2 | mga pangamba

13 2 0
                                    







Sa dinami-rami ng taong nakasalamuha ko, hindi ko pa rin maiwasang tanungin ang kapalaran kung bakit ikaw ang nakasungkit ng aking puso.





Hindi naman ako handang ihayag ang aking pagtingin. Hindi ko rin alam kung akin pa bang babalakin. Ang totoo niyan, may mga nakaraang pagliyag ang aking puso at hindi ko rin nagawang umamin. Marahil, hindi pa ako handang pumasok sa isang pagsasama, o kaya'y naiisip kong sa buhay ko'y tila magiging isa itong abala. Sa kabila nito, alam kong noon pa man, duwag ang aking pusong harapin ang pagtanggi ng mga taong aking napupusuan. At ngayon naman, hindi iba riyan ang aking kinatatakutan.





Ganunpaman, iba ang ipinapahiwatig ng kasalukuyang sitwasyon. Dahil kung sakali mang ika'y nagkaroon ng pagtingin sa akin, sa puntong ito'y naging bulong na lang ito sa hangin. Kung nagkaroon man ng malalim na kahulugan ang mga salitang minsang binitawan mo sa mga saglit na ipinahiram sa atin, hindi ko naman ito nabasa't nakuhang tanggapin.





Ngayon pa ba, kung kailan nakikita kong masaya ka na't nakakangiti sa piling ng iyong sinisinta?





---

TugMARUPOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon