His Girlfriend

2 0 0
                                    

Binati ko siya ng happy birthday at ngumiti lang siya sa akin. Pinapasok niya ako sa kanilang bahay at pinaupo sa katabi ng girlfriend niya.

"Hi ,are you?"

"Yen, I'm Yen.." I smiled to her. She is so sweet ,no wonder nagkagusto siya sa kaniya. Nagsimula na akong kumain at iinom na sana ng tubig ,pero kusang umangat ang ulo ko ng narinig ko ang boses niya. Kumakanta siya sa stage at nakatingin sa katabi ko.

"This song is for you ,Jane. I love you." Nagsigawan naman ang lahat at nagsimula na siyang kumanta. Ang lamig at ang sarap pakinggan ng boses niya.

"Ang galing niya kumanta no?" Naibaling ko ang tingin sa katabi ko. Ang lapad ng ngiti niya habang nakatingin sa stage.

"Ah oo nga eh.." Tapos na pala siyang kumanta. Parang kailan lang ako iyong kinakantahan niya.

"Guys una na ako. Malapit na kasing mag 10." Paalam ko sa kaniya at sa iba ring kaibigan ko na nandito. Lumabas na ako sa bahay nila ,pero nagulat ako ng may humawak sa braso ko.

"Yen! Aalis kana agad?" Sumimangot siya habang hinihingal. Hindi ko alam kung bakit kusa ng tumulo ang mga luha ko. Isang taon na ang nakalipas ,pero ang sakit sakit pa rin.

"Kailangan eh.." Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Nakita siguro niya na umiiyak ako. Ang dilim kasi dito sa labas, tanging ang buwan lang ang nagsisilbing liwanag ngayon.

"Y-yen alam kong madaming beses ko ng itong sinabi sayo, pero hindi ako nagsasawang sabihin ito ng pa ulit-ulit. I'm so sorry, Yen. Hindi ko alam pero nag papasalamat ako dahil iniwan mo ako noon. Nakakatawa no? Kung hindi mo kasi ako iniwan hindi ko makikilala si Jane.." Yumuko siya pero kita ko namang umiiyak din siya. Kahit hindi niya sabihin ,alam kong ang saya-saya niya ngayon dahil nakilala niya si Jane.

"It's okay. It's my fault naman ,you don't have to apologize always, because I know that in the first place ,I-its really my fault. I'm so sorry kasi iniwan kita noon. And I'm really sorry kasi hindi ko sinabi sayo na may sakit ako nun." Kita ko ang gulat sa mukha niya.

"Anong sakit? Yun ba iyong narinig ko sa mga kaibigan ko na may tumor ka? A-akala ko..."

"Akala mo ano? Na walang dahilan kung bakit kita iniwan? That is the reason ,Paul! Iyon ang rason kung bakit kita iniwan. Pero ano ba ang magagawa ko? Isang taon na ang lumipas at hindi ko na maibabalik ang dati!" He is speechless and I know wala siyang alam kung bakit ko siya iniwan noon. Akala yata niya ,nagsawa na ako sa kaniya kaya iniwan ko siya.

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko noon, iyak ako ng iyak ng nalaman ko na may sakit ako. Kaya hindi ko alam kung iiwan ba kita o hindi. Alam ko kasing mahihirapan ka kapag nalaman mo na may sakit ako. Hindi ko alam kung may possibility pa ba na mabuhay ako ,hindi ko alam kung bukas patay na ako kasi for fucking sake! Stage 3 na Paul! Wala na ako sa matinong pag-iisip kaya iniwan nalang kita.."

"Pero Yen, sana sinabi mo nalang sa akin. For fucking sake rin Yen! It's just a lame excuse! Na iiwan kita dahil may sakit ka? Na iiwan kita dahil feeling ko mamamatay kana at iiwan mo rin ako? Yen naman!" Padabog niyang sinipa ang gate ng bahay nila. Lumikha ito ng tunog kaya may mga taong nakapansin sa amin. Nakita ko naman si Jane, iyong girlfriend niya. Kita sa kaniya ang gulat dahil umiiyak kaming dalawa ni Paul.

"Bumalik kana sa loob ,Paul. You should enjoy your birthday.."

"Ano? No! Magpaliwanag kapa! I need your damn reason! " Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Hinalikan niya ako, wala siyang pakialam kahit na nakatingin ang girlfriend niya. Pero mas nagulat ako sa nasaksihan ko, nakita kong tumatawa si Jane at mukha pa siyang masaya.

"A-ano? Bakit? Paul?" Kita ko pa rin ang bakas ng luha sa mga mata niya. Naawa ako sa itsura niya.

"Yen? I love you so much, until now I still love you. J-jane is not my girlfriend, Yen. Alam ko rin kung bakit mo ako iniwan. Hinintay lang kita dahil alam kong nahihirapan kana dahil sa sakit mo. At isa pa, ayaw na ayaw kong nakikita kang umiiyak dahil sa sakit mo. It's just a prank Yen. I'm not thankful na iniwan mo ako noon Yen. Dahil mas thankful ako na nandito kana ngayon ,nasa tabi ko at nakasama ko sa birthday ko."

I'm so shock. I don't know how to react. I just want to hug him all day. I'm really happy. Pero parang panaginip ang mga nangyari sa akin ngayon. At hindi nga ako nagkakamali, nararamdaman kong may gumigising sa akin. Pag mulat ng mata ko, sinag nh araw ang sumalubong sa akin. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang lakas ng tibok ng puso ko.  Para talagang totoo. Natawa ako kasi alam ko namang wala talaga akong jowa. At si Paul, si Paul ay hanggang sa panaginip lang talaga.

ONE SHOT COLLECTIONWhere stories live. Discover now