Masaya akong lumabas sa silid namin. Dala-dala ang isang bag ng pagkain para sa lunch ko at kay Jaina.
Hindi ko pinansin ang ilang hagikhikan at mga tingin sa akin ng mga estudyante. Iyon ang lagi ang senaryo kapag pumapasok ako.
Lumakad ako ng may malaking ngiti sa labi.
Nang makarating sa cafeteria ay nakita ko agad siya.
Patalon akong lumapit kaniya. Nakatutok ito sa cellphone niya at nang nakitang nasa harapan niya ako ay umusbong ang napakaganda niyang ngiti.
"Let's eat!" I yelled happily. She nodded. Masaya kong binuksan ang pagkain at nilagay sa harapan niya.
Nakita ko pa ang pagbuka ng labi niya dahil sa dami ng dinala ko. Nag-usap kami habang kumakain pero bigla din akong natigilan.
"Iyan ba 'yung classmate nating may saltik?" Binalewala ko iyon.
"Nakakatawa. Hindi pa ba yan pinapakita sa doctor?" Narinig ko ang ilang hagikhikan nila sa likod. Tinignan ko si Jaina at nakitang nakatitig lang ito sa akin.
"Tara na nga! Nakakatakot siyang tignan!" Pumikit ako ng mariin at ng dumilat ay nakita ko na naman ang napakagandang ngiti ng babaeng nasa harap ko.
"Don't mind them.." Malumanay niyang saad. I nodded. Pinagpatuloy ko ang pagkain pero hindi ko iyon malunok dahil sa bumabarang bikig sa lalamunan.
Tumulo ang isang luha at sunod-sunod na iyon. I wiped it immediately dahil alam kong magagalit na naman siya.
"I said don't mind them.." Tumango ulit ako. Ngumiti sa kaniya.
"Hey! Puwedeng akin nalang 'to?" Napaangat ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko. Nginuso niya ang pagkain ni Jaina.
"No. You see? It's for my bestfriend." I said. Nakita ko ang pag iling niya na parang pinapahiwatig na baliw ako. Sinamaan ko siya ng tingin hanggang sa umalis siya.
Tinignan ko ang pagkain. Nakatingin din doon si Jaina.
"It's for my bestfriend.." Mahina kong bulong. Inaangat ko ang paningin sa kaniya.
"It's for her.." Kahit na.. kahit na patay na siya. I always prepare a food for her. I always prepare a food for my died bestfriend. Jaina.
My bestfriend for 6 years. She left me.
