Umupo ako sa malapit na bench. Tirik na tirik ang araw at ang hawak kong payong ay parang balewala lang.
I'm so tired. Galing palang ako sa practice for cheerdance at katatapos pa lang ng exam namin kanina. Meron pa bukas. Hay.
Kinuha ko ang tumbler na nasa back pack ko at ininom 'yun.
"Nakakapagod no?" Napatingin ako sa kaliwa ko. Ngumiti ako ng mapait.
"Hindi naman po masyado." sagot ko sa babae. Nakaupo siya sa pangalawang bench. Magkalapit lang kami.
"Napakasipag mo namang bata. Siguro sobrang proud 'yung mga magulang mo sa'yo." Napatigil ako. Nilagay ko ang tumbler sa bag. Tinignan ko ulit siya at ngumiti.
"Siguro po. Ikaw po, may anak po ba kayo? Siguro nag-aaral din po dito 'no?" tanong ko.
Ngumiti siya. "Ah ,oo. Hinihintay ko nga. Tapos na siguro yung klase nila." Huminga ako ng malalim. Tumayo ako at tumingin sa kaniya.
"Tara na po.." Inangat niya ang paningin sa akin. Ngumiti ako at tinignan ko ang naguguluhan niya mukha.
"..Ma." Kinuha ko ang kamay niya at tinayo. Kinuha ko rin ang hawak niyang bag at sinimulang lumakad.
My mom has a dementia. Pumupunta siya lagi dito para sunduin ang anak niya. Ako. For 8 months ,I just let her do what she want.
I'm just glad that she still remembered me. 'Yun nga lang. Akala niya Grade 1 palang ako kaya parati niya akong sinusuundo.
Bumuntong hininga ako. I love her very much. To the point that I can accept the fact that she no longer remember her 18 year old daughter.