagdag ng binata, kumindat pa ito.
"Sira ka talaga!" Pabirong sinuntok ni Reyann sa balikat ang binata. "Pwera biro, pano ka nyan? Siguradong galit na galit ang Papa mo"
"Don't worry, I can handle this" Pinilit ngumiti ni Francis kahit na nai-stress na sya.
BINABASA MO ANG
THE BOYISH AND THE PLAYBOY
RomansaSi Francis Tan, isang modelo at negosyante. At dahil gwapo, mayaman at hot si Francis, habulin sya ng mga babae, at dahil mabait sya, lahat ng babaeng lumalapit sa kanya ay pinapatulan nya, basta sexy at maganda, sa madaling salita, isang certified...