Kinuha ko ang libro na nakapatong sa mesa at nilagay sa loob ng bag. Nang matapos ay tumakbo na ako papalabas ng silid.
Nang makita ko siya ay sumilay agad ang ngiti sa labi ko.
"Mr. Fueros!" sigaw ko. Kumaway ako sa kaniya at patakbong lumapit.
"Kera. Bakit?" He asked while laughing a bit. Ngumisi ako ng malapad at binigay sa kaniya ang bag na dala-dala ko.
"Para po sa inyo.." Nahihiya kong saad. Ngumiti siya kaya napangiti rin ako. Napawi rin iyon ng umangat ang kamay niya at ginulo ang buhok ko.
"Salamat. Tapos na ba ang klase mo?" Tumango ako. Nang nagsimula siyang maglakad ay sumunod ako sa kaniya.
Si Mr. Fuero ay ang naka assign sa clinic dito sa eskuwelahan namin. Lagi ko siyang binibisita sa clinic kahit na sinasabi niya na hindi ko dapat iyon ginagawa.
I can't help it. I really like him.
Kahit na alam kong hindi niya ako gusto lalo na't bata pa ako. I don't mind.Lumipas ang ilang buwan ay lagi ko pa ring ginagawa iyon. Hindi naman siya nagagalit. Kahit na sinasabi ng mga kaklase ko na hindi magandang tignan na nagkagusto ako kay Mr. Fueros.
He's still in 30's. Baby face rin siya kaya hindi halata na matanda na siya. Sobrang talino rin kaya kapag may assignment ako ,ay sa kaniya ako nagpapatulong.
"Kera!" Napatigil ako sa pagtakbo ng tawagin ako ng isa kong kaklase. Umirap ako dahil alam ko na ang sadya niya.
"Pupuntahan mo na naman siya? Hindi kaba nahihiya?" Iniwas ko ang paningin sa kaniya at ngumungiting sumulyap sa dala kong bag.
"Hindi mo ba alam na na assign siya sa ibang school?" Napahinto ako sa pagngiti. Kumunot ang noo at inangat ang tingin.
"What are you talking about?" I can't believe her. Nang hindi siya sumagot ay patakbo akong pumunta sa clinic.
Kumunot ang noo ko nang nakitang may isang box sa ibabaw ng mesa ni Mr. Fueros. Nakalagay doon ang mga gamit niya.
"Kera? Anong ginagawa mo dito?" Sumulyap ako sa likod at doon. Nakita ko siya.
"Aalis ka?" Tanong ko kahit halata naman. Tumango siya at kinuha ang kahon.
"Oo. Hindi ko pala nasabi sa-"
"Bakit?" Naguguluhan ko siyang tinanong. Ang alam ko ay maayos naman siyang nakakapagtrabaho dito. Bakit siya lilipat?
Ngumiti lang siya at nagsimulang maglakad. Nang nasa pintuan na siya ay hindi ko napigilang sumigaw.
"Mr. Fueros!" Huminto siya. Bumuntong hininga ako at humakbang.
"Kapag magtapos na ako ng kolehiyo, puwede ba kitang makita ulit?" Tinignan niya ako at ngumiti. Hindi magandang tignan kung bibisitahin ko siya sa ibang eskuwelahan.
"Alright. Ipangako mong makakapagtapos ka." Ngumiti ako at tumango. Tinalikuran niya ako at umalis na. Kapag makapagtapos na ako ng kolehiyo sa States, babalik ako dito sa Pilipinas at sasabihin ko sa kaniya ang nararamdaman ko. Kahit na napakatagal pa 'nun.
Ayaw ko lang sabihin sa kaniya ngayon dahil alam kong may tamang oras para doon. Wala pa akong napapatunayan sa sarili ko.
Ngumiti ako ng malungkot at lumabas na ng clinic.
"Wake up sleepy head! We're here!" Naalimpungatan ako ng naramdamang may yumuyugyog sa akin. Tinignan ko si Stella at sinimangutan. Nang may naalala ay agad ring ngumiti.
Makikita ko na rin siya pagkatapos ng anim na taon. Sabay kaming lumabas ni Stella sa eroplano. Ngumiti ako ng malanghap ang hangin. Welcome home, Kera!
Napalingon ako sa katabi nang sinabing may pupuntahan lang at sasagutin ang tumatawag sa kaniya. Tumango ako.
Nagsimula akong maglakad. Nang masulyapan ko ng paunti-unti ang isang lalaki, ay ngumiti ako. Tinawagan ko siya bago ako umuwi dito. Sinabi kong gusto kong siya ang sumundo sa akin.
Pumayag rin naman siya dahil may pupuntahan siyang party at dadaan muna siya dito.
Ngumiti akong lumakad papunta sa kaniya. Mr. Fueros...
Napatigil ako sa paghakbang nang may nakita akong babae. Kumunot ang noo at hindi nalang iyon pinansin. Baka kapatid niya lang o kaibigan.
"Hi! " Masaya kong saad. Ngumiti siya kaya mas lumapit ako.
"Welcome back, Kera. Ang laki mo na 'a!" He said. Tumawa ako. Sinulyapan ko ang babaeng nasa tabi niya. Hindi naman mabuti kung hindi ko siya batiin, diba?
"Hi! I'm Kera!" Nilahad ko ang kamay sa kaniya at ngumiti ulit.
"Hi. I'm Sophia." Sumulyap siya sa lalaking nasa tabi niya.
Tinignan ko si Mr. Fueros.
"I have something to tell you." Nakangiti ko saad sa kaniya. Umayos siya ang tayo. Pinangako ko sa sarili na sasabihin ko sa kaniya na gusto ko siya kapag makapagtapos na ako ng kolehiyo.
"I..." Kinagat ko labi. Kinuyom ko ang kamao. Nakita ko ang pag-aabang niya sa sasabihin ko.
"li-"
"Hon. Banyo lang ako. Maiwan ko muna kayo ,ha?" Napatigil ako sa pagsasalita nang nagsalita si Stella.
"Go ahead." Kumunot ang noo ko.
"What is it, Kera?" He asked. Hinabol niya ng tingin iyong babae.
"Ano mo siya?" Nahihirapan kong tanong. Sumulyap siya sa akin at ngumiti.
"Her? She's my wife." Bakas doon ang pagmamalaki sa tono niya. Namilog ang mata ko at hindi na nakapagsalita. Bakit hindi niya iyon na ikuwento sa akin?
Yumuko ako ng kunti at nahihirapang lumunok.I'm very late ,huh? Ano pa bang aasahan ko?