CHAPTER 7

13 0 0
                                    

ELIANA

KALDERETA

Habang nasa sala ay inabala ko ang sarili sa panonood. Ipinagpatuloy ko ang movie kanina.

"Let's eat together, Eliana."

Napalingon ako. Nakita ko siyang nakamasid sa akin habang nakangiti. "Sige na, please?" Sa sinabi niya wala man lang malambot na tinig akong narinig. Ang boses na aking narinig ay puno ng maangas ngunit maginoong lalaki.


"Ayos ka lang ba?" tanong niya habang kumukuha ng kanin saka sinalin sa kanyang pinggan. Ang bilis naman ng pang-amoy nito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang isipin ang nangyari kanina. Dapat kasi hindi nalang ako pumasok doon.


"Oo naman. Gutom lang siguro ako," I lied. Tumango lamang ito ngunit alam kong hindi siya nakuntento sa sagot ko. Ngumiti lamang ako saka nagpatuloy sa pagkain.

"Ang sarap ng luto mo," puri niya kaya nginitian ko lang siya. "Gusto ko pa." Natawa ako sa reaksyon niya na parang bata na humingingi ng pagkain sa nanay dahil paborito niya ang niluto.

Kinuha ko ang mangkok para sana lagyan ng caldereta ang pinggan niya ngunit inagaw niya ito. "Bakit mo naman nilalagyan yung akin? Ako dapat naglalagay sa 'yo. Thank you sa pagluto." Gaya nga ng sinabi niya ay nilagyan nito ng dalawang saldok ng ulam ang aking pinggan at sinunod naman niya ang sa kanya. Napalunok ako nang makitang marami ang inilgay niyang ulam sa pinggan ko.

"Ang dami naman, kaya ko kayang ubusin 'yan?" natatawa kong tanong habang nakatingin pa rin sa aking plato.

"Oo naman. Alam ko naman na food is life ka." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Parang alam na alam niya kung gaano ako kumain. Uminit naman ang pisngi ko matapos isipin iyon, nakahihiya naman.

"Paano mo nalaman?" Kunwaring tinaas ko ang kilay ko para hindi niya ako mahalata.

"Dahil magaling ka magluto," sabi niya sabay subo ng patatas.


Nagkibit-balikat na lamang ako at hindi na nagsalita pa. Wala namang espesyal, basta mahal ko ang pagluluto, iyon lang.

"May karenderya ba kayo? Bakit ang galing mo magluto?” tanong niya. Uminit agad ang mukha ko nang sabihin niya iyon.

Nakita kong kumuha pa siya ng kanin at ulam at inilagay iyon sa kanyang pinggan. Mukhang nasarapan talaga siya sa niluto ko.


“Wala kaming karenderya. Natututuhan ang pagluto, Lucas,” mahinahon kong sabi. Halos patapos na rin ako sa pagkain. Uminom na rin ako ng tubig at nagpunas ng bibig.


"Anong course mo? Bagay ka maging chef.” Tinapik ko ang kamay niya. Sobra-sobra na ang papuring natatanggap ko! Pakiramdam ko ay hindi pagkain ang nakabusog sa akin, kung hindi ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.



“Education.”

Nanlaki ang mga mata niya at tumigil sa pagkain. Kulang na lang ay bitawan niya ang kubyertos.


“EDUC ka pala. Pero bakit ang sungit mo?” Nakanguso siya habang sinasabi iyon. Halos malaglag ang panga ko sa narinig ko.

“I’m not masungit, Lucas!” angil ko. Humalakhak naman siya kaya sumimangt ako. Hindi naman ako masungit, ah!

“Education Students must be nice and friendly. You will be a teacher someday.”

Hindi ko alam kung may sense ba ang sinasabi niya. Bakit? Education lang ba ang dapat maging mabait?

“So, kapag CEO ay dapat suplado?” inis kong tanong sa kanya. Kitang-kita ko ang paglaglag ng kanyang panga. Tumayo ako at kinuha ang pinagkainan ko at inilagay iyon sa lababo.


