"Babe please let me explain!" Pinunasan ko ang luha ko .Hindi niya puwedeng makita na umiiyak ako kasi baka akalain niya na hindi ko kayang wala siya.
"Tin naman!" He suddenly grab my wrist kaya napatingin ako sa mukha niya. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya pero binalewala ko yun.
"Let me go ,Jhon...please" Hindi ko alam kung pagkatapos ba nito ay titigil na talaga siya sa pagsuyo sa akin.
"Wala lang naman yun eh! Nag usap lang kami ni Grace..." Humina ang boses niya ng sinabi niya yun. Pinagtitinginan na kami ng mga tao pero parang wala lang sa kaniya.
"I know, wala naman akong sinasabi eh. Ikaw lang naman itong defensive kaya napapaghalataan ka tuloy.." Tama bang sabihin ko yun? Hindi ko balak na saktan siya ng ganito pero kung ganito nalang pa ulit-ulit parang gusto ko nalang...bumitaw.
"May pupuntahan lang ako Jhon ,wag kang OA.." Tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa akin.
"Alam kong galit ka Tin, ilang beses ng ganito ang sitwasyon natin kaya alam kong pagod kana.." Hinawakan ko siya sa mukha at hinaplos ito. Hindi ko alam kong tama ba itong desisyon ko pero alam kong makakabuti ito sa akin. Iwas sakit ,iwas iyak.
"Please bukas nalang tayo mag-usap..may pupuntahan lang ako.." Ngumiti ako sa kaniya para malaman niyang seryoso ako.
"Sana maayos to Tin.." Nakita ko ang paglunok niya. Ngumiti siya ng mapait at sinimulan kong lumakad. Sana nga Jhon.
"Bye.." Sumakay ako sa tricycle na nasa harapan namin. Nag ponytail ako at nag ayos ng kunti para hindi haggard tignan. Pumara ako sa isang cafe na kilala talaga dito. Bumayad ako at dali-daling binuksan ang pinto, palagi kaming pumupunta dito ni Jhon pero nakakalungkot lang dahil hindi ko siya kasama ngayon.
"Christine! Dito!" Napatingin ako sa left side ko at nakita ko ang isang lalaking nakangiti ng malapad. Napangiti ako ng lumapit ako sa kaniya.
"Sorry late ako.." Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Lungkot ba dahil sa nangyari kanina o saya dahil nakita ko na ang lalaking to.
"Okay lang ,ikaw pa!"
"Order na tayo Cael.." Kinuha niya yung menu na nasa mesa at inabot sa akin. Nag usap kami kung anong gusto namin i-order.
Sabihin na ng iba na masama akong babae pero hindi ko sila masisisi dun. Nagagalit din ako sa sarili ko dahil sa ginagawa ko ngayon. Cheat is a sin ,alam ko. Tumingin ako kay Cael at hindi ko maiwasang mapaisip. Tama bang iniwan ko si Mark para sayo? I breath deeply. Bahala na ang importante masaya ako sa ginagawa ko kahit na alam kong mali. Masisisi ko ba ang sarili ko kung bakit ang nakasanayan ko ng bagay ay nawalan ako ng gana? Hindi kasi ako yung tipong tao na kayang magstay sa isang bagay na alam kung nakakasakit na sa akin at alam kung hindi na nakakapagpasaya sa akin.