Observant

1 0 0
                                    

I was 12 years old that time when I started to observe people. Their actions ,the way they talk, laugh, smile and everything.

Itinaas ko ang kanang kamay. Inaasahang maabot ang asul na langit na inaakala kong malapit lang.

Ibinaba ko iyon at nagsimulang magmasid ulit sa paligid. Ito na naman ako. This scenario is very familiar.

"Mary! Sorry ,I'm late!" Tinignan ko ang lalaking tumatakbo papunta sa akin. He hugged me. I smiled. Pinagmasdan ko kung paano siya huminga ng mabilis at ang pagtulo ng pawis sa kaniyang noo. Pinunasan ko iyon.

"Do you want something to eat?" He asked me. I nodded.

"Gusto ko ng fries at spaghetti. Doon sana sa pinun-" Isang tunog ang nagpatigil sa akin. Galing iyon sa cellphone niya.

"What? What do you want? Hmm." Inalis niya ang hibla ng buhok na nalaglag papunta sa mata ko. Hindi niya alintana ang patuloy na pagtunog ng cellphone niya.

"Get it." I said. Nawala ang ngiti sa mukha niya.

"Okay. Just a minute." Tumayo siya at lumayo ng kunti sa akin.

Ilang minuto ang lumipas ngunit hindi pa siya tapos. Pinagmasdan ko ang mukha niya.

Ngingiti. Kukunot ang noo. Kinakagat ang labi. Kumikislap na mata.

Nakapamewang siya. Parang nakalimutan na kasama niya ako. Nakita kong binaba niya ang cellphone.

"I'm sorry for the call ,Boo. Hindi ko sana sinagot. Pinaghintay tuloy kita." He said. But I can say he's excited to answer it. He's  happy.

"It's okay ,Boo." I said. He smiled.

"Okay lang ba na hindi natin ituloy 'yung date natin today?" I asked him. Kumunot ang noo niya. Ilang lunok ang nakita ko sa lalamunan niya.

"W-why?" I shrugged. It's hard. Being like this. All the time.

"Just kidding. Let's go. Gutom na ako." I laughed a little bit. Bumuntong hininga siya. Tumayo ako. I smiled and hold his hand.

I can pretend. Pretend that I didn't know what's going on.

It's hard to be observant. Sabi nila okay lang daw yun dahil you will become aware kung anong nagaganap sa paligid mo. Yes. It's true.

But I don't want to get to the point na ang pagiging observant ko ay napupunta sa mga akala.

Mga akala na hindi ko alam kung may katotohanan o wala. It's hard to deal with those things that will lead me to suffer. It might become a dark chapter of my life.

ONE SHOT COLLECTIONWhere stories live. Discover now