"Eliana, you need to cook next time carefully. There’s a stain of tomato sauce on your butt." Natigilan at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Huwag niya sabihing...napapikit na lamang ako. Please, huwag ngayon.

"H-hindi 'yan tomato sauce," nanginginig na sabi ko.


"What? I'm seeing a red spot there. It looks fresh and delicious. Buti na lang hindi kulang yung nilagay mong sauce sa caldereta."


Fck! Nakahihiya!


Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Parang tumigil ang oras at nawalan ako ng lakas humakbang at hanapin kung saan ako pupunta.


"Eliana, are you okay?" naguguluhang tanong niya kaya mas lalo akong kinakain ng kaba.


"I need to go to the bathroom." Hindi ko na siya hinintay makapagsalita at tinahak na ang banyo. Hindi ko na rin maintindihan ang huli niyang sinabi dahil sa labis na pagkataranta ko. I hate this feeling.


Bakit lalaki pa ang nakakita na may regla ako? Gosh!


Nang makapasok sa c.r ay dali-dali akong naghanap ng napkin. Paano ako makakahanap eh ang laki ng c.r, sa sukat nito ay pwede na 'to gawing kwarto.



Oh men, where's the napkin in here? Napairap ako sa sobrang katarantahan. Napasabunot ako sa sariling buhok at inisip kung gaano ako katanga, dahil doon lang pumasok sa isip ko na lalaki pala ang may-ari ng opisinang ito. Paano magkakaroon ng napkin dito?

"Here. Can you open the door?" Mas lalo akong kinabahan nang marinig ko ang tinig niya.

"No. Huwag kang papasok, may ginagawa ako," matigas kong sabi. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya sa labas.

"Wala ka namang gagawin diyan kung walang napkin sa c.r. Here, take this." Gulat akong napatingin sa pinto ng banyo. Bumili siya? Nakakahiya ka talaga, Eliana!

"Di-Diyan mo nalang sa labas. S-Salamat." Naramdaman kong may inilapag nga siya saka umalis na. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, 
at nakita sa baba ang——MGA NAPKIN?! Iba’t-ibang brand ng napkin! Natutop ko ang bibig ko saka inisip kung bakit napakarami.


What if sa girlfriend niya pala iyon?


Oo, baka nga sa girlfriend niya. Alangan namang siya ang gumamit no’n.

Wait, baka naman kay Melody ‘yan? Iyong binanggit ni Mrs. Sandoval noong naroon kami sa bahay nila.

Baka nga awayin ako no’n dahil gagamitin ko ang napkin niya. Pero, wala na akong choice kung hindi gamitin ito.

Kukunin ko na sana iyon nang makita ko siya sa harap ko. He's wearing a smile that expose his innocent look.

Unti-unti siyang lumapit sa akin kaya ako naman ay paatras nang paatras. Napansin kong pareho na kaming nasa loob ng banyo.

"T-Teka, L-Lucas. Magpapalit ak---" I was stucked. Naramdaman ko na lamang na dumampi ang kanyang labi sa labi ko. It gives me a warmth now. The moment his lips close to mine take me to have unconscious act. My hands are shaking.

Unti-unti niyang humiwalay ngunit napatanga pa rin ako.
Mahigit limang segundo lamang itinagal ng halik na iyon ngunit parang nakalapat pa rin ang kanyang mga labi. That was only a smack, but full of affection. Gosh, I know my face is turning red right now.


I can't look at him. Gusto kong umiyak. Pero hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ako iiyak.


"L-Lucas..." bigla nalang sambit ng bibig ko. Tumingin siya sa akin.

"Ba't mo ginawa iyon?" tanong ko. Nanginginig pa ang mga kamay ko at ang buong katawan ko at tila naparalisado.


“It’s tempting.”


lherughhh

Whispers of the Sun (Weather Series One)Where stories live. Discover now