Maganda ang gising ni Reyann, maganda rin ang mood niya dahil nanalo siya sa karera ng nagdaang gabi. Kasalukuyan siyang nagluluto ng almusal ng mag ring ang cellphone niya
Every day, I think the load gets heavy
Throw it away, the world unloads hostility
Is there a way to break the curse and stop this now?
I'm going home, then I'll cry alone
Don't you worry, soon, I'll be gone, psycheBazinga! Hate niyo'y gasolina, yeah, I'm fire, I linger
Dare you to turn up the heat and I'll burn y'all 'til I die, yeah
Bruce be proud, I'm water, moves, they stagger, wattah!
Buzz killer, I'm killing your buzz, so get the hell outUmalingawngaw sa loob ng kusina ang kanta ng SB19 na Bazinga, ringtone ito ng cellphone ni Reyann, paborito niya ang kantang iyon.
"Hello, sino 'to?" Sinagot ni Reyann ang tawag na di manlang nag abalang tignan kung sino ang tumatawag.
"You didn't save my mobile number?" Tanong ng nasa kabilang linya. Napatingin si Reyann sa screen ng kanyang cellphone.
"Uy english boy ikaw pala, napatawag ka?" Ani Reyann sa kausap sa cellphone.
"We need to talk" Wika ni Francis sa kabilang linya.
"Kailan? Ngayon naba?" Tanong ni Reyann.
"Later, after my photo shoot, maybe 2 o'clock or 3" Sagot ng binata.
"Ok! Copy!" Sagot ni Reyann.
"Tatawagan nalang ulit kita pag nasa bahay na'ko" Ani Francis sa kabilang linya.
"Susme, patawag tawag kapa, magkapit-bahay lang tayo noh!, malalaman ko agad pag nakauwi kana, wag kana magsayang ng load" ani Reyann. "Yung pantatawag mo ipasa load mo nalang sakin" Pagdadaldal pa ng tibo
"Ang daldal mo, bye na!" Iritableng wika ni Francis.
"Wait, wait.." Pahabol ni Reyann.
"What?!" Inis na tanong ni Francis
"Seryoso ako, papasa load naman"
"What pasaload?" Iritable paring tanong ni Francis.
"Ang engot mo naman, pasaload lang di mo alam, pasaload, yung papasahan mo 'ko ng load mo" Ani Reyann.
"I don't know how do that pasaload you've talking, I have to go, bye!" Magsasalita pa sana si Reyann pero agad na pinutol ni Francis ang tawag.
"Ha! Ang damot, pasaload lang eh" Bulong ni Reyann sa sarili, ipinagpatuloy na nito ang pagluluto.
*****
Lampas alas dos na ng tanghali nang makauwi si Francis sa kanyang bahay, nakita niya ang tibong kapitbahay na dumungaw sa bintana, inaabangan talaga nito ang pagdating niya.
Saktong naipark niya ang kotse sa garahe ng sumulpot si Reyann
"Hi madamot" Bungad ni Reyann.
"Pwede ba tibo, hindi ako madamot, para kang bata, para yun lang!" Inis na sabi ni Francis pagkababa ng kotse, may bitbit itong dalawang supot ng chowking.
"Uy ano yan pagkain? Ang sweet mo naman pinagdala mo pa'ko ng pasalubong" Namimilog ang mga matang sabi ni Reyann.
"Who told you na sayo 'to?" Naglakad na papasok ng bahay si Francis, nakabuntot naman sa kanya si Reyann.
Pagkapasok sa sala ng bahay ay pabagsak na naupo si Reyann. "Ano bang pag-uusapan natin?" Tanong ni Reyann
"Excited? Di ba pwedeng magmiryenda muna?" Ani Francis at isa-isang inalis sa plastic ang mga pagkaing binili, una niyang binuksan ang styro na may lamang siomai.
BINABASA MO ANG
THE BOYISH AND THE PLAYBOY
RomanceSi Francis Tan, isang modelo at negosyante. At dahil gwapo, mayaman at hot si Francis, habulin sya ng mga babae, at dahil mabait sya, lahat ng babaeng lumalapit sa kanya ay pinapatulan nya, basta sexy at maganda, sa madaling salita, isang certified